**Bianca's POV **
"So, may love nest ka na pala kaya a-abandonahin mo itong apartment mo?"
Nilingon ko si Sarah mula sa aking balikat. Naka-indian sit siya sa ibabaw ng kama ko habang nag-tatanggal ng nail polish. Hindi ko sinabi sa kanya na kasal kami ni Joseph. Ang sabi ko lang ay nag-live in kami. Nang maka-alis kase ang kapatid ko ay hindi niya ako pinayagang hindi umamin. Nakita daw niya kami ni Joseph na gumagawa ng milagro sa car park. Pasalamat pa nga daw ako sa kanya dahil nauna nitong makita si Ellie kaya paikot pa silang lumayo para hindi kami makita.
"Hindi ka galit?"
Taka kong tanong.
"Bakit naman ako magagalit, actually ang nasa isip ko talaga ay pini-pikot mo si Joseph. May parte na sa isip ko ang nakikita na ma-tsu-tsupi ni Chelsea at ikaw ang magwa-wagi."
Naupo ako sa gilid ng kama tsaka humiga.
"Bakasakali lang naman. Malay mo mahalin niya ako."
"Hindi ka ba nag-sisisi?"
Tanong n'ya na ikina-paling ng ulo ko sa kanya,pagkatapos ay tumitig ako sa lawanit na kisame ng kwarto.
"Parang oo, parang hindi."
"Anong klaseng sagot iyan?"
"Tingnan mo ako."
Utos ko sa kanya. Inihinto naman niya ang ginagawa tsaka ako pinaka-titigan.
"Ano sa palagay mo?"
"Mukha ka namang masaya, pero parang may kulang."
Sabi niya tsaka itinuloy ang pagbura sa nail polish niya.
"Hindi kompleto ang kaligayahan mo, siguro kase alam mong may kasalanan ka din at nagi-guilty ka pa. O hindi naman kaya, siguro kase..nag-tagumpay ka nga na maagaw si Joseph pero hindi alam mong niloloko mo lang ang sarili mo na maligaya ka, hanggang sa mapaniwala mo ang tao sa paligid mo na sapat nang ikaw ang kasama niya, physically oo.."
"Hindi ko naman siya inagaw, tsaka kontento naman ako sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay na pag-mamahal sa akin."
Napangiti si Sarah sa sinabi ko. Marahil ay nahimigan niya ang agam-agam mismo sa salitang bini-bitiwan ko.
"Insan lahat ng martyr na kilala, ko patay na silang lahat."
Natatawa, naii-iling pero ang birong iyon ay hilaw. Na maging si Sarah ay kaagad napa-preno sa bahaw niyang tawa.
"Pero hanga pa rin ako sa iyo. Hindi lahat ng babae kayang gawin ang ginawa mo. Hindi lahat walang lakas ng loob na isugal ang puso kahit alam niyang maliit ang tiyansa na manalo."
Alam ko naman iyon. Matagal ko ng naamin sa sarili ko at tanggap ko na pwedeng sa huli pagbabayaran ko rin ang kalokohan ko. Kahit na ba hindi ko naman kontrolado at ginusto ang naging paraan, ang mali ay mali pa rin naman. Hiling ko lang na sana..sana lang naman, matutunan akong mahalin ni Joseph at matupad ang buhay na pangarap kong kasama siya.
Pagdating ko sa pad ay ang mahinang tugtog mula sa soundsystem sa sala ang bumungad sa pandinig ko. Napahinto pa ako sa pagsara ng pintuan. Sa dinami-dami ba naman ng kanta na maabutan ko ay ang kay James Ingram pa.
*I lied and told her she'd be fine though we both knew it was just a line, I had to it Cause I'd a'said anything to help me get through it.*
*Then she reach out for my hand, and her simple touch was morethan I could stand, and I had to turn away cause I knew all the hurt that she was feeling I was feeling too, cause when it falls apart..*
*Theres no easy way to break somebody's heart..*
Nag-paparinig ba si Joseph? Tanong ko sa sarili habang pina-pakinggan ang kanta. Isinara ko ang pinto tsaka ko in-off ang music player, at kung hindi ba naman talaga nanadya pag-pihit ko pagtungo sana sa kusina para kumuha ng maiinom ay nakakaloko ang ngising nakaguhit sa labi ng lalaking nakasandig sa pader mula sa bungad ng kusina.
"It's just a song."
Umikot ang eyeballs ko sa sinabi niya.
"Don't tell me apektado ka sa kanta?"
Dagdag pa niya kaya lalong nalukot ang mukha ko. Nagsimula siyang lumapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko tsaka ako marahang hinila. Nang makaupo siya sa sofa ay nanatili lang akong naka-tayo sa pagitan ng mga hita niya hanggang sa muli niya ako hilahin at paupuin doon.
Tumango ako ng marahan bilang sagot sa tanong niya,na totoo naman. Ang naging usapan namin ni Sarah ay mabigat na sa kalooban ko, dumagdag pa yung pagka- sentimental ng kanta at ang nais ipakahulugan niyon ay talagang suntok sa dibdib ko.
"I didn't peg you to be sensitive and get hurt by just listening to a song. I'm just playing some random musics honey, I didn't plan of attacking you emotionally."
Natatawa niyang sabi. Pinisil niya ang magkabila kong pisngi na para akong bata.
"I think I'm scared."
Sabi ko. Tumitig ako sa mga mata ni Joseph. Ni hindi ko nga nabigyang pansin na tinawag niya akong honey.
"How about we go out today?"
Suhestiyon niya. Napakurap ako ng paulit-ulit.
*Ina-aya ba niya ako sa isang date?*
"Go and change. I'll wait here."
Itinayo niya ako mula sa pagka-kandong sa kanya. Pero nanatili akong nakatingin sa kanya na para bang nag-malfunction ang utak ko. Pinag-krus niya ang mga binti at braso tsaka sinulyapan ang maliit na digital clock sa display shelf bago ako pina-nood sa pagka-katunganga ko.
"As much as you look cute standing here in front of me, I'm afraid the time is running out."
"Mag-de-date tayo?"
Hindi makapaniwalang tanong ko.
"If that's how you put it, then yeah it's a date."
Nag-simulang mag-rigudon sa pagtibok ang puso ko ng kumpirmahin niya na date nga gagawin namin. Yung gloomy feelings ko kanina parang bula na pumutok sa kawalan. Napalitan iyon ng pagkasabik at tuwa.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi ko mai-isantabi ang bakas ng excitement sa boses at marahil sa buong mukha ko. Ngumiti siya tsaka isinandal ang likod.
"Somewhere, madali nalang iyon sa oras na nasa sasakyan na tayo. Sa ngayon magbihis ka muna. Wear something comfortable."
Bilin niya. Tumango ako tsaka tumalikod na. Pero naalala ko na hindi ko nga pala siya nabati ng dumating ako kaya mabilis akong pumihit paharap sa kanya at hinalikan ang sulok ng labi niya bago ako patakbong nagtungo sa kwarto.
" Hmn something comfortable daw?"
Hindi naman ganoon karami ang damit at gamit ko sa pad ni Joseph. Naka-casual short at shirt lang si Joseph kaya gagayahin ko nalang siya. Mabilis akong naligo tsaka ko isinuot ang mid thigh short at crop top ko. Hindi ko na tinuyo ng blow dryer ang basa kong buhok dahil sa init ng panahon ay tuyo din naman iyon sa paglabas namin. Nag-pulbos at lipbalm lang ako tsaka ako lumabas.
Kasalukuyang nanonood ng Netflix si Joseph ng abutan ko siya sa sala.
"Ready na ako."
Sabi ko. Tumaas at bumaba ang mata niya sa akin tsaka siya tumayo at lumapit. Hinila niya ang laylayan ng damit ko pababa.
"It's too short. Baka kabagin ka."
Aniya dahil bahagyang naka-expose ang tiyan ko.
"Crop top ang tawag diyan."
"I don't care what the hell is that shirts name. Bend over."
Utos niya kaya lalo akong nalito.
"Bakit?"
"Just do it."
Yumuko ako ng bahagya pero inilagay niya ang kamay niya sa batok ko tsaka ako lalong iniyuko. Para na akong nakatuwad.
"On the other hand, the crap looks good on you. But you still need to change. "
Napa-tili ako ng paluin niya ang pang-upo ko.
"What the hell is that for? And it's a crop top not crap. "
"That honey is what you called spanking."
Nalaglag yata ang panga ko sa sinabi niya. Nang maproseso ng isip ko ang ipinu-punto ni Joseph ay gumapang ang init sa buong katawan ko. Iniwan niya akong naglalaro ang ngiti sa kanyang labi tsaka siya muling naupo sa sofa.
" We still have an hour and a half before we reach our destination."
"Saan ba talaga tayo pupunta? Lalabas ba tayo ng Manila?"
"Do you like horses?"
Sa halip ay tanong niya. Nangunot ang noo ko.
"Hindi pa ako naka-kakita ng up close and personal. But yeah, I like animals."
"That's a good start."
Nakangiting baling niya sa akin. Mataman kong minasdan si Joseph buhat sa pagda-drive niya. Ano kayang nakain niya at naisipan niyang mag-out of town? Much more eh i-date ako *ayon sa kanya*. Nagulat ako ng humarang sa mukha ko ang palad niya at pitikin ang tungki ng aking ilong.
"Staring is rude."
"It's not."
Kontra ko tsaka ko kinagat-kagat ang umbok na iyon sa braso niya.
*hmn muscles*
Infairnes naman kay Joseph hindi na siya ganoon kasungit. Hinahayaan na niya akong molestiyahin siya *hehehe*.
Hindi ko sinayang ang pagka-kataon para mas ma-feel kong kasama ko si Joseph. Naroong tanungin ko siya ng kung anu-ano. Alam ko naman yung mga basic slam book worthy favorites niya. Ang hindi ko lang masyadong nakukuhanan ng impormasyon ay ang mga kaibigan niya. Si Erick at Gibson palang ang masasabi kong nakilala ko at nakakausap. Although wala na akong balita kay Gibson buhat ng makatulog ako sa bahay niya.
"Pampanga na ba tayo?"
Sabi ko ng may mabasa akong Clark free Port. Ngumiti lang ulit si Joseph sa akin tsaka muli ng ituon ang atensyon sa pagoda-drive. Nang sa wakas ay ihinto at iparada niya ang sasakyan sa isang open space parking.
Malawak at mapuno ang lugar. May mangilan-ngilang bahay subalit mas lamang ang kapatagan. Nang lumabas siya ay sumunod na rin ako. May ilang paparating na sasakyan habang may mga grupo na nag-lalakad na papasok sa mas open space pa kung saan may treck na sinu-sundan. Inabot ni Joseph ang kamay ko at iginiya ako palakad.
Ilang saglit pa ng paglalakad namin ay bumungad na sa amin ang signage na **El Kabayo**. Namangha ako sa nakikita ng mga mata ko dahil para akong na punta sa isang lumang pelikula na may mga cow boys.
"It's the Clark's Wild West Village."
Sabi ni Joseph na itinu-turo ang bawat madaanan namin. Mukhang nakarating na siya dito dahil pamilyar na siya sa lugar.
"Hmn,"
Lumayo siya ng ilang hakbang sa akin tsaka ako pinasadahan ng tingin. Tumaas ang kilay ko ng magtama ang mga mata namin.
"Let's turn you into a cow girl."
Natawa ako. Ang akala ko ay nag-bi-biro lang siya. I think I'll be seeing more of Joseph's side today.