CHAPTER FOURTEEN

1845 Words
"Walanghiya ka, Amy! Humanda ka talaga sa akin bukas!" aniya sa isip. Naglalakad na sila ni Harry papunta sa sakayan ng jeep nang araw na iyon pauwi. Hindi sila nagkikibuan. Paano naman siya makakapagsalita? Napahiya na naman siya kay Harry! Ano bang LQ ang pinagsasabi nito? May iba pa bang ibig sabihin iyon maliban 'Lovers' Quarrel'? Wala siyang maisip. "Jasmin?" Natigil siya sa pag-iisip nang tawagin siya ni Harry. Nagkunwari na lang siyang cool lang para hindi nito mahalata ang biglaan niyang pagkailang. "Bakit?" tanong niya. Sa halip na sumagot ay ay itinuro si Harry sa kanilang harapan. Hayun na naman ang posteng iyon, nakaharang sa kanyang daan. "Gaga! At talagang 'yung poste pa ang mag-a-adjust?" Napapahiyang iniwasan niya ang poste. Pangalawa na 'yon! Mukha na talagang siyang tanga! "Okay ka lang ba?" tila nag-aalalang tanong ni Harry. "Ha? O-oo naman! Hindi 'ko kasi nagets iyong diniscuss ni Mr. Ismael kanina," pagdadahilan niya. Nagtataka siyang tinignan ni Harry. "Ba-bakit?" nag-aalala niyang tanong. Bakit ganoon ang mukha nito? "Wala si Mr. Ismael kanina." Ano? Oo nga pala, walang English ngayong araw! "Ano ba naman 'yan, Jasmin?" bulong niya sa sarili. "Jasmin," malumanay na tawag ni Harry sa kanya. "If you're still thinking about what happened, do not worry anymore. Wala kang kasalanan." "Pasensya ka na, Harry. Hindi lang kasi kami okay ng kapatid 'ko. I'm sorry talaga kung pati ikaw nadamay." Ngumiti sa kanya si Harry. At para bang dahil doon ay biglang lumiwanag ang lahat sa paligid nila. "Ano ba 'yun?" naguguluhan niyang tanong sa sarili. Bakit sa isang ngiti lang ni Harry ay nawala ang bigat sa dibdib niya? "It's okay," sabi pa nito. Sabay na silang naglakad pagkatapos non.                                                                                        ***** "Jasmin?" Umangat ang ulo niya nang may tumawag sa kanya. Si Nancy pala iyon at sa likod nito ay ang dalawa nitong kaibigan na mas mukha pang alalay nito dahil palaging nasa likuran ng babae. "Bakit?" tanong niya. Iba ang feeling niya sa pagtawag nito sa kanya. Parang hindi maganda. Bukod pa sa nakasimangot ito sa kanya. "Pwede ka bang makausap sandali?" "Kinakausap mo na 'ko," sagot niya na mukhang hindi nito nagustuhan base sa reaksyon nito at siyempre pa ng mga alalay nito. "Huwag kang pilosopo," mataray nitong sabi. "Hindi ako-" "May gusto ka ba kay Harry?" putol nito sa sasabihin niya. Napanganga siya sa pagka-prangka nito. At oo, bahagya siyang nagulat. Hindi kasi ganoon ang pakita nito noon sa klase. Prim and proper, Ms. Friendly at feeling supporter ng world peace. "Sagot!" untag sa kanya ng dalawang alalay ni Nancy. Medyo malakas ang boses ng dalawa kaya nang luminga siya sa paligid ay nakita niyang may napatingin sa kanila. Naroon siya sa park kung saan sila pumupwesto tuwing breaktime. Sina Amy at Harry ay bumili ng pagkain nila. Sumama kasi ito kay Harry dahil may dadaanan daw ito sa pinsan nito na nasa kabilang building malapit sa canteen. Kaya nagprisinta na itong sumama kay Harry. Siya naman ang natokang pumunta sa favorite spot nila sa park ng school para hindi sila maunahan ng iba. "Teka, sandali lang. Ano bang problema niyo?" Kung lumabas na ang pagiging mataray ni Nancy at nagsama pa ito ng back up, hindi siya magpapadaig dahil matagal na siyang kilalang mataray sa school na iyon. Kaya nga si Amy lang ang kaibigan niya. "Oo at hindi lang ang isasagot mo, Jasmin. May gusto ka ba kay Harry?" ulit ni Nancy. "Wala ka na ron, Nancy," sagot niya. "Aba't! Talagang may gusto 'yan kay Harry, Nancy. Halata naman sa sagot niya," sulsol ni Alalay number one. "Oo nga, Nancy! Baka feeling niya, siya ang magugustuhan ni Harry kaysa ikaw?" sabi naman ni Alalay number two. Sa totoo lang, kahit na mga classmate niya ito ay hindi niya kabisado ang mga pangalan ng mga ito. Si Nancy naman kasi ay kilala sa kanilang klase. Samantala, parang naiimagine niya na may usok na lumalabas sa mga butas ng ilong ni Nancy nang ibalik niya ang tingin dito. "Bakit, Jasmin? Umaasa ka ba na magugustuhan ka ni Harry? Sa tingin mo ba mas pipiliin ka niya kaysa sa akin?" "Hindi. Dahil hindi ako nakikipagkumpitensya sa iyo. Kaya pwede ba, tigilan niyo ako," mataray niyang sagot dito. Baka akala ng mga ito ay aatrasan niya ang mga ito porke tatlo sila at iisa siya? Hindi siya palakibo pero hindi siya nagpapa-api. "Hoy, Jasmin! Masyado kang maarte. Hindi mo kayang talunin si Nancy," singhal ni Alalay number one. "Oo nga, siya nga ang muse ng section natin at napakaraming nagkakagusto sa kanya. At sure kami na mas magugustuhan siya ni Harry kaysa sayo na loser!" sabi naman ni Alalay number two. Nagpantig ang tainga niya sa mga pinagsasabi ng mga ito pero pinigilan niya ang sarili na sumagot. Hindi siya palaaway at mas lalo lang masisiyahan ang mga ito kapag nakita ng mga ito na napikon siya. "Jasmon, huwag mo akong kakalabanin lalo na pagdating kay Harry!" banta ni Nancy. "Kaya kung may gusto ka man sa kanya-" "Nancy!" si Harry iyon. Naroon na pala ito at si Amy. Nagbago ang itsura ni Nancy nang makitang naroon na si Harry. Para na naman itong 'di makabasag pinggan! Plastic! "Harry! Nand'yan ka na pala. Ano-" "Magkaibigan lang kami ni Jasmin," putol nito sa sasabihin ni Nancy. Pakiramdam niya ay may nabasag sa kaloob-looban ng dibdib niya at dinig na dinig niya iyon. Teka, puso niya ba iyon? Nabasag dahil sa sinabi ni Harry? Napalingon naman siya kina Alalay number one at two nang marinig niya ang mahihinang hagikgik ng mga ito. Maging si Nancy ay kitang-kita niya ang matagumpay na ngiti. "Magkaibigan palang kami dahil hindi niya pa ako sinasagot." Lahat sila ay napatingin kay Harry nang magsalita itong muli. Naguguluhan siyang tumingin kay Harry. Maging sina Nancy ay gulat na gulat sa sinabi nito. Narinig pa nga niyang nasamid ang mga alipores ni Nancy. "O, malinaw na sa inyo? Nanliligaw si Harry kay Jasmin. Kaya wala ka nang pag-asa, Nancy," nang-iinis na singit ni Amy.  Bago pa siya nakapag-react ay hinila na siya ni Harry papunta sa likod nito. Si Nancy naman at ang dalawa nitong kasama ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanila. Nakita niya nang bumaba ang mga mata ni Nancy sa nakahawak na kamay ni Harry sa kanya. Nang mapansin iyon ng binata ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya. Nang makabawi ay nagmamadaling umalis doon ang grupo nina Nancy. Ano ba iyong nangyari? Naramdaman niyang binitiwan na siya ni Harry nang makalayo na ang mga babae sa kanila. "Ayos ka lang ba?" untag nito sa kanya. Tumango siya. "Sorry," hinging paumanhin ni Harry. Napakamot pa ito sa ulo. "Mga impaktang 'yun, porke nag-iisa ka, talagang nilapitan ka pa nila. Ano bang pinagsasabi sa iyo ng mga iyon?" tanong ni Amy. "Hayaan mo na, Amy," pigil niya sa kaibigan. "Naku! Feeling niya kasi, may gusto sa kanya si Harry. Eh, basted naman siya!"  "Ano?" "Binasted siya ni Harry! Mabuti nga sa kanya!" Nilingon niya si Harry na nagtataka namang nakatingin din kay Amy. "How did you know?" tanong ni Harry kay Amy. "Naku! Nakasabay 'ko sila sa CR kahapon at narinig 'ko na nagtapat si Nancy sa iyo pero binasted mo," kwento ni Amy. Ito talagang kaibigan niya, ang daming nalalaman! "At talagang pinarinig pa nila iyon sa iyo?" tanong niya rito. "Hindi! Nasa loob kasi ako ng cubicle nang pumasok sila. Ang mga iyon naman hindi man lang chineck kung walang ibang tao sa loob at nagchikahan na!" Napatango-tango na lang si Harry. Marahil ay nagtataka ito kung paanong nalama ni Amy ang tungkol sa pagtatapat ni Nancy rito. "Pero, teka lang ha, Harry! Ano ba 'yung sinabi mo kanina? Totoo bang nangliligaw ka na kay Jasmin? At bakit hindi 'ko iyon alam?" untag ni Amy. Ano ba naman itong si Amy? Ngayong alam na niya na nabasted pala itong si Nancy ni Harry, naputol na ang kanyang ilusyon. Siguro ay wala nang maisip na dahilan si Harry para tigilan na siya ng dalaga. At tamang-tama naman na sinugod siya ni Nancy dahil inakala rin nito na may namamagitan sa kanila ni Harry. She's on the right place and on the right time. "Amy!" saway niya sa kaibigan. Ayaw naman niya na ma-pressure si Harry dahil lang dito. "Bakit? Huwag niyong sabihing naglilihim kayo sa akin?" "Ano ka ba? Hindi no! Ginawa lang ni Harry iyon para tigilan na siya ni Nancy. Huwag kang mag-isip ng iba. Hindi ba, Harry?" Hindi agad sumagot si Harry at tumingin lang sa kanya. Ilang sandali pa ang nagtagal bago ito tumango. Kahit na inaasahan na niya iyon. Hindi pa rin niya naiwasang masaktan. So, totoo nga. Ginamit lang siya ni Harry para iwasan si Nancy. "Akala 'ko naman totoo na!" tila disappointed na sabi ni Amy. "Ikaw talaga! Kung anu-ano kasi ang iniisip mo. Tara na, kumain na tayo. Ano bang nabili niyo ni Harry?" Hinila na niya si Amy papunta sa kanilang paboritong pwesto. Si Harry naman ay sumunod sa kanila. Hindi pa rin ito nagsasalita. Sabagay ay hindi naman talaga ito palasalita.                                                                                       ***** "Bakit hindi mo nagustuhan si Nancy?" naisip niyang itanong kay Harry habang naglalakad sila pauwi. Kumunot ang noo ni Harry. "Why do you ask?" "Eh, kasi, maganda naman si Nancy tsaka matalino pa! Maraming nagkakagusto ron." "Hindi naman dahil gusto siya ng marami, dapat ay gusto 'ko na rin siya," sagot ni Harry. May point. Tsaka ngayong ipinakita na ni Nancy kung ano talaga ang tunay na ugali nito, mas lalo itong dapat na ayawan ni Harry. "Sabagay. Humanap ka na lang ng iba. Hindi iyong plastic!" sabi niya rito. Ayaw naman niyang manira ng ibang tao, hindi niya iyon ugali. Pero nakita naman ni Harry kung ano talaga si Nancy. "Pero iba talaga iyang charm mo ha? Ikaw pa ang nililigawan ng babae," tukso niya kay Harry. "I don't like it. Ang gusto 'ko sa babae iyong may respeto sa sarili," seryosong sagot nito. "Ang serysoso mo naman! Joke lang kasi 'yon!" natatawa niyang sabi rito. "Do you really mean what you say?" sa halip ay tanong nito. Siya naman ang napakunot ang noo. Hindi ba ito marunong makipagbiruan? "Ano ka ba? Joke nga lang iyon!" "No. I mean, 'yung sinabi mo kay Amy kanina?" Alin ba doon? "Ano ba doon?" naguguluhan niyang tanong. "Do you really think that I used you as an alibi para tigilan na ako ni Nancy?" deretsong tanong ni Harry sa kanya. Hindi rin ito kumukurap habang sinasabi iyon. "Ah... Ano ba naman kasi ang gusto mong sabihin 'ko kay Amy? Alangan naman sabihin 'kong nanliligaw ka nga?" naiilang niyang sagot dito. Ano ba itong si Harry, hindi ba nito napapansin na naiilang na nga siya sa pinag-uusapan nila, tila tinutunaw pa siya nito sa mga titig nito. "Ha-hayaan mo, hindi kita ibubuking kay Nancy!" "Jasmin..." Pakiramdam niya ay may nais sabihin si Harry sa kanya pero hindi nito maituloy-tuloy. At ang puso niya, bakit ba ang likot-likot nito? "Ano 'yun?" "Like what I told you before, you are very likeable. And I think, I like you already."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD