**Joseph's POV ** "Joseph!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni mommy na siguradong dadaigin pa ang alarm clock sa ingay at saka ko isinara ang pintuan ng kwarto. Tinapik niya ang kamay ko tsaka naka-pamewang na inuri ako ng tingin. "Ang usapan natin kapag susunduin mo lang siya at saka ka mag-pa-pakita dito. Malayo pa ang gabi hijo." "Mom, geez it's too early to run your mouth. Sinilip ko lang si Bianca. She wouldn't know na nag-punta ako dito unless sasabihin mo." "I'll run my mouth whenever or whatever time it is." Bago pa umandar ulit ang bibig ni mommy at hindi ko na iyon mapigilan ay inakbayan ko na siya at iginaya pababa ng hagdan. "What can I say hindi ako makapag-hintay na hindi siya makita man lang." "Wala pang 24 oras kayong mag-kahiwalay Joseph." Naiiling niyang sa

