"How's the work?" Umupo ito sa harap ko at ngumiti. Nilapag ko ang bag ko sa center table at umupo rin. Inunat ko ang dalawang braso ko at pinatunog ang mga daliri at leeg ko. "Tired." Maikling sagot ko at sumandal sa couch. "Napapagabi ka lagi, ah..." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "Dapat sa bahay mo na ikaw dumidiretso ng uwi para hindi na madagdagan 'yong pagod mo..." Umiling agad ako at alanganing ngumiti. "It's fine. I wanted to see your face before going home." Imbis na makaramdam ng anumang kilig o pamumula sa mukha tulad ng ibang normal na babae, tinawanan niya lang ako at sadya pang lumapit sa'kin para hampasin ako sa braso. Still brutal. "Bola talaga!" "No, I was telling the truth..." Kakamot-kamot sa batok na aniko pero mukhang hindi niya narinig dahil sa lakas ng t

