Chapter 1
Putitay's POV
HINDI ko alam kung bakit ganito ang life ko mga bes. Kami na ang mahirap, kami pa ang inaatake ng bwisit na malas. Pano ba naman, Halos mastress ako sa 8 kong kapatid. Ang hirap na nga namin ang mga magulang ko naman nagpapasarap pa. Di man lang makapagbili ng proteksiyon. Wala daw pambili, eh sa 20 pesos makakabili ka na ng Condom. Mabuti na ang tig 20 pesos kaysa sa magdusa ng ilang taon.
Alam ko mga bes bobo ang mga magulang ko. Wala pa din akong magagawa kasi magulang ko sila. Hindi sila nakikinig eh at etoh pa, magiging siyam na kaming magkakapatid. Ako pa ang panganay kaya ako na ang naghahanap ng trabaho. Hindi naman sa ako nagtatranaho ay wala ng ginagawa ang magulang ko. Sadyang kulang ang kanilang kinikita kaya tumutulong lang ako. Itinigil ko muna ang pag-aaral para alagaan ang aking kapatid bunga ng kasarapan ng mga magulang ko.
Naku naku naku!! Buhay na masyadong mahirap. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa malas na ito mga bes. Kaya mga besh bigyan niyo ako ng isang milyon para lamang makalayo na ako sa bwisit na paghihirap na ito.
Pero siyempre, alam ko naman na lahat ng ito ay pagsubok, sinusubukan ng diyos kung gaano kalakas ang pananampalataya ko sa kaniya. Kaya lahat ng orasyon at praying meeting pinupuntahan ako. Kahit magpasanib sa masamang ispirito para lamang makausap nila, gagawin ko. Magpapako sana ako sa krus noong semana santa pero malas babae kasi ako..
"Oh money, money, money, Yeah come on money!!" Pakanta ko. Nagiimbento lang ng kanta.
Patuloy parin ako sa pagkanta ng may isang babae ang humulog ng barya sa lata kong hawak. Totoo mga besh nanlilimus ako ngayon. Wala pa kasi akong raket sa ngayon kaya nanlilimos ako. Hindi kayo naniniwala? Edi hindi!! Wala kaming pake.
Nakaupo lang ako dito sa ilalim ng kahoy sa gilid ng Daan.
Bigla namang may babae ulit na humulog ng barya sa lata ko. At hindi pala ito barya kundi isang libong piso. Kung suswertehin ka naman pala. Ang bait ng babae. Halos hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko mga bes.
Pero maya-maya pa, bumalik ulit ang taong nagbigay ng isang libo sa akin. Siguro dadagdagan niya. Pero mali pala. Kinuha niya ang isang libo at pinalitan ng ten pesos na papel. Hindi ko alam kung uso pa itong gamitin. Naks paasa talaga ang babaeng yun. So bad.
Magdadapit hapon na ng ako'y umuwi, Syempre binilang ko ang nalimus ko ngayon, Pero Fifty Pesos lang ang nalimos ko. Okay na ito, may pambili lang kami ng makakain kahit tinapay lang na tag six pesos.
Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. Kinuha ko ang maliit na basag na salamin na nakuha ko lang noong nasunog ang isang mall. Ang dungis ko ng tignan. Inayos ko nalang ang medyo gulo kong buhok at ng ok na ay lumakad na ako.
Maya-maya pa'y may isang matandang babae na nanlilimus ang lumapit sa akin at nanlimos din. Ano bang trip ng matandang ito? Manglilimos sa Nanlilimos? Weird right. Char
Pero halos mabiyak ang s**o este puso ko nang makita ko ang sitwasyon niya. Nakakaawa dahil sa matanda na ay dapat nang magpahinga
"Ineng palimos nauuhaw na ako eih, gutom rin." sabi niya na nagmamakaawa. Pero siyempre maawain ako sa matatanda kaya inaya ko siyang dalhin sa tindahan.
"Lola halika punta tayo sa tindahan! Bibilhan kita ng pagkain" sabi ko sa kaniya halos lumiwanag ang mukha niya ng sabihin ko iyon. Maganda at masarap sa pakiramdam ang makatulong, kahit nangangailangan rin ako ng tulong.
Lumakad kami papuntang tindihan. Pero alam niyo naman chismosa ako kaya nagtanong ako ng kung ano-ano sa kanya
"Lola, Anong pangalan niyo?"
"Uh ako si Lola Criselda, tawagin mo nalang akong Lola Monay. Ikaw? Anong pangalan mo?" mahina niyang saad, siguro dahil nagugutom narin siya
"Ako si Puricia Tinadia Tayaman Villamedez. Apelyido ko lang yung pang mayaman pero poor din ako. Eih nasaan ang pamilya niyo? Bat paligoy-ligoy kayo dito sa kalsada?" sunod ko namang tanong
"May isa akong anak, isa siya engineer ngayon at may pamilya, napapagod din siya sa oagbabantay sa akin. Kaya ipinadala niya ako sa home for the age" malungkot nitong sabi.
"Noong una ay parati niya akong dinadalaw pero makalipas ang ilang araw isang beses sa tatlong buwan na siyang bumibisita sa akin"
"Ang sakit sa pakiramdam na di ka na niya binibigyan ng halaga. Ang nanay niya na halos ilagay ko na ang buhay ko sa kamatayan para lamang mabuhay siya, Halos magkandarapa na ako para lamang makagatas siya, maaruga lang siya ng maayos pero heto, kinalimutan na niya ako" tumutulo na ang kaniyan luha. Huminga siya ng malalim. At kita ko sa mukha niya ang lungkot
Parang bala ng baril ang salita niya, tumatagos sa mga buto ng aking puso at parang nabibiyak. Sino ba namang anak ang itatapon na lamang ang kanyang ina pag-tumanda na ito.
Nakarating narin kami sa tindahan, bumili ako ng isang hopia at yun ang ibinigay ko sa kanya. Inabot niya ito at agad na binuksan dahil siguro sa gutom na gutom na talaga.
"Lola! Gusto mo ba ng tubig?"
"Mountain Dew nalang yung akin" sagot niya
Wow grabe talaga si lola, siya na nga ang nanlilimos ang choosy pa. Pero okay lang, kahit man lang maparamdam ko sa kaniya na kahit kinalimutan na siya ng kanyang anak nandito parin ako para sa kanya.
Napapangiti ako habang pinapanuod kung paano siya kumakain. Ang sarap sa pakiramdam na nakatulong ako sa kanya, yung tipong ang gaan ng loob ko habang nakikita ko kung gaano siya kasaya kahit sa kaunting paraan.
Napatingin siya sa gawi ko, inalok niya ako ng hopia pero umiling ako
"Kain ka ineng!! Alam kong kung gutom ka rin!!"
"Wag na lola, makita ko lang kayong kumakain, busog na ako!!" sabi ko habang nakangiti
Kinain na ni lola ang natitirang hopia at hinigop niya yung mountain dew.
Nang natapos na siya, bigla siyang nagsalita.
"Salamat ineng ha! Kahit hindi mo ako ka kilala tinulungan mo parin ako, kung ikaw sana ang anak ko." sabi niya na may ngiti sa labi. Ngumiti din ako bilang ganti. Pero nagulat ako ng may inabot siya sa akin. Akala ko nga droga kaso di pala.
"Ito ineng, kapalit ng ginawa mong kabutihan sa akin!!" sabi niya at hawak ang isang napkin. Ano ba naman itong si lola.
"Eih lola, Ang paggawa ng kabutihan walang hinihinging kapalit". Rason ko nalang kahit sa totoo ay nandidiri ako. Ba't may dala siyang napkin? May menstruation pa ba siya hanggang ngayon?
"Tanggapin mo nalang ineng bilang pasasalamat, itong napkin ay tutulong sayo para makaahon ka." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.
Kinuha niya ang kamay ko, binuksan niya ang aking palad at inilagay doon ang napkin. Tiningnan ko ang napkin na ibinigay niya. Infairness di pa siya mukhang gamit. Parang bagong bili ang itsura nito.
"Pero lol-" naputol nalang ang sasabihin ko ng bigla siya nawala na parang bula. Nagpakingalinga pa nga ak sa paligid pero wala na talaga siya. Paanong nawala? Ang bilis naman ni lola tumakbo pag ganun.
Pero hawak ko parin ang napkin na binigay niya. Anong gagawin ko dito? Anonyung pinagsasabi ni lola na makakatulong para makaahon. Hello? Ginto ba ito para ibenta.
Bigla nalang umilaw ito at nagdulot sa akin ng pagkahilo, at naramdaman ko nalang na natumba na ako sa malamig na sahig. At bumuo sa aking isipan ang isang tanong. May lagnat ba ako ngayon?