*MAISYN's POV* KAME ang unang dumating dito sa resort nila Bran. Sarado ngayon ito at kami lang ang nandito. Maraming mga swimming pool at sobrang linis ng paligid, may apat na palapag na building kong saan may mga rooms kang pwedeng irent. Pero dinala kami ni Bran dito sa rest house nila, magkakasama kami nila Edweena sa iisang kwarto for sure dito din si Astrid mamaya. Hindi ko alam kong paano pakisamahan ang babaeng yon. Ang pangit kasi ng una naming pagkikita. "Excited na akong mag swimming." Sigaw ni Edween bago binagsak ang katawan sa kama. "Hanggang kailan kaya tayo dito?" Tanong naman ni Keziah. nagkibit balikat naman kami ni Edweena. "Lakas trip din kasi ni Cadmon bigla na lang mag-aaya ng outing. Wala talagang kaplano-plano ang lalaking yon." Reklamo naman ni Edweena. "May k

