WOMB 07

1199 Words

MEDYO malungkot si Rocyn nang gabing iyon dahil unang beses na matutulog siyang mag-isa sa apartment nila ni Joey. Wala kasi ito, nasa birthday ng isa sa mga katrabaho nito. Bagaman at medyo natatakot siya ay nilalabanan na lang niya. Nanood na lang siya ng telebisyon sa pagbabaka-sakali na dalawin agad siya ng antok. Hindi rin niya maiwasan na hindi maalala ang kanyang mga magulang. Miss na miss na niya ang nanay at tatay niya. Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita ang dalawa. Kahit naman itinakwil na siya ng mga ito ay wala siyang nararamdaman na sama ng loob bagkus ay pag-unawa pa nga ang nasa puso niya. Binigo kasi niya ang mga ito. Inabot na siya ng alas-dose ng hatinggabi pero kahit katiting na pagkaantok ay wala siyang maramdaman. Naubos na lang lahat ng palabas sa telebisyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD