MAS lalong nabahala si Yuri nang mapagtanto niyang kulang pa ang hawak niyang pera para sa tuition ng kaniyang mga kapatid. Malapit na kasi ang exam ng mga ito pero kulang pa rin ang perang hawak niya para ipambayad sa school ng mga kapatid.
Nasapo ni Yuri ang noo niya habang hawak ang pera na binilang niya. Kulang pa siyang ng mahigit dalawang libo para pangdagdag sa hawak niya. Saan siya kukuha ng pera para ipangdagdag sa tuition ng mga kapatid niya?
Bumuntong-hininga siya. "Saan ako kukuha ng pera?" tanong niya sa sarili habang bakas ang stress at pagkabahala sa mukha niya. Hindi naman pwedeng hindi makapag-exam ang mga kapatid niya. "Bahala na!" sabi na lang niya dahil wala rin naman siyang maisip na pwedeng pagkunan ng pera kung 'di kay Shane lang pero malaki na ang utang na loob niya rito at nahihiya na siya.
Muli niyang itinago ang pera sa bag at itinago iyon sa baol. Kakausapin na lang siguro niya ang school admin ng paaralan na kung maaaring sa susunod na lang ang kulang niya para sa tuition. Matapos niyang itabi ang pera, sinilip niya ang kaniyang mga kapatid na Mahimbing na natutulog bago siya humiga sa sariling higaan.
Habang nakatitig siya sa bubong ng munting tahanan nila, bigla na lang sumagi sa isip niya si Dwayne na kanina'y hinatid siya pauwi. Nagpumilit ito kahit sinabi niyang ayaw niya. Hindi niya kasi kilala ang binata at palagi pa siya nitong inaasar kaya hindi alam ni Yuri kung dapat ba siyang magtiwala sa binata. Pero hindi niya alam kung bakit pumayag pa rin siya sa gusto nito. May kakaibang katauhan ang binata na naramdaman niya na nagbigay ng kuryususidad sa kaniya. May bahagi sa kaniyang gusto pa niya itong makilala.
—
MAAGANG nagising si Yuri para ipaghanda ng pagkain ang kaniyang mga kapatid na papasok sa school. Sasamahan niya ang mga ito para makiusap na uutangin na muna niya ang kulang sa perang hawak niya at babayaran na lang sakaling magkamayroon uli siya.
"Sige na, bilisan niyo nang kumain at aalis na tayo. Baka ma-late kayo," sabi niya sa kapatid na si Rio at Rea na kagigising lang.
Kumunot ang noo ni Rhea. "Bakit po, Ate sasama ka po ba sa school?" tanong nito.
Ngumiti siya habang inilalagay sa hapag ang almusalang iniluto niya. "Oo, sasama ako para kausapin ang teacher niyo para sa kulang sa tuition fee," paliwanag niya sa kapatid. Umupo na rin siya sa upuan at sabay silang kumaing tatlo.
Matapos nilang asikasuhin ang bawat isa, lumabas na sila ng bahay at naglakad patungo sa paaralan. Hindi naman kalayuan iyon pero baka ma-late na ang dalawang kapatid niya kaya nagpasiya siyang sumakay na lang sa tricycle.
Habang lulan sila ng sasakyan, napakunot ang noo niya ng makita ang pamilyar na sasakyan sa likod ng tricycle na sinasakyan nila. Kumunot ang noo niya, baka marahil katulad lang iyon ng sasakyang alam niya.
Huminto ang Tricycle sa tapat ng paaralan kung saan nag-aaral ang mga kapatid niya. Bumaba sila at pumasok sa malaking paaralan. Nagkalat ang mga estudyante sa paligid, ang iba'y naglalaro at ang iba nama'y may hawak na libro na abala sa pagbabasa.
"Sige na, pumunta na kayo sa classroom niyo, ako na bahalang kumausap sa school treasurer ninyo," sabi ni Yuri sa mga kapatid.
Ngumiti ang mga ito. "Sige po, Ate" sagot ni Rhea.
"Ayusin ang exam, ok? Mag-aral na mabuti," bilin pa niya.
"Naman, Ate, ako pa ba?" mayabang naman na sagot ni Rio. Napangiti na lang siya sa mga kapatid at pinagmasdan ang paglayo ng mga ito.
Dumeretso si Yuri sa billing area ng paaralan. Kinakabahan siya kung pagbibigyan pa ba siya ng konsiderasyon ng paaralan. Ilang beses na rin kasi siyang kinausap ng school tungkol sa palaging late na pagbabayad ng tuition.
"Good morning, Ma'am," magalang niyang bati sa treasurer ng school na nasa billing station. Lumapit pa siya sa counter.
"Good morning, Ma'am," balik nito sa kaniya.
"Mag babayad po ako ng tuition sa mga kapatid ko, Kay Rhea at Rio Yokumo for the semester," simula niya.
"Ok, Ma'am please wait while I'm checking the record," ani ng babae. "For the last semester, may balance po kayong three thousand and for this semester, you have to pay six thousand pesos, Ma'am."
Muntik nang masamid si Yuri sa narinig mula sa babae. So, bale nine thousand pesos ang kailangan niyang bayaran? Saktong five thousand lang ang hawak niya para sa tuition for this semester. Nanlumo siya at hindi alam ang sasabihin.
"Ahm! Ma'am, pwede po bang...pwede po bang bayaran ko muna 'yong ngayong semester at i-balance na lang uli 'yong nakaraang balanse," nahihiyang pakiusap niya.
Saglit siyang tiningnan ng babae. "I'm sorry, Ma'am pero hindi po pwede iyon. Ang mangyayari po, babayaran ninyo ang balanse sa nakaraang semester at ipapaunang bayad ang two thousand for this semester, so bale may four thousand balance po ulit kayo for this semester," paliwanag nito.
"Pero makaka-exam po ba ang mga kapatid ko, Ma'am?" tanong niya na umaasang kahit may balanse pa siya ay pagbibigyan uli siya ng paaralan.
"I'm sorry, Ma'am pero 'di ko po ma-a-assure ang bagay na iyan. The school itself will be the one who decide for that matter, Ma'am. Pero I'll tell them your reason, Ma'am." Ngumiti sa kaniya ang babae.
"Miss, I'll pay for her balance."
Napalingon si Yuri nang marinig ang pamilyar na boses na iyon at ganoon na lang ang gulat niya ng makita si Dwayne na nakatayo sa likod niya. Ano'ng ginagawa nito doon?
"Dwayne? Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat at hindi makapaniwalang tanong niya.
Hindi siya nito pinansin. Naglakad ito patungo sa counter at hinarap ang babae. "Don't worry, Miss I'll pay for her balance for the whole semester," ani Dwayne at naglabas ng wallet.
Natulala si Yuri at hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Hindi siya makaimik sa gulat at sa kakaibang nararamdaman niya nang makita si Dwayne at sa ginagawa nito.
"Thank you, Sir here's the receipt." Binigay ng babae ang resibo kay Dwayne.
"Let's go, Yuri." Namalayan na lang niya ang paghawak ni Dwayne sa braso niya at marahan siyang hinila palabas ng billing station.
Nang makabawi si Yuri sa gulat, huminto siya at binawi ang kamay kay Dwayne. "Ano'ng ginagawa mo?" direktang tanong niya.
Napangiti si Dwayne, bahagya pa itong napayuko. "I'm helping you, Yuri hindi ba halata? I want to help you out from your problem." Bakas ang concern sa boses nito.
"Pero hindi ko kailangan ng tulong mo, Dwayne! Hindi ko kailangan ng tulong mula sa stranger, sa lalaking hindi ko kilala. Bakit mo ako tinulungan? Ano'ng kapalit ang gusto mo?" tanong ni Yuri dahil sa pagtataka sa ginawa ni Dwayne sa kaniya. Ni hindi nga niya ito kilala at ganoon din ito sa kaniya kaya bakit siya nito tulungan? Ano'ng gusto nito?
Ngumisi ang binata. Bahagya itong napakiling. "Are you saying na tinulungan kita dahil may kapalit akong hihingin? Yuri, come on! That's how you think about me, Yuri?"
"Kasi hindi kita kilala, Dwayne. Ni hindi ko alam ang intensyon mo kung bakit ginagawa mo ito," patuloy niya. Naiinis siya sa binata dahil sa pagtulong nito sa kaniya pero hindi niya rin alam kung bakit parang may kung ano sa puso niya na pumipitik dahil kay Dwayne.
Nasapo ni Dwayne ang noo at napasinghap. "I just wanted to help you, Yuri, that's it. Wala akong ibang intensyon, ok?" giit nito.
"Sige, ganito na lang, babayaran ko ang perang ibinayad mo sa school. Hindi ko maipapangakong agad-agad, pero magbabayad ako. Kahit installment pa iyon," sabi ni Yuri.
"Fine, if that would be the reason for your peace, then pay me," seryosong aniya. "But you will work for me, Yuri."
Nanlaki ang mata niya. "Huh? Ano'ng ibig mong sabihin, Dwayne?" gulat na tanong niya.
"Magtatrabaho ka sa akin. Mababayaran mo na ang utang mo, babayaran ko pa ang trabaho mo."
Umiling siya. "No! Hindi ako papayag, Dwayne. Babayaran kita sa paraan ko pero hindi ako magtatrabaho sa iyo," giit niya.
Ngumiti si Dwayne. "Ganiyan ba kataas ang pride mo, Yuri para tanggihan ang alok ko? I'm giving you an opportunity to work, to earn at hindi para sa sarili kong interest. I wanted to help you and I don't have any hidden agenda for this offer. Come on, Yuri hindi makatutulong sa iyo kung paiiralin mo 'yang pride na iyan. You need a job to earn money, and I give it to you," lintanya ni Dwayne na bakas ang pagkaseryoso nito sa sinabi.
Hindi agad nakaimik si Yuri. Pakiramdam niya'y tumama sa kaniya ang sinasabi nito. Bahagya siyang yumuko. "Kasi, hindi pa kita kilala, Dwayne at natatakot akong magtiwala," dahilan niya.
"Kilala mo ba 'yong mga taong pinagtatrabahuhan mo? Those who offer a job in the city? Kilala mo ba sila?" Bakas na ang inis sa boses nito. "Hindi mo ako kilala? Then, kilalanin mo ako, Yuri kasi ako, gusto kitang makilala."