Nagmamadali akong papunta sa gate ng bago kong school. Bitbit ang bag ko at cellphone.
Binasa ko ang nakalagay sa taas ng gate.
Pampanga High School
Maliit ito kumpara sa university na pinasukan ko sa Maynila. Ang nakahahalina rito ay ang maaliwalas at malinis na paligid. Maraming puno kahit saan tumingin kaya't nakaka relax ang sariwang hangin. Malapit rin ito sa Mt.Arayat na abot tanaw mula rito.
Hindi ko alam na alas siete pala ang oras ng pasok dito. Tumingin ako sa wrist watch ko.
Shit! I am 10 minutes late.
First day of school pa naman, bad vibes agad ang dating ko sa teacher nito.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang marami pang estudyanteng naka labas. May mga nagku-kuwentuhan at nagyayakapan na kala mong isang taong hindi nagkita. First day of school feels.
All eyes on me huh? Naninibago siguro sila at ngayon lang makaka-kita ng magandang schoolmate. Charrot.
Nahiya ako nang tignan ko ang uniform ko na bahagyang nalukot bunga ng pagmamadali ko kanina. Dark blue ang kulay ng palda at ang blouse ay mas light kaysa palda. May vest ito na dark blue. Nag fit ito sa aking katawan.
Argghhh! 11-Rizal where are you?
Ang hirap hanapin ng room ko. Ang dami-dami pang tao na nakaharang sa hallway.
"Stormy!"
What the? Stormy? Really? Are we close?
"OMG!Stormy ikaw nga!"
"Uhm...hi Isha" ngumiti ako ng tipid.
Si Isha ang nag iisang naging kaibigan ko tuwing uuwi ako dito sa Pampanga. Ngunit mga bata pa kami noon kaya nahihiya na ako sa kaniya ngayon.
Kahit papa'no may hiya pa namang natitira sa akin noh. Slight lang hehe.
"Stormy! Huhu" niyakap niya ako ng mahigpit.
"Isha samahan mo naman akong hanapin ang magiging classroom ko" ngumiti ako sa kaniya ng nag aalangan.
"Iyon lang ba sis! Walang problema. Ikaw ha hindi mo manlang sinabi na dito ka na mag aaral" humawak siya sa kaniyang dibdib at umarte na kunwaring nasasaktan.
Abno talaga 'to, hanggang ngayon ay hindi nagbabago.
"It's a long story" masungit kong sabi para hindi niya na ako paulanan pa ng mga katanungan.
Ayaw kong pag usapan ang mga suliranin ko sa buhay. Hangga't maaari ay sasarilihin ko ang mga hinanakit hanggang sa panahong maghilom ito.
Hanggang kaya kong itago ang sakit na nararamdaman ko ay itatago ko ito. Ikinukubli ko na lamang ito sa mukhang laging nakangiti.
Kaya naman 'pag usapang pamilya na ay automatikong nagiging suplada ako. Ayaw ko lang makita nila kung gaano ako kahina.
Kahit man lang sa saglit na oras na wala ako sa bahay ay matakasan ko ang mga suliranin.
"Okaaayyy,anong section mo? nang matulungan kita" masigla siyang sabi na tila hindi nauubusan ng enerhiya sa katawan.
"Grade 11-Rizal"
Nagulat ako nang bigla itong magta-talon with matching tili at palakpak pa.
"Ano ba Isha pinagtitingin tayo!" pasigaw kong bulong.
Gosh. Nasa hallway kami at sobrang daming tao.
"Frenny, mag classmates tayo!" sigaw niya habang pumapalakpak at may ngiting abot hanggang tenga.
Hindi bagay ang kaniyang ikinikilos sa kaniyang itsura. Maganda si Isha,mukhang mahinhin. May mahabang buhok na itim at hanggang baywang. Matangos ang kaniyang ilong at kayumanggi ang balat.
Habang ako ay may katamtamang haba ng buhok at may pagka hazel brown. Matangos rin naman ang ilong ko ngunit singkit ang mga mata.
"Halika na Stormy pumunta na tayo sa classroom"
"Mabuti pa nga, kanina pa tayo late, e" bahagya akong tumingin sa wrist watch "It's already 7:15 am" palatak ko habang umiiling.
"Ano ka ba?" ayan nanaman ang tawa niyang nakakahawa "Maaga pa nga tayo. Alas otso ang simula ng klase" sabi niya habang hinihila niya ako papunta sa maraming tao.
Sabi ni Papa alas siete daw ang pasok kaya ako nagmadali. Nakaka inis naman. He really knows me well. Kaya niya sinabi 'yon ay para maaga akong pumasok. Alam niyang tamad ako at laging nale-late sa klase.
Biglang akong napahinto at kumabog ng malakas ang aking puso.
*dug dug dug dug dug
Tao pa ba itong nakikita ko?
Ito na ba ang heaven? At may nakikita akong mala anghel sa g'wapo.
Nagka boyfriend naman ako sa Manila pero hindi ganito ka-g'wapo.
Nakaupo siya sa isang bench habang habang lilingon-lingon na parang may hinahanap.
May pagka kulot ang kaniyang buhok at mestizo. Matangkad,matangos ang ilong,maganda ang mapupungay na mata, at ang labi....
Napalunok ako nang tignan ang kaniyang labi.
He has kissable red lips.
Mukhang ang bango-bango pa! Ang linis tignan. Auto crush sakin pag mabango.
Para siyang Greek God na si Eros. Baka siya na ang papana sa puso ko.
Come to me baby huhuhu.
"Huy! Stormy natulala ka d'yan?" kinaway niya ang kaniyang kamay sa harap ko.
"Ah...eh Isha kilala mo ba 'yan?" muli kong tinignan ang g'wapo na nakita ko.
Bahagyang natawa si Isha at umiling na ikina-kunot ng aking noo.
"Halika na Stormy!"
Sumulyap muna ako saglit sa anghel este lalaking nakita ko. Nagkasalubong ang aming mga mata dahilan nang pag init ng aking pisngi.
Sigurado akong namumula na ako ngayon.
Gulat siyang tumingin sa akin ngunit nag-iwas agad ng tingin. Kilala ba ko nito? O kilala ko ba siya? He looks familiar.
Hinayaan ko lamang hatakin ako ni Isha hanggang makalayo at hindi na siya matanaw.
"Good morning class!"
"Good morning maaaammm!!!" masiglang bati nila habang ako ay tulala pa rin kaiisip sa lalaki kanina.
Sayang at hindi ko siya ka-klase. Hays :(
"My name is Ms. Janeth Cruz. I'll be your adviser for this school year and also your English teacher"
"Class before we start magpapa kilala muna sa inyo si Ms.Imperial,transferee siya dito. Be kind to her ha"
Automatiko naman akong napatayo nang marinig ang aking surname.
"Go frenny" bulong ni Isha.
Nagsimula akong maglakad patungo sa harapan.
"Hi! Good morning everyone! I am——"
Natigil ako nang biglang may magbukas ng pinto.
"Good morning ma'am Janeth. Sorry I'm late"
"Seems like you enter the wrong classroom Mister?"mataray na tanong ni ma'am.
Lahat ay nasa kaniya ang tingin ngayon. Kaya gusto ko ma late lagi,e. Agaw eksena sis,semi artista kana agad.
Ay shemay!
S-siya yung lalaki kanina! Classmate ko siya!
"No ma'am,I enrolled in 11-Rizal 5 minutes ago" dire-diretso siyang naglakad at umupo sa bandang sulok sa likod. Doon sa likod ng upuan ko!
Ano kayang name niya?di bali nang hindi ko alam,I can call him baby hihi.
Nakaka excite na pala pumasok. Gaganahan akong mag aral nito.
"Please continue Ms.Imperial. Sorry 'bout that" natauhan ako nang magsalita si ma'am.
Napalunok ako. Shems. Bakit kanina ay confident na confident ako? Ngayon ay parang gusto kong lamunin ng lupa.
"G-Good morning e-everyone"
Calli! Umayos ka nakakahiya!
"I am Stormy Calliope Imperial. Y-You can call me Calli"
Sa totoo lang ay ayaw kong tinatawag sa first name ko kaya gano'n na lang siguro ang sungit ko kay Isha.
Iba't ibang impresyon ang bumungad sakin.
"Girl! Malagu ya ne?"
"Kaluguran daka agad!"
"Krass ka nito oh!"
I smile as a response 'cause I don't know what they mean. That's their language here, I guess.
"I'm from Manila" patuloy ko
"Mr.Zakiro Myco Levierre!stand up!" tawag ng teacher ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa bandang likuran.
"Y-yes ma'am?"
"Mukhang may sarili kang discussion d'yan sa likuran huh? Wanna share it to us?" sarkastikong tanong ni ma'am.
Ayaw ko silang tignan, OA na kung OA pero may trauma ako sa kung ano mang kaguluhan. Konting sigaw lang yata ay magta-tantrums na'ko.
Ngunit dala ng pagiging chismosa ay lumingon ako.
Nakatayo si iyong lalaki kanina!
Siya 'yong pinapagalitan. Why so cute kahit napapagalitan na? Sana all.
"S-Sorry ma'am" nakayuko siya at mukhang nahihiya.
Bad na ba ko nito dahil pinipigil ko ang tawa ko. Ang cute-cute niya kasi.
"Next time Mr.Levierre I will not consider you. Not because me and your Father are best friends it doesn't mean that I will have special treatment to you" mataray na sabi ni ma'am.
"Now,you may sit" dagdag niya.
Hiyang-hiya na umupo si crushie. Natulala naman ako sa taray nitong adviser namin.
"Continue Ms.Imperial I'm sorry again"
Tumango ako bago magsalita "uhmm...I'm from Manila. I hope we can be a good friends." confident akong nakangiti ay nakatingin kay crushie.
Dire-diretso akong umupo sa upuan at iyon na nga nagsimula agad magsalita si ma'am sa harapan.
Patuloy pa rin ang isip ko kay crushie.
So what's his name again?
I am curious now.
Mr.Zakiro Myco Levierre.