Kabanata 3

1534 Words
"YURI, look who's coming?" Napakunot ang noo ni Yuri sa sinabi ni Sia, ang katrabaho niya sa isang food restaurant sa night market sa bayan at napalingon sa gawing tinutukoy nito. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang tinutukoy nito paparating. Napabuntong-hininga siya at bakas sa mukha na hindi natutuwa sa lalaking parating. "Nandiyan na naman siya," dismayado niyang sabi. "Hindi ba siya nagsasawa? Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kaniyang hindi ko siya gusto?" aniya pa habang inaayos ang mga pinggan at plato at ilalagay niya sa dapat niyong kalagyan dahil pasara na rin ang restaurant. Si Martin Tino lang naman ang masugid na manliligaw ni Yuri na kahit ilang beses na niyang sabihing hindi niya ito mahal at hindi pa siya handang pumasok sa relasyon, nangungulit pa rin ito at ipinipilit ang sarili. "Mahal ka lang siguro talaga no'ng tao, Yuri? Bakit 'di mo subukan? Give him a chance," saad ni Sia. Napanguso siya sa sinabi nito. Hindi na rin siya nakasagod dahil nasa harap na niya si Martin at matamis na nakangiti. Labas ang mga ngiping hindi kagandahan. Masasabi niyang may hitsura din naman ang binata, matangkad ito, matikas ang katawan at maputi, kaya lang hindi talaga niya makuha ang sariling magustuhan ito sa hindi niya malamang dahilan. "Hi, Yuri," bati ni Martin sa kaniya. "Hi, Sia," baling naman nito sa katrabaho niya na naging kaibigan na rin ni Yuri. Pilit siyang ngumiti habang pinupunasan ang mga pinggan. "Hello, Martin," balik na bati niya rito. "Bakit nandito ka?" tanong pa niya na parang ayaw niyang nandoon ito, na totoo naman. "I'm here to see you, Yuri," banat naman nito. Narinig na lang niya ang pagtawa ni Sia kaya siniko niya ito. "Naku, Martin nag-abala ka pa. Hating-gabi na, oh? Kung ako sa 'yo, natulog na lang ako, nagkamuta pa ako," seryosong sambit ni Yuri na lalong nagpatawa kay Sia pero pinigilan nito. Sumeryoso saglit si Martin pero natawa rin sa huli. "Mas gusto kong makita ka, Yuri kaysa matulog at magkamuta. Bakit parang ayaw mong nandito ako?" nagtatakang tanong pa nito na para namang hindi nito alam na hindi niya ito mahal. "Hindi ba halata, Martin? I mean, hindi naman sa ganoon, ang akin lang baka naabala ka na." Pinilit ni Yuri na hindi matawa sa mga sinasabi niya sa lalaki. Napangiti si Martin at saglit na yumuko. "Ano ka ba, Yuri kung tungkol sa iyo, no worries kahit buhay ko nga ibibigay ko sa iyo, eh," banat nito. "Wow, Martin! Sigurado ka bang kayang mong ibigay ang buhay mo kay Yuri?" natatawang sabat ni Sia. "Of course yes, Sia. You know how much I love Yuri," agad na sagot ni Martin. Nakagat na lang ni Yuri ang pang-ibabang labi niya dahil mukhang kahit ano namang sabihin nila ni Sia, hindi aalis sa harap nila si Martin. Hindi naman na bago sa kaniya iyon. Mahigit isang taon na ring nangungulit ang binata sa kaniya at kahit lantarang sabihin niya na hindi niya ito mahal, tila walang epekto sa binata at patuloy na ipinipilit ang sarili. Matapos nilang ayusin ang mga gamit sa counter, lumabas na sila ng restaurant na iyon dahil wala na rin namang customers kaya maagang nagsara iyon. Napabuntong-hininga siya nang makita sa labas si Martin. "Yuri, pasensiya ka na, huh, mauna na ako sa iyo," paalam sa kaniya ni Sia. Ngumiti si Yuri. "Ok lang, Sia kaya ko na ang sarili ko." "Don't worry, Sia I take care of her," sabat naman ni Martin. Palihim na lang siya napangiwi. "Siguraduhin mo lang, Martin kung hindi, patay ka sa akin," pananakot pa ni Sia. "Sige na, alis na ako." Ngumiti muli sa kaniya ang katrabaho bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa nakaparadang motor 'di kalayuan sa kanila. Sinusundo kasi ito palagi ng nobyo nito. Nagkalat ang mangilan-ngilan pang mga tao sa night market. Hatinggabi na at halos lahat ng vendors doon ay nagsasarado na dahil halos wala na rin namang mga tao. Bumaling si Yuri kay Martin. "Martin, hindi mo na ako kailangang samahan. Kaya ko na 'to, umuwi ka na lang at masyado na ring gabi," saad niya rito. Hindi niya alam pero mas gusto niyang mag-isa kaysa magpahatid sa binata. "Pero gusto kong ihatid ka, Yuri. Wala man akong motor o sasakyan, pero willing akong maglakad kahit pa gaano kalayo basta kasama ka," anito na bakas ang pagkaseryoso sa mukha. Gusto niyang mailing at ngumiwi sa mga banat nito. Seryoso lang niya itong tiningnan habang naglalakad sila sa kahabaan ng market road kung saan may mangilan-ngilang mga taong naglalakad. "Pero, Martin—" "Walang pero-pero, Yuri. Sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita," pagpipilit nito. Napabuntong-hininga na lang si Yuri at mukha ngang wala na siyang magagawa pa. "Ok, fine!" pagpayag na lang niya dahil hindi rin naman papayag si Martin sa gusto niya. — "ATE, kailangan na raw naming mabayaran ang tution fee namin before the exam," ani Rio nang lumapit ito kay Yuri habang nag-aayos siya ng mga gamit niya. Si Rio ang lalaking kapatid niya na nasa Grade Eleven na habang si Rea naman ang isa pa niyang kapatid na graduating na sa senior high school. "Huh? Kailan ba exam niyo?" tanong niya rito. Lumapit naman sa kaniya si Rea. "Next month po ate ang exam ng senior high," sagot pa nito. Natampal niya ang kaniyang noo dahil sa sinabi ng mga kapatid. "Sige, hayaan niyo at maghahanap ako ng pera para sa tuition niyo," balik niya sa mga ito. Nag-aaral sa isang private school ang dalawang kapatid niya simula ng mag-Senior High School ang mga ito dahil naroon ang hinahanap nilang mga strand na gusto nila. Kahit mahirap, pinilit ni Yuri na pag-aralin ang mga ito sa private school mabuti na lang at may scholarship ang mga ito kaya less tuition ang binabayaran niya pero malaki pa rin para sa kinikita niya ang mga school fees ng mga ito. "Sige po ate, salamat po," malungkot na saad ni Rea dahil alam rin nito kung gaano siya naghihirap sa pagtataguyod sa mga ito. Simula kasi nang mamatay ang ina nila, wala nang ginawa si Yuri kung 'di ang magtrabaho para itaguyod ang pamilya dahil wala namang ibang gagawa niyon para sa kanila. "Sige, pumasok na kayo at baka ma-late pa kayo," aniya sa mga ito. Hinalikan pa siya ng mga ito sa pisngi bago umalis para pumasok. Napaupo si Yuri sa sofa na naroon na gawa sa kawayan. Napapikit siya at nahilamos ang kamay sa mukha. Saan siya hahanap ng pera pangbayad sa tuition ng mga kapatid niya? Saktong magbabayad din siya sa ilaw at tubig at sa utang nila. Napabuntong-hininga na lang si Yuri. Gagawa na lang siya ng paraan para kumita pa ng pera. Kung kilala lang sana niya ang kaniyang ama, hindi siya magdadalawang-isip na lapitan ito para humingi ng tulong. Mabilis na nagbihis si Yuri at inayos ang sarili. Kailangan niyang magdoble kayod para sa pamilya niya. Nag-suot siya ng white t-shirt at fitted na pantalon. Kinuha niya ang shoulder bag at lumabas ng bahay. Habang naglalakad si Yuri pakiramdam niya'y may sumusunod sa kaniyang sasakyan kaya lumingon siya. Nagtaka siya ng makita ang itim na sasakyan sa likod niya 'di kalayuan sa kaniya na tila ba sinusundan siya. Tumabi pa siya sa gilid ng kalsada. "Ano bang trip ng kotse na 'to?" bulong niya nang hindi iyon umabante kahit tumabi na siya sa daan. Napakunot noo na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Sabi ko na nga ba, eh, it's you." Nagulat si Yuri nang bigla na lang sumulpot sa tabi niya ang itim na kotse at lumabas mula sa bintana niyon ang pamilyar na lalaki. Inalala niya pa kung saan niya ito nakita at nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. "I-Ikaw?" gulat na bulalas niya. Ang lalaking nagnakaw sa unang halik niya. Nakaramdam siya ng inis sa binata. Kahit na sabihing gwapo ito, hindi pa rin iyon sapat para tanggapin na lang niya ang ginawa nito. "Ano'ng ginagawa mo rito, huh?" madiing tanong niya na bakas ang inis sa mukha. Gwapo nga ang binata pero may dating itong na may pagka-bad boy. "Ano'ng ginagawa ko rito? Dumaraan. Bawal na ba akong dumaan dito? Sa iyo ba ito?" tanong nito. Kumunot ang noo ni Yuri. Napasinghap pa siya. Naalala niya ang pagligtas nito sa kaniya nang gabing iyon pero pag naaalala rin niya ang paghalik nito sa kaniya, naiinis siya. Hindi sa gaanong paraan gusto niyang mahalikan. "At talagang ang lakas ng loob mong magpakita sa akin matapos mo akong...basta!" inis na wika niya. Napangiti ang gwapong binata. "Matapos kitang halikan? Ow! It means you're affected to my kiss?" balik nito. Kumunot pa lalo ang noo niya. "Of course not. Hindi ako apektado sa halik mo pero ang halikan mo ako ng basta-basta, hindi naman ata tama iyon," dahilan niya. "Basta-basta? So, kapag hinalikan kita ng hindi basta-basta, papayag ka? Sige, magpapaalam ako, can I kiss you again, Miss?" nakangiting tanong nito at kinindatan pa siya. "Bastos!" madiin niyang sambit. "Wala akong panahong makipaglaro sa iyo, kung sino ka man." Naglakad na siya palayo sa sasakyang iyon pero ramdam pa rin niya na sumusunod ang binata. Pero hindi niya maikakailang gwapo talaga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD