Maagang nagising si Marlon dahil balak niyang puntahan si Mr Montaverde. Para makausap siya, kailangan niya ng maraming tao para sa kanyang balak na sumugod kay Jackson. Pumunta muna siya sa kwarto ni Maisyn, para tingnan ang dalaga. Sumilip siya sa pinto kung saan mahimbing na natutulog ang dalaga. Nakahinga siya ng maluwag at dahan-dahang isinara ang pinto. Nakasalubong niya ang asawa na kalalabas lang ng kanilang silid. "Aalis ka na? mag-almusal ka muna." Pagaaya ng ginang sa kanya, tumingin siya sa wrist watch niya "Kakain ako sa labas, magkikita kami ni Pablo. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong niya kay Maricel. "Okay lang ako, wala kang dapat ipag-alala. Uuwi ka ba ng maaga mamaya?" Tanong ulit ng ginang habang pababa sila ng hagdan. "I'm going to call

