CHAPTER 14 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! ARACELI (POV) “Sa ngayon po ay okay na ang lagay ng bata. Wala na pong any signs para mag-stay pa siya rito sa ospital. Masigla na po siyang muli. After a week or two you can go back here to start his chemo. We need a lot of prayers that this time it’ll more successful.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabing iyon ng doctor. Kahit alam kong pansamantala lang ang pagiging ayos ni Ardel bilang isang ina ay sapat na sa akin iyon. Ang mahalaga ngayon ay hindi nahihirapan ang anak ko. Hindi ako titigil sa pagdarasal na sana ay tulungan na siyang gumaling. “Thank you dok!” Yumukod ako sa doctor at saka ito lumabas.

