Simula noon ay mas napadalas ang pag-uusap nina Harry at Jasmin. Hindi man masasabing close sila ay nakakasama na nila ni Amy ang lalaki paminsan-minsan. Sumasabay na ito sa kanila kumain kapag breaktime. Pero sa kanilang dalawa ni Amy, pakiramdam niya ay mas komportable ito sa kanya. Marahil ay nadaldalan kay Amy.
Tulad ngayon. Magkakasama silang tatlo at magkakasabay na kumakain sa ilalim ng isang malaking puno sa parke ng kanilang eskwelahan.
"So, Harry, bakit ka ba talaga lumipat ng school? Ang ganda kaya sa George, tapos dito ka lang lumipat!" walang prenong biglang tanong nito kay Harry.
Gusto niyang tahiin ang bibig ng kaibigan dahil sa kakulitan nito. Naitanong na nito iyon noong nakaraan lang at alam niyang hindi komportable si Harry na sagutin iyon dahil hindi ito kumibo noon. Hindi pa talaga nakahalata itong babaeng ito?
Pinandilatan niya ng mata ang katapat na si Amy, Nasa kanan niya si Harry. Nais niyang iparating sa kaibigan na tumigil na ito.
"Bakit?" Aba't parang nagtataka pa itong nagtanong sa kanya.
"May assignment ka na ba sa Algebra? Pakopya nga!" Kunwari ay iniba na lang niya ang usapan. Ayaw niyang mailang si Harry sa kanila. Sila na nga lang ang sinasamahan nito. At baka isipin pa nito na pinag-uusapan nila ni Amy ang tungkol sa personal na buhay nito.
"Sabi mo tapos ka na? Hindi ba at nagpaturo pa nga ako sayo kanina?"
Nyek! Oo nga pala! "Ano ba naman, Jasmin? Babanat ka lang ay mali pa?"
Samantala, gusto naman niyang sabunutan ang kaibigan. Wala ba itong pakiramdam? Hindi ba nito na-gets na iniiba lang naman niya ang usapan.
"Iniiba mo pa ang usapan! So, Harry, bakit nga? Share ka naman diyan," ani pa ni Amy.
Nanlaki ang mata niya. Aba't alam naman pala nito na iniiwas niya ang usapan ay talagang hindi pa ito tumigil. Mamaya talaga ay pagsasabihan niya ito.
Magsasalita sana siya ngunit naunahan siya ni Harry.
"It's because of my dad," mahina nitong sabi. Bahagya itong nakayuko at nakatingin sa hamburger na kinakain nito.
"Ha? Bakit?"
"Amy, tumigil ka na," saway niya rito. "Okay lang, Harry, hindi mo naman kailangang ikuwento."
Magsasalita pa sana si Amy pero inunahan na niya ito at sinubuan ng chips na kinakain niya.
"It's okay. Mas okay na rin siguro if I share it," bahagya pang tumaas ang isang sulok ng bibig nito. "My parents are separated since I was born. My mom got custody kaya doon ako lumaki sa kanya. But things got complicated. You know, a child looking for his father. Then, I researched about him at iyon nga, nalaman 'ko that he lives here. And here I am."
Kahit na hindi sabihin ni Harry, alam niyang masakit para rito ang siwasyon nito. Magkahiwalay ang ama't ina. Lumaki ito na wala sa tabi nito ang ama.
Pakiramdam ni Jasmin ay nadudurog ang puso niya sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Harry.
Teka? Bakit naman? Ngayon pa nga lang sila naging ganito kalapit. Ewan ba niya kung magkaibigan na sila. Tapos ay kung maka-emote siya, daig pa niya ang nobya nito.
Nobya... Tila nag-"ding" iyon sa kanyang utak. Napakalayo naman ng isip niya at humantong na roon. Samantalang si Harry ay walang kaalam-alam sa itinatakbo ng isip niya.
"Nasaan naman ang mommy mo? Alam ba niya na narito ka?"
Muli na naman siyang napalingon kay Amy. Wala talang preno ang bibig nito. Hindi pa talaga nakuntento at nagtanong na naman.
"Yes. She wants to send me home but I refused. Palagi naman siyang wala roon. She runs several businesses at madalas ay wala siya sa bansa."
"Ah... mas gusto mo sa papa mo kaysa sa mommy mo," hirit na naman ni Amy.
"Amy!" saway niya rito.
Narinig niyang mahinang natawa si Harry. Napalingon siya rito.
"Yes. Mas gusto 'ko sa papa 'ko. And there is one more reason," sagot naman ni Harry.
Doon na biglang nag-ring ang bell. Hudyat na tapos na ang breaktime. Sabay-sabay na silang bumalik sa kanilang classroom. Nasalubong pa nila ang grupo ni Nilo na nanggaling naman sa kabilang bahagi. Hindi nakaligtas sa kanya ang mabagsik na tingin nito sa kanilang gawi. Partikular kay Harry.
Nilingon niya ang binata. Nakatingin din ito kay Nilo at sinasalubong ang tingin ng lalaki.
Kumunot ang noo niya. Hindi pa rin ba tumitigil si Nilo? Talaga bang trip nito si Harry?
"Nagseselos 'yung "hero" mo," narinig niyang mahinang bulong ni Harry sa likod niya.
Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok. Hindi dahil sa sinabi ni Harry kundi sa hangin na nagmula sa bibig nito nang bumulong sa kanya.
Nang makaupo ay mahina niya itong tinanong. "Ano?"
Imbes na sumagot ay tumingin ito sa gawi nila Nilo. Nakatingin din ito sa gawi nila habang nagbubulungan ang mga alipores nito.
"Bakit?" tanong muli niya.
"May gusto 'yon sayo," sagot naman ni Harry.
"Ha? Naku! Bata pa ako. Wala pa sa isip 'ko iyon," aniya kay Harry. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung anu-ano tungkol sa kanya lalo pa ang tungkol sa ibang lalaki.
"Basted pala agad," mahinang-mahina nitong sabi pero narinig niya iyon dahil alertong alerto lahat ng cells niya sa katawan kapag nagsasalita ito. Minsan lang kasi ito magsalita kaya naman nais niyang walang makalagpas sa kanya.
"Haha! Wala namang sinasabi 'yang si Nilo. Tsaka, hindi iyan ang priority 'ko," natatawa niyang sabi.
Nakita naman niyang tumaas ang isang sulok ng bibig ni Harry. Ganoon lang talaga ito ngumiti, napakatipid.
"It's not hard to tell that he likes you. Besides, you are very likeable."
May malakas na tumambol na naman sa dibdib ni Jasmin dahil sa sinabi ni Harry. Lumingon pa ito at ngumiti sa kanya pagkatapos nito iyong sabihin.
Hindi na siya nakapagsalita at nakapa na lang ang sariling dibdib. Ano ba itong puso niya? Parang gusto na namang lumabas at tumalon? Tumalon papunta sa lalaking nasa tabi niya.
*****
"Ako naman ang taya ngayon sa pamasahe ha?" aniya kay Harry habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep.
Bukod kasi sa kasabay nila ito ni Amy sa school ay magkasabay na rin sila nitong umuuwi dahil iisa lang naman ang daan nila. Si Amy ay iba ang daan. At araw-araw din ay inililibre siya nito ng pamasahe, pwera pa kapag nakakasabay niya ito sa umaga.
Hindi ito kumibo kaya alam niyang uunahan na naman siya nito mamaya kapag nasa jeep na sila.
"Promise, Harry? Hayaan mo naman akong magbayad ng pamasahe. Magtataka na ang nanay 'ko kapag nakita niyang malapit nang mapuno ang alkansya 'ko!"
Naikwento niya kasi kay Harry na ang pamasahe na hindi niya nagagalaw ay inihuhulog niya sa kanyang alkansya.
Mahina itong tumawa. Ang isa pa sa napansin niya kay Harry, hindi na ito madamot sa ngiti ngayon at minsan ay nakikisabay na rin sa kalokohan nila ni Amy.
"Just let me. Para mapuno na agad iyong alkansya mo," sabi naman nito.
Wala pa naman siyang planong paggamitan ng iniipon. Mahilig lang talaga siyang mag-ipon. Maganda rin kasi iyong ganoon para kapag may gusto siyang bilhin ay mabibili niya at hindi na kailangang humingi sa mama at papa niya.
"Maghihinala ang mama 'ko!" biro niya. "Tsaka, wala pa naman akong planong paggamitan non."
Nagkibit lang ito ng balikat. Hindi talaga ito magpapatalo. Kinukulit pa niya ito nang biglang may tumawag sa kanya. 'Pag lingon niya ay ang kuya Jake pala niya iyon.
"Sino itong kasabay mo? Manliligaw mo ba 'to?" maangas na tanong ng kapatid na masama ang tingin kay Harry.
"Kuya! Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Kaklase 'ko si Harry," saway niya rito.
Mas lumapit pa ang kuya niya kay Harry na para bang hinahamon ito. Ngunit wala siyang nakitang kahit kaunting takot kay Harry kahit pa sandamakmak yata ang back up ng kapatid niya.
"Kuya! Ano ba? Walang ginagawang masama si Harry sayo!"
"Sa akin wala, pero sayo, oo!" Muli nitong binalingan si Harry. "Pinopormahan mo ba 'tong kapatid 'ko?"
"Kuya!" Hiyang-hiya na siya kay Harry. Bakit ba bigla nalang lumitaw 'tong kuya Jake niya?
"Ano? Sumagot ka? Bakit palagi kang nakabuntot sa utol 'ko?"
"Why? May masama ba roon?" cool na cool na sagot ni Harry.
"Aba't! Oo may masama dahil hindi ako papayag na ligawan mo siya!"
At sinong nagsabi sa kuya niya na ito ang magdedesisyon tungkol doon?
"Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan," sabot naman dito ni Harry.
Halatang napikon si Jake sa isinagot ni Harry. Umakma na itong sasapakin si Harry pero maagap niya itong inawat at humarang sa pagitan nito at ni Harry.
"Kuya! Tumigil ka na kundi ay isusumbong 'ko kay mama lahat ng kalokohan mo! Magkaibigan lang kami ni Harry kaya huwag mo siyang pag-initan!"
Saglit na natigilan ang kuya Jake niya. Ngunit maya-maya ay parang nakabawi na ito at muling pinagbantaan ng masama si Harry.
"Huwag na huwag ka nang lalapit kay Jasmin kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso! Bumalik ka na lang doon sa pinanggalingan mo!"
"Kuya!" Nagpumiglas siya nang hatakin siya nito. "Hindi ako sasama sayo."
"Jasmin, huwag mo 'kong subukan!"
"Magkaibigan lang kami ni Harry. At pwede ba huwag mong pakialaman kung sino man ang piliin 'kong kaibigan dahil ikaw din naman, hindi ka rin nakinig sa akin tungkol sa bagay na 'yan." aniya at tsaka tinapunan ng tingin ang mga kasama nito na kilala naman niyang hindi magandang impluwensiya. Nakita pa niya ang dalawa nilang kaklase na alipores ni Nilo.
Hindi na nagsalita ang kapatid at nilayasan na siya ng mga ito ngunit mula itong nagbanta sa kanila.
Nang maiwan silang dalawa ni Harry ay hindi agad siya makalingon dito. Nahihiya siya dahil sa inakto ng kapatid. Saan ba nito pinagkukuha ang ideyang iyon?
"Pasesnsya ka na, Harry. Hayaan mo, kakausapin 'ko si Kuya Jake mamaya," aniya.
"It's not your fault. But I think I know who gave him the idea," nagtatagis ang bagang ni Harry nang sabihin iyon.
"Pasensya ka na talaga," nauna na siyang maglakad. Hindi niya matignan sa mga mata si Harry. Nalulungkot siya sa maaaaring maging epekto niyon sa pagkakaibigan nilang dalawa.