CHAPTER 20 BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! ARWYNN (POV) Heto na naman ako. Alam ko na hindi ko kaya to. Isang masamang balita nalang at bibigay na ako. Heto na nga yun. Bakit ba niya ako pinagtatabuyan? Bakit ba niya ako ginaganito? Alam ko namang masakit para kay Lyndel na malamang hindi siya buntis at may chance na hindi niya pa ako mabigyan ng anak. Pero hindi niya ba naisip na masakit din sa akin yun? Oo mas higit ang sakit na nararamdaman niya pero sa dami ng pinagdaraanan ko ngayon ay baka napantayan na ang sakit na nararamdaman niya ng nararamdaman ko. Hindi niya dapat isipin na iiwan ko siya ng dahil doon. Mahal ko siya. Mahal na mah

