*CADMON's POV* Maaga kaming umuwi kanina dahil may pasok pa kami. Pero nandito na naman ako sa bahay ni Maisyn para sunduin siya. Sinalubong ko siya para kunin yung librong dala niya. "Good morning." Nakangiting bati ko sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay. "Good morning too, grabe inaantok po ako." Nakangiting sagot niya at tumawa ng mahina dahil ngayon lang siya nagreklamo. "Mamaya pa naman ang klase mo diba? Pwede ka pang matulog mamaya." Nagkibit balikat lang siya bago sumakay sa sasakyan ko. "Parang makakatulong naman ako, sila Edweena pa nga lang ang tao sa tambayan parang nandoon na kayong lahat." Sagot niya sabay tawa ng mahina. Natawa ako naman, tama siya, ang ingay ng babaeng 'yon na parang walang mga kasama. I looked at her while driving, she closed her eyes, inaantok

