CHAPTER TWO

1124 Words
Tahimik ang lahat habang naghihintay sa batang Laurel. Ang alam niya ay nasa opisina na ito. Lagpas alas-sais na at kumukulo na ang tiyan niya sa gutom. Hindi man lang siya nakapag-merienda kanina sa dami ng kailangan niyang tapusin. Nagulat pa siya ng tawagin siya ng amo niya para pumunta sa conference room. Hindi man lang siya nakapag-retouch! Buhos na buhos ang atensyon niya sa mga gawain niya kaya heto siya at conscious na conscious sa itsura. Halos lahat pa man din ng boss nila sa kompanyang iyon ay naroon. Hindi naman sa gusto niyang maganda sa paningin ng mga ito ngunit sana man lang ay mas presentable siyang tignan lalo na at dadating ang bagong boss. Sigurado siyang ang oily na ng mukha niya dahil kaninang tanghali pa nang huli niyang tignan ang sarili sa salamin. As if on cue... biglang bumukas ang malaking pinto sa conference room. Nasa likuran siya ni Mr. Marasigan kaya naman kitang-kita niya ang pagpasok ng dalawang lalaki. Kilala naman ng lahat ang naunang pumasok, ito ang assistant ng presidente. Pero nang pumasok na ang kasunod nito, automatic na tumibok ang puso niya. Napakabilis niyon! Kilala niya ang lalaking ito. Nanlalaki na yata ang mata niya at feeling niya ay aatakihin na siya sa sobrang kaba. Hindi naman siguro ito ang hinihintay nila. Hindi naman Laurel ang apelyido nito. Ngunit... "Ladies, gentlemen..." panimula ni Sir Jason, ang assistant ng presidente. "Let's welcome our new president." Bahagya pa itong tumagilid para mas makita ng lahat ang taong nasa likuran nito. Lahat ng mata ay nakatuon dito, sa tingin pa nga niya ay nakanganga ang mga kababaihan sa loob ng kwarto na iyon. Pano ba naman ay umaapaw ito sa karisma. Matangkad ito kumpara kay Sir Jason kaya kahit nasa likuran ito kanina ay kitang-kita naman ng lahat ang lalaking ngayon ay parang diyos na nakatingin sa kanilang lahat. Pero wala na yatang tatalo sa reaksyon niya. Alam niyang halos lumuwa na ang mata niya sa pagtingin dito. At dahil na rin sa walang kasing-bilis na heartbeat niya. Nanigas si Jasmin at mabilis na yumuko nang makitang umiikot ang paningin ng lalaki. Paanong ito ang batang Laurel? Hindi naman Laurel ang dala-dala nito noon? Montenegro ang gamit niya. Paano? "Everyone, Mr. Harry Laurel Montenegro," dugtong ni Sir Jason. At dahil don, nasagot ang katanungan sa isip niya. Laurel ang apelyido ng ina nito. Bakit hindi niya nalaman iyon noon? Lahat ng nandon ay binati na ito. Seryosong seryoso ito na nakatingin sa lahat. Bigla siyang kinabahan, paano kapag nakita siya nito? Nag-isip siya. Hindi naman siya kailangang magsalita roon. Ang mahalaga ay mairecord niya ang lahat ng sasabihin nito. Isa pa, malaki ang conference room na iyon. May posibilidad na hindi na siya nito mapansin. Ang dinadasal na lamang niya ay mabilis na matapos ang meeting na iyon. "Thank you, everyone. I know this is quite a rush for everybody. But I will be very busy this week and it couldn't fit on my schedule. Also, this meeting includes things that we need to implement right away. For the company." Confident na confident ito habang nagsasalita. God, bakit naman ang ganda ng boses niya? Punong-puno iyon ng authority ngunit bakit ang sexy naman sa pandinig niya? Napailing na lamang siya sa naisip at pinilit na nag-focus sa pagre-record at paglilista ng mga sumunod na sinabi ng presidente. Feeling niya, OA na ang pagkakayuko niya dahil pati buhok niya ay 'di na niya hinawi. At para na rin siyang tanga na sinusundan ang bawat galaw ng kanyang ni Mr. Marasigan makaiwas lang kay Harry. Kapag sumasandal ito ay nabibigyan siya ng malaking exposure kaya naman todo din ang pag iwas niya upang maitago ang sarili. "Mukha akong tanga! Bakit ba ako nagtatago?" naisip niya. Sa pagkakatanda niya, wala naman siyang atraso rito. Pakiramdam pa nga niya siya ang mas kawawa noon. So bakit siya ang iiwas? Ngunit ito ang boss at empleyado siya nito. Kung nagtanim ito ng sama ng loob sa kanya malamang na madali lamang para rito na sibakin siya sa trabaho. "Jasmin? Jasmin?" Nagulat pa siya ng bahagya siyang tawagin ng amo. "Are you alright?" "O-opo, sir. Bakit?" halos nakayuko pa rin siya nang sumagot. "I was asking something and nakatulala ka lang. May tinatanong kasi si Sir Harry." Dahil sa narinig, automatic na tumingin siya sa gawi ng presidente. Kulang na lang ay malaglag siya sa upuan ng makitang sa kanila nga ito nakatingin, particularly, sa kanya. Hindi niya masabi kung anong klaseng tingin ang pinupukol nito sa kanya ngunit pakiramdam niya hindi siya ligtas dito. Hindi katulad dati. "Ah... ano po iyon, sir?" Nagkanda-bulol na yata siya at feeling niya ay masusuka na siya sa kabang nararamdaman. May sinabi si Mr. Marasigan at thank God naman at alam niya. Dala rin niya ang dokumentong kailangan nitong ipresent sa presidente. "I guess we need to discuss these documents further, Mr. Marasigan. I do not need these figures but I want the positive actions that you said, you and your department are working on," seryoso at mukhang mapanganib ang boses nito. Hindi niya masisisi ang amo kung halos hindi na ito huminga sa kinauupuan. "I understand, sir. Kailan po ninyo gustong pag-usapan?" Tanong dito ng amo niya. "Now. And for the rest, you can leave now." Pinal na desisyon nito. Parang nakahinga ang mga ito sa sinabi ng presidente. Siguro naman ay hindi na siya kailangan doon. "Ah... sir. Mauna na po ako?" paalam niya sa amo. "Kailangan nyo pa po ba itong mga documents na ito?" Ang sabi naman ng presidente ay ayaw nitong magbase sa papeles lang. "It's okay. Be safe, Jasmin." Bahagya itong ngumiti sa kanya. Kinakabahan din kaya ito? Siguro? Dahil lahat ng tao doon ay parang 'di na humihinga kanina. "I think you still need her." Paalis na sana siya at wala ng balak lumingon sa gawi nito ng magsalita si Harry, este sir Harry. "Pero, sir..." Pakiramdam niya ay gusto naman siyang tulungan ng amo niya. Pero alam naman nila na presidente ang kaharap nila ngayon. "Can you stay a little longer?" "Eh, sir..." Gusto niyang umalma pero paano ba? "Sige po." "I think you don't need to ask her. Parte iyon ng trabaho niya at ikaw ang amo. It is not necessary to be that way to your secretary." Matalim ang bawat salita nito. Lalo na ng banggitin nito ang salitang secretary at tinapunan siya ng tingin. "It is not like that, sir..." "Oo nga naman, sir. Don't worry po. I'm okay." Pinigil na lamang niya ang amo. Ayaw naman niya na malagay ito sa alanganin dahil lang nagpapakabait ito sa kanya at iniintindi ang kalagayan niya. "Good," bahagya pang tumaas ang isang sulok ng labi nito. "We can start then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD