Illegitimate son... Step brother siya ni Riu... Sa isang linggo na nakalipas, iyan lang ang laging umiikot sa isip ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano 'yong dapat kong paniwalaan. Nagsinungaling lang sa'kin si Rienn... bakit kailangan niya pang magsinungaling? Ang malinaw lang sa'kin ay... ito 'yong dahilan kung bakit ayaw niyang makilala siya ng parents ko. Ngayon ko lang din mas naintindihan kung bakit Colina ang pakilala niya sa parents ko. Laxina... Riu Laxina. Hindi ko naisip. Nawala sa isip ko na Laxina ang surname niya. Sa una pa lang, magkakilala na sila. Kaya naman pala gano'n agad ang reaction nila sa isa't-isa. Sa lahat ng nangyari sa'kin, ngayon lang nagkaroon ng sense ang lahat. I was annoyed... and I wanted to cry. Para akong umiikot sa palad nila. Nagsinungaling

