"Team building?" naniniguradong tanong ni Jasmin kay Harry. Nasa loob siya ng opisina nito.
"Yes. Arrange everything. Ikaw na ang bahala sa venue, food, transportation. I mean everything about it and I want it to happen in two weeks.
Napanganga siya sa sinabi nito. Hindi naman nakakagulat na magkaroon ng team building ang mga empleyado ng kompanya dahil ginagawa naman nila iyon. Ang ikinagulat lang niya ay ang sinabi nitong panahon ng paghahanda para sa event.
"Are you serious, sir?" tanong niya rito.
"Why?"
"Two weeks? Are really serious you're giving me that small amount of time para paghandaan ang team building ng kompanya? And we're talking about hundreds of employees here, sir."
"That's your job. It's not my problem anymore."
Naitikom niya ang bibig upang mapigilan ang sarili na sumagot ng hindi maganda sa amo niyang ito. It's been weeks since they last clash. Sa totoo lang ay nagkaroon talaga siya ng katahimikan sa mga panahong hindi siya nagsasalubong ni Harry. Ngunit hindi pa man din nagtatagal ay eto na naman ang lalaki at sinusubok na naman ang katatagan ng utak niya.
Ano bang akala nito? Na may magic siya at kaya niyang gawin ang lahat ng mga utos nito? Two weeks lang ang ibinibigay nito para paghandaan ang team building at mayroon silang mahigit isang daang empleyado.
"Is there something you need to say?" tila naninimbang na tanong nito sa kanya.
Gusto sana niyang sabihin dito na: oo, marami siyang gustong sabihin dito. Pero ano pa bang silbi non kung wala naman itong balak makinig?
"Nothing, sir. I need to go," paalam niya sa lalaki. Nang tumango ito ay tinalikuran na niya ito ay nagmamadaling lumabas doon.
"Two weeks?" anas niya sa sarili.
Paupo na siya nang lumabas naman sa opisina nito si sir Jason.
"Jasmin?" tawag nito sa kanya.
"Yes, sir?"
"I received a memo about the company's team building," anito at ibinihay sa kanya ang isang papel.
"Yes, sir. The President told me about it."
"Okay. It's you who's going to arrange everything, right?"
Tumango siya.
"So when will it happen?" tanong ni sir Jason.
"The President gave me two weeks to organize everything," nanlulumo niyang sagot dito.
Kita niya ang pagkagulat sa mukha ng kausap kahit na pinilit pa nito na itago iyon.
"Oh!" napatango-tango na lang ito.
"Sir, tell me it's possible to prepare everything in two weeks."
"Well," tumikhim ito.
"Ang hirap naman nito!" reklamo niya rito.
"Well, at least it's not surprising," sabi pa ni sir Jason bago siya iniwan.
Oo nga. Hindi na nakakagulat na gawin iyon ni Harry. Malamang ay ilang beses na nitong ginawa iyon kay sir Jason. At ngayon sa kanya naman.
"Naku, Harry..." mahina niyang sabi habang nagsisimulang humanap ng lugar na pwedeng pagdausan ng event na iyon.
Ilang resort ang kanyang tinawagan para makapag-inquire at nagtanong kung maaari ng mga itong i-accomodate ang napakaraming guests. Ayon sa memo ay two days and two nights ang stay nila kaya naman kailangan din ng hotel rooms.
Kailangang maisa-ayos na niya iyon in two days dahil ipapasa niya ang memo sa mga departments upang makuha ang list ng mga tao nito.
Maghapon niyang iyong inaasikaso kaya naman natambakan na siya ng trabaho. Hindi na nga niya namalayan na alas otso na pala ng gabi ay hindi pa siya kumakain ng dinner dahil abala pa siya sa mga documents na kailangan niyang ipasa bukas.
Nakaramdam na siya ng p*******t ng likod kaya bahagya siyang tumigil. Narinig niya ang pagkalam ng kanyang sikmura.
"Konti na lang," bulong niya.
"Anong konti na lang?"
"Aaaahhh!" napasigaw siya sa sobrang gulat.
Bakit ba bigla-bigla na lang lumilitaw itong amo niya sa tabi niya nang hindi niya nararamdaman? Ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa gulat.
"Hey! Why are you screaming?!"
"Nagtatanong pa po kayo?" sarkastiko niyang sagot dito. "Kanina ka pa ba diyan?"
"No. I was about to ask you why you're still here," sagot naman nito.
At nagtanong pa talaga ito. Malamang ay dahil dito. Iyon sana ang gusto niyang isagot ngunit naisip niyang huwag na lang dahil baka magtagal pa ang usapang iyon at kung saan na naman mauwi.
"May mga tinatapos lang po ako," aniya.
"Matagal pa ba?"
"Medyo," maikli niyang sagot.
"Okay."
Iyon lang at muli na itong bumalik sa opisina nito.
Hindi pa ba ito uuwi? Naisip niya.Ang akala pa naman niya ay magpapaalam lang ito sa kanya at pagkatapos ay iiwan na siya. Ngunit mukhang busy rin ito.
Kalahating oras pa ang lumipas bago siya nagpasyang umuwi na. May mga naiwan pa siyang gawain ngunit maaari naman niyang gawin iyon bukas ng umaga.
Nagliligpit na siya ng gamit nang mapatingin siya sa pinto ng private office ni Harry. Hindi na ito muling lumabas pa. Alam niya iyon dahil pinakiramdaman na niya ito. Ayaw na niyang muling magulat na nasa tabi na pala niya ang lalaki ay hindi pa niya alam.
Nakahanda na siyang umuwi nang kumatok siya sa pinto ni Harry. Ngunit hindi ito sumagot. Muli siyang kumatok pero wala pa ring sagot.
Tila may bumundol na kung ano sa puso niya nang wala pa ring sumagot mula sa loob. Dati naman ay agad itong sumasagot kapag kumakatok siya. At wala namang ibang kakatok doon maliban sa kanya.
Pinihit niya ang seradura at dahan-dahang itinulak ang pinto habang pigil niya ang sariling hininga.
Kahit na hindi niya aminin sa sarili ay alam niyang nag-aalala siya para kay Harry.
Nakaramdam siya ng pagluwag ng paghinga nang makita itong nakaupo sa upuan nito. Nakapikit ito at tila mahimbing na natutulog.
Nakatulog ito?
Para masagot ang katanungan ay marahan siyang lumapit dito. Agad niyang napansin ang malalim na paghinga nito tanda na natutulog nga ito.
"Sir?" tawag niya rito. Nang hindi ito magising ay mahina niyang niyugyog ang balikat nito. "Sir?"
"Hmmm..." marahang dumilat si Harry. "Jasmin?"
"Yes, sir," sagot niya at bahagyang lumayo rito. "Nakatulog na kayo rito."
"Ah... yeah. I guess I am too tired and sleepy. Hindi 'ko namalayan."
Kumunot ang noo niya nang mapansing malinis at maayos na ang ibabaw ng desk nito. Ganoon iyon kapag tapos na ang lahat ng dapat gawin ng amo. Iyon ang isa sa mga bagay na napansin niya sa lalaki magmula ng maging assistant siya nito. Masinop ito at ayaw ng magulang desk.
Ayaw niyang paasahin ang sarili kaya sinaway na niya ang kaunting pag-asang umuusbong na naman sa puso niya. Maaari kanyang kanina pa dapat uuwi si Harry at hinintay lang siya nitong matapos? No. Hindi. Malabo.
"Kung okay na po kayo, magpapaalam na po akong umuwi. Gabi na rin po kasi."
"Actually, I waited for you to finish what you are doing," deretso nitong saad.
Kunwari ay hindi niya iyon naisip at kumunot pa ang noo. "Why? May kailangan pa kayo?"
"No. Ihahatid na kita. Gabi na, hindi pwedeng umuwi ka ng mag-isa."
She's touched. But not really. Malamang, isa na naman iyon sa mga kapritso nito o kaya naman ay nakunsensiya lang dahil kundi naman talaga dahil dito ay kanina pa siya nakauwi. Pero matagal na niyang itinatak sa sariling isip na kasama iyon sa trabaho niya bilang assistant ni Harry.
"It's okay, sir." tanggi niya. Pero...
"I won't let you go home at this hour alone."
"Bahala po kayo."
Ganoon lang. Kung tumanggi man siya at hindi ito pumayag, hahayaan na lang niya ito. Para walang pagtatalo.
Hinatid siya nito hanggang sa tapat ng kanyang bahay. Umalis lang ito nang masigurong nakapasok na siya sa loob. Mukhang pagod at inaantok na talaga ito kaya hindi na nangulit pa.
Pagkatapos mag-shower ay uminom lang siya ng maligamgam na gatas. Nalipasan na rin naman kasi siya ng gutom. Nang maubos iyon ay agad na siyang humiga. Mabilis lang siyang nakatulog dala marahil ng maghapong pagiging abala.
Kinabukasan ay muntik na siyang mahuli ng gising. Mabuti na lang at sanay na ang katawan niya na gumising ng alas syete ng umaga. 'Yun nga lang ay mabigat ang katawan niya sa pagod.
Naghanda siya ng almusal niya, kanin, itlog at ham ang kinain niya ng araw na iyon. Magmula ng maging executive assistant na siya ni Harry ay pinipilit na niyang kumain ng mabigat na breakfast dahil sa dami ng ginagawa niya sa opisina ay wala na sa oras ang kain niya. Minsan na nga lang niyang makasabay sa pagkain si Nikki.
Wala pang alas nuebe ay nasa opisina na siya at nagsimula ng trabaho. Muli niyang tinawagan ang mga hotels na nakausap niya kahapon para makapagdesisyon na kung alin sa mga ito ang pwede nilang puntahan. Ilan sa mga factors na kanyang tinitignan ay kung kaya bang magsagawa ng iba't ibang klase ng activities sa mga iyon.
Maging ang bus company na nakausap niya kahapon ay nag-send na rin ng email sa kanya.
Bandang alas diyes nang dumating si Harry at deretso lang na pumasok sa private office nito. Agad siyang sumunod dito dala ang isang tasa ng kape at para na rin i-remind dito ang schedule nito sa araw na iyon.
"You have a meeting with Ms. Jennifer Sarmiento later at twelve o'clock. I already sent her the pieces that you requested," aniya. Ang tinutukoy niyang ibinigay sa babae ay ang diamond earrings na mismong si Harry ang pumili sa jewelrer nito.
Hindi niya alam kung ano ang relasyon nito sa Jennifer na iyon pero ang bigat ng pakiramdam niya habang ginagawa ang utos nito. Hindi biro ang halaga ng pares ng hikaw na iniregalo nito sa Jennifer na iyon kaya malamang na espesyal ang babae kay Harry.
"...after that, you have to attend an online conference with the-"
"The earrings," putol ni Harry sa mga sinasabi niya. "Did she liked it?"
"Ms. Sarmiento said it was a perfect gift. She tried to contact you a few days ago but you did not answer. Well, that's according to her," sagot naman niya. Siniguro niyang poker face lang siya upang hindi mahalata ni Harry na naiinis siya rito.
Tumawag sa opisina ang babae pagkatapos nitong matanggap ang expensive gift na mula kay Harry at dahil wala ito nang araw na iyon ay siya na ang tumanggap ng tawag nito. Ang alam niya ay binanggit niya iyon sa amo.
"Really?"
"Yes, sir. I already told you about it."
"Okay."
Nang wala na itong sinabi ay nagpatuloy siya sa pagbabasa mula sa kanyang planner tungkol sa schedule nito sa araw na iyon.
Hindi na ito nagsalita pa kaya naman lumabas na siya roon. Tsaka lang niya hinayaan ang sarili na palayain ang inis sa dibdib.
"Bakit ba ako naiinis?" tanong niya sa sarili. "Wala naman akong dapat ikainis. Wala naman akong pakialam kahit regaluhan pa niya ang lahat ng babae sa mundo."
Paulit-ulit niyang pinaalala sa sarili na hindi na siya dapat pa maapektuhan kay Harry. Dapat ay propesyunal lang ang maging relasyon nila. Dapat!
Ngunit tila nananadya ang tadhana dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa Ms. Sarmineto na iyon.
"Hello? President's office," magalang niyang bati sa telepono.
"Hi! I'm Jennifer Sarmiento and I would like to talk to Harry, please," sagot ng nasa kabilang linya.
Naiikot niya ang mga mata bago sumagot. "One moment, ma'am."
Ipinagbigay alam niya ang tungkol sa tawag kay Harry. Pigil na pigil niya ang sarili na bagsakan ng telepono ang lalaki.
"Sir, Ms. Sarmiento wants to talk to you. She's on line three," aniya.
"What?!" tila nagulat na tanong nito. Nagtaka siya. Bakit ganoon ang reaksyon nito?
"Sir?"
"Tell her I'm busy."
"Sir? Are you sure? It's Ms. Sarmiento-"
"I know. So just do what I said," anito bago pinutol ang tawag.
Napatingin siya sa hawak na telepono. Ano bang problema ng lalaking iyon? Hindi ba't ang babaeng nasa kabilang linya lang ay ang babaeng pinadalan nito ng mamahaling hikaw?
Wala siyang nagawa kundi balikan si Ms. Sarmiento at magdahilan dito.
"Are you sure?" naniniguradong tanong nito sa kabilang linya. "But how about our meeting later?"
"Yes, ma'am. I just reminded him about that."
"Oh! Okay. Thank you. Bye!"
Naguguluhan siya sa inasal ni Harry ngayon lang. Kanina lang ay excited pa itong nagtanong sa kanya kung nagustuhan ba ng Ms. Sarmiento na iyon ang ipinadala niyang regalo. Pagakatapos ay para naman nitong pinagtaguan ang babae kanina.
"Anong parang? Pinagtaguan nga talaga!"
"Hay naku, Harry, malala ka na talaga," mahina niyang anas.