MAAGANG pumunta si Maisyn sa agency, nadatnan niyang busy si Yosef sa pagsuntok ng punching bag. Umupo siya sa upuan dahil masakit pa rin ang buong katawan niya. Lalo na ‘yung sinuntok ni Yosef kahapon, hindi nga nagbibiro ang binata kaya ang ginawa ni Maisyn pinanood ang binigay ni Yosef. Pinag-aralan n’ya ito kaya anong oras na s’yang nakatulog, halos inaantok pa ang dalaga pero kailangan n’yang mag-ensayo. "Makakabawi rin ako sayo Yosef." Mahina nitong sabi habang nakapikit, pinakikiramdaman din n'ya ang paligid. Napatingin ang binata kay Maisyn, dahil kanina pa ito nakaupo at nakapikit. Tumigil sa pagsuntok si Yosef, naglakad s’ya palapit sa dalaga. Hihilain na sana n’ya patayo si Maisyn, pero nagulat s’ya sa ginawa nito. Hinampas niya ng palad ang ilong nito, saka tinuhod ni Maisyn

