CHAPTER 11 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! ARWYNN (POV) Parang binabarena ang ulo ko. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nakakunot pa ang noo kong sumandal sa headrest ng kama hanggang sa unti-unti kong napagtantong nasa hindi pamilyar na kwarto ang kinaroroonan ko. Masaklap pa rito ay wala akong saplot na kahit ano. Alam kong wala dahil nararamdaman ko ang kumot sa aking balat. Pinaka nakakainis pa rito ay may katabi akong babae na wala ring saplot. Nagising na rin siya. Inayos na muna niya ang sarili. “Good morning Arwynn.” Hahalik sana siya sa pisngi ko ngunit tinakpan ko ang labi niya ng kamay ko. “Ano’ng nangyari kagabi Venus?” “Naka

