**Joseph's POV ** Pabagsak akong napa-upo, I was really taken aback when she shouted *damn you* on my goddamn face. Hindi ko alam kung matatawa ako o ma-ba-bahala lalo. To be honest, hindi ko inaasahan ang pag-dating niya. Ang akala ko nga ay parte lang siya ng aparisyon ko mula sa aking pagka-ka-tulog nang ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. "Huwag mo na lang siyang intindihin Joseph." Dinig kong sabi ni Chelsea. Ewan pero parang may pumitik sa tenga ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko nagustuhan. Huminga muna ako nang malalim, kinakalma ang sarili bago ko siya binigyan ng atensyon. Maaliwalas ang mukha niya na kahit humpak pa ang kanyang pisngi ay nagkaroon na kahit papaano ng kulay ang mga iyon. Hindi na maputla, at hindi na masyadong nangingitim ang ilalim ng mga mata n

