KABANATA 13

2146 Words
Kinaumagahan ay nagising akong wala na si Joseph subalit kagabi ay hindi niya ako iniwan dito s'ya natulog, katabi ko matapos n’yang lagyan ng cold compress ang nasaktan kong balakang. Kahit na para siyang tabla na inihiga lang sa kama ko ay masaya na ako. Kagyat ding nawala ang saya na iyon nang maalala ko ang trabaho ko . Paniguradong sibak na ako. Halos halughugin ko ang dresser sa pag-aapura upang makapag-bihis at makipag-usap sa team leader namin kung bakit wala ako kagabi pero, sa kalagitnaan ng pagmamadali ko ay nag-ring naman ang cellphone ko. Si Joseph ang tumatawag. Nang sagutin ko iyon ay walang pasakalye niyang sinabi na may pupuntahan daw kami. Sasabihin ko sanang aasikasuhin ko ang trabaho ko dahil maaaring wala na akong babalikan. Subalit hindi niya ako pinagbigyang mag-salita. Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan ng biglang bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok si Joseph na para bang siya ang nakatira dito. Walang salitang naupo siya sa isa sa plastic na silya habang minamasahe ang batok niya. Nakaramdam ako ng awa dahil malamang nanakit ang katawan niya dahil sa tigas ng higaan ko, hindi katulad ng sa kanya na nakakahiyang higaan sa sobrang lambot at bango. "Gusto mo ba ng kape?" Tanong ko sa kanya. Lumalim ang gatla sa kanyang noo nang mag-angat siya ng tingin sa akin bago sumama lalo ang timplada ng kanyang mukha. "No thanks." He answered in a clipped voice. Tatanungin ko sana kung bakit pero ako din ang natigilan ng maalala ko na sa kape nag-simula ang lahat kung bakit kami nauwi sa ganito . Matapos mag-agahan ay naligo lang ako saglit. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Joseph dahil mukhang wala siya sa sarili niya. He barely looked at me during breakfast na hindi naman niya halos ginalaw. He seemed so out of his mind. Tiningala ko ang building ng makababa ako sa sasakyan ni Joseph. Ano ang gagawin namin sa Munisipyo? "What are you standing there? Come on." Tawag sa akin ni Joseph na nasa bungad na papasok. Nagtataka man ay sumunod na din ako sa kanya. Ang pagtataka ko ay napalitan ng kaba ng huminto kami mismo sa mayor's office kung saan sinamahan pa kami ng marahil ay secretary doon. Nang buksan ng babae ang pintuan mataoos itong kumatok ay gusto kong ipako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Pero walang salitang kinuha ni Joseph ang kamay ko at hilahin dahilan upang matangay na niya ako ng tuluyan papasok sa loob. "Ah, look who's here." Nakangiting tumayo ang may edad ng lalake mula sa pagka-kaupo sa desk nito. Magiliw itong lumapit kay Joseph na nakangiting sinalubong nito ng yakap. "I thought Erick was just bluffing when he said you'll drop by today." Sabi nito pero sa akin na nakatingin. "I hope I didn't disturb you right now ninong." Ninong? Na-brain freeze yata ako. Ninong ni Joseph ang mayor? Si Erick lang ang kilala ko dahil kaibigan nito iyon. "Not really. So, I assume she's the one?" "Yeah,I guess you can say that. She's Bianca." Pakilala niya sa akin. Nanigas ang katawan ko ng lumapit sa akin ang mayor at maglahad ng kamay. "what a surprise." Natatawang sabi nito. Inabot ko ang kamay niya upang makipag-shake hands sana pero hinila niya ako para sa isang yakap at bahagyang tapikin ang aking likod. Nang humiwalay siya sa akin ay naglalaro ang kakaiba ng ngiti sa labi nito, gayon din ang mga mata nitong tila kumikinang sa pagka-aliw. Nagtatakang nilingon ko si Joseph na ng mga oras na iyon ay pareho ko ng reaksyon. "Naalala ko lang ang mommy at daddy mo hijo. Miguel actually was in the same position before when he married Mercedes, just like you are right now." "What.." Naguguluhang tanong ni Joseph na tinawanan lang ng huli. "You can call me tito Florence hija. I'm Erick's father by the way. " Tumango lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o isagot. "Anyway..where's Erick? He said hell be the witness." "Witness?" Napalingon silang dalawa sa akin ng mabigkas ko iyon ng malakas. Napatikhim nalang ako, pero ang totoo kinabahan ako. Anong witness? Kakasuhan ba ako ni Joseph at gagamitin ang impluwensiya ng ninong niya na mayor para mapatahimik ako? Pagkatapos ba namin dito ay sa kulungan ang diretso ko? "What's wrong with you? You suddenly look so pale." Sabi ni Joseph na lalapitan sana ako pero mabilis akong umatras. "Nakalimutan ko,may..may naiwan ako sa kotse mo." Palusot ko. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "Saglit lang ako.." Mabilis akong naglakad patungong pintuan pero oras na mabuksan ko iyon ay bumungad naman sa harapan ko si Erick na may dalang mga papeles na binabasa marahil nito habang ang isang kamay ay hawak ang isang cell phone na nakatutok sa tenga nito. " Oh, saan ang punta ng bride natin? The witness just arrived. " Nakangising puna sa akin ni Erick. Lumipat ang tingin nito kay Joseph tsaka itinaas ang hawak na bungkos ng papel. "I got the papers for your wedding, fresh and ready to be sign." Dagdag pa nito. Bride? Wedding ? Tumigil yata ang mundo ko ng pumaling ako paharap at salubungin ang nakangiti subalit seryosong mukha ni Joseph. "Yes Bianca. It's our wedding day." Tanging sabi niya. At ngayun nga ay kasal na rin ako sa wakas sa lalaking pinaka-mamahal ko. Napangiti ako, umusbong ang pag-asa sa puso ko na ngayung nakatali na kami sa isa't isa ay may pagkakataon na akong mahalin ni Joseph. Hindi man magarbo at walang kuskos-balungos ang kasalang naganap ay ayos lang sa akin. Literal na pumirma at isinuot lang namin ang sing-sing sa isa’t isa, ni wala din ang kiss the bride. Matapos iyon ay muli kaming bumalik sa apartment ko para i-empake ang mga gamit ko at ngayon ay narito na kami sa pad ni Joseph. Dito daw muna kami dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya kinikibo ni tita Mercedes. “You can remove some of my stuffs and put yours. Ikaw na ang bahalang ire-arrange lahat.” “Sige,” Nakangiti kong tugon sa kanya. “Ano, Joseph..” nahihiya kong umpisa. Paano ko ba itatanong sa kanya kung magce-celebrate kami ng wedding namin? Hinintay n'ya akong magsalita, at dahil ayaw kong mabadtrip na naman s'ya sa akin ay inilabas ko na ang saloobin ko. “Hindi ba tayo kakain man lang sa labas? I mean, wedding day natin ngayon? We should celebrate at least?” Naglapat ang labi n'ya sa sinabi ko at kita ko ang pagdaan ng pait at lungkot sa mukha n'ya. Para akong sinikmuraan. Ako lang ang masaya sa araw na ito, dahil ang araw na ito marahil sa kanya ay ang araw ng libing n'ya sa piling ko. “I have things to do. And honestly Bianca, I still can't grasp the fact that I've done this. I can't promise you that I'll be a loving husband, ‘coz I don't really know how. “ Ang naging sagot n'ya. Hindi ako nakaimik kahit na nang makalabas siya sa kwarto ay nanatili akong walang kibo. Ilang minuto ko din yatang tinitigan ang mga bagahe ko bago ako humugot ng lakas ng loob at simulang ayusin iyon katabi ng mga personal na gamit ng asawa ko. Matapos kong maisa-ayos ang lahat ng gamit ko ay sinimulan ko ng magluto para sa hapunan namin ni Joseph. Gusto kong isipin niya na wife material din naman ako, na ngayon na mag-asawa na kami ay may mag-aasikaso na sa kanya hindi lang ang mommy n'ya. Kontento kong minasdan ang naging luto ko na adobong manok na may pinya na paborito niya, garlic shrimp, at gisadong sitaw, at ang pagka-ka-ayos ko sa hapag kainan ay siniguro kong presentable. Hindi man bongga pero simple at intimate o pinilit kong maging intimate ang setting niyon. Nakangiti akong pumanhik, naligo at nag-ayos. Ayokong isipin niya na feel na feel ko ang kasal at ang unang gabi namin kaya simpleng house dress lang ang isinuot ko. Nang makuntento ay naupo ako sa sofa sa sala habang panaka-nakang tinitingnan ang oras habang hini-hintay ang pag-dating niya. Lumipas ang alas siete hanggang mag-alas otso pero anino man ng taong hinihintay ko ay wala pa. Inisip ko nalang na nag-overtime siya, pero nang sumapit ang alas diyes ay nanlumo na ako ng tuluyan. Kumakalam man ang sikmura ko ay hindi ko na pinansin pa. Laglag ang balikat na muli kong minasdan ang mga pagkain at bago pa kung ano ang maisip ko kung bakit hindi pa umuuwi si Joseph ay mabilis kong iwinaksi ang agiw na iyon sa utak ko at pumunta na lang ako sa kwarto upang natulog. Magbu-bukang liwayway na nang maalimpungatan ako sa kaluskos sa kwarto, muntikan pa akong mapabalikwas ng bangon ng mapagtanto kong wala ako sa apartment ko. Subalit ng makita ko si Joseph habang hinuhubad ang damit na suot n'ya kahapon ay nakahinga ako ng maluwag para lang muling mapangiwi ng mapansin ko ang orasan sa sidetable. Ngayon lang ba siya umuwi? Saan siya natulog? Piping tanong ko subalit wala akong lakas ng loob upang isatinig. Iniiwas ko ang tingin kay Joseph ng hubarin naman nito ang suot na pantalon. Sunod ko na lamang naramdaman ang bahagyang paglundo ng kama. Nang muli ko siyang lingunin ay nakahiga na siya. Napailing nalang ako sa sarili ko. Dapat ay hindi ganito ang sistema ng magiging pagsasama namin. Sana ay ngayon lamang ito. Dahil nasasaktan na ako ngayon pa lamang, paano pa sa darating na mga araw? Masakit man sa loob ko ay handa akong maghintay hanggang dumating ang oras na matanggap ako ni Joseph at mahalin Gaya ng pagmamahal ko sa kanya, o kung hindi man katumbas ng pagmamahal ko ay walang kaso basta mahalin din n'ya ako. Kahit maliit na bahagi lang masaya na ako. Maingat ang kilos na bumangon ako at akma ng tatayo ng maramdaman ko ang kamay ni Joseph na pumigil sa akin. Napa-tingin ako sa kamay niya sa aking braso at sa mga mata niyang bahagya lang na nakadilat. "Where are you going?" Sa namamaos niyang boses ay tanong n'ya sa akin. "Babangon na ako. Umaga na din naman." Napaiwas ako ng tingin dahil ayokong mapansin niya ang hinanakit ko. Bahagyang humigpit ang kapit niya sa braso ko bago niya ako hinatak pahiga. Pigil ang hiningang napatitig ako sa mga mata niya ng lumapat ang ulo ko sa unan. Gising na siya at marahil ay nawala ang antok dahil titig na titig din siya sa akin. Naghahalo ang amoy ng toothpaste, mouthwash at bahagyang amoy ng alak sa kanya. So.. Lasing siya at nakatulog sa kung saan kaya hindi siya umuwi. "Lay here. You don't have to get up early." "Hindi ka ba pupunta sa trabaho?" Tanong ko nalang. Bakit hindi mo itanong kung nasaan siya kagabi? Bakit hindi mo itanong kung bakit hindi siya umuwi? "I'll stay today." Tanging sambit niya. Tila huminto ang t***k ng puso ko ng sabihin niya iyon kasabay ng pagdampi ng palad niya sa aking pisngi. "Did you wait for me?" Tanong niya na nasagot ko lang ng tango. Halos manikip ang dibdib ko sa kaba nang unti-unting lumapit ang mukha niya. Napa-pikit ako ,subalit ang antisipasyon ko ay nag-laho nang makaraan ang ilang sandali ay hindi nangyari ang nasa isip ko. Pinamulahan ako ng mukha ng sa aking pag-mulat ay nakatitig lang sa akin si Joseph. Is he mocking me? Is he making fun of me because I'm anticipating or rather expecting him to kiss me? But he said none. He didn't laugh or smugly grin at me. He have this far off look on his face. He seem sad. Sanay ako sa neutral expression niya. Sa pag-susungit niya, sa naka-angil na boses niya. Sanay ako na binabara-bara niya. Pero ang makita ko na ganito siya.. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at pinag-mukhang masaya ang aking sarili. Ang Bianca na nakilala niya ang makikita niya, yung makulit, maingay, at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Handa akong masaktan. Kaya kong magtiis. Pero hindi ko kayang makita ang resulta ng kagagahan ko sa kanya. He maybe my husband now, but I can't feel the contentment of being married to him. I can't feel him. He's here, but it feels like, there's a huge gap between us. Gap that I wanted to cross. "Lagi kitang hihintayin..araw-araw, o gabi-gabi man yan." Nakangisi kong sabi tsaka lakas loob na ginawaran ng mabilis na halik ang labi niya. Hindi siya gumalaw, o nagpakita ng disgusto. Nanatili siyang tahimik kahit na nang gawin kong unan ang dibdib niya at damhin ang t***k ng puso niyang sana ay ako naman ang laman. Pinigil kong maluha sa sakit at ipinangako nalang sa sarili kong magiging mabuting may bahay para sa kanya. I'll do my best until he learn to love me and forget Chelsea. Until there's only me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD