CHAPTER 3: PARANOID BOOK 2 of THE HOTTEST BED IN TOWN Ang kwentong ito ay RATED SPG It contains words and actions not suited for very young readers. Babala: Mas Nakakapaso! Mas Mainit! ARWYNN (POV) "Sinungaling!", patay, nakita kami ni Lyndel. Malamang ay sinundan niya ako kanina. Napayuko na lang ako. "Sorry mahal", dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Huwag kang lalapit sa akin. Huwag kang mahihiga sa kamang ito. Nakakadiri ka", nakatalikod siya sa akin habang nakahiga pero tila nakikita niya ako. F*ck sh*t ka kasi Arwynn. Bakit ka ba sumama sa babaeng yun? Bumalik ako sa pinto, umupo at sumandal dito. "Wala namang nangyari sa amin", paliwanag ko. Kahit hindi ako tinitingnan ni Lyndel o kahit hindi niya pa pakinggan ang paliwanag ko ay gagawin ko pa rin ito. Wala akong ginawan

