Nakatingin si Marlon sa mag-ina habang naglalakad papuntang private plane, papaalis na sila ngayong gabi. Tumingin ulit ang dalaga sa ama bago sumakay. Kumaway muna si Maisyn sa kanila, hindi niya napigilang maluha dahil akala niya ay kasama na niya ang ginong. "Susunod na ang papa mo, Maisyn, may aayusin lang siya sa opisina." Pagsusunungaling ng ginang, tinulungan na niyang makasakay ang dalaga. Nakatingin sa paligid si Maisyn, habang umaalis sa lugar na kanyang kinalakihan. "Babalik ako pero sisiguraduhin kong hindi na ako ang dating Maisyn na mahina." Mahinang sabi niya, huminga siya ng malalim dahil paakyat na ang private plane. Kumaway si Marlon habang nakatingin sa private plane nilang papaalis na. Hindi na siya matatakot ngayon dahil malayo ang anak nila kay Jackson. "Ito na a

