Seryosong nakaupo sa sofa ang magkakaibigan, ilang araw na ang lumipas nang malaman nila ang nangyari kay Maisyn. Hindi na nila ikinuwento sa dalawang dalaga ang nangyari, dahil baka sisihin na naman nila ang kanilang mga sarili. Kaya mas pinili nilang ilihim ang nangyari kay Maisyn. Iniisip din nila kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang dalawa, dahil bumubuti na ang kanilang sitwasyon. Hindi tulad ng dati na araw-araw silang umiiyak at sinisisi ang sarili. "What do we plan to do? are we going to see Miss Fontabella? Kailangan namin siyang kausapin, baka nakita niya ang taong kumidnap sa kanila." Seryosong sabi ni Bran, habang kinakalikot ang kanyang laptop. "Hindi ito ang tamang oras para diyan, Bran, dahil makakasama yan para kay Maisyn. Pupuntahan natin siya hindi para doon

