"So, ilang taon na kayo ni Rienn, Taime?" Nang-uusig na tanong ni Calla habang si Fin naman ay nakikinig lang sa'min at busy sa pagpicture sa pagkain niya. Photographer kasi siya kaya talagang hilig niya ang nga picture-picture na 'yan. Naalala ko no'n na naging model niya pa kami ni Calla. Kami pa no'ng time na 'yon kaya madalas pa kaming magkasama. "Three months," ako na ang sumagot tulad ng usapan namin ni Rienn. Sobra ang ilang na nararamdaman ko dahil hanggang dito ay hawak niya ang kamay ko. At talagang nakapatong pa 'yon sa mesa. Ang akala ko nga sasabihan kami ni Calla ng walang manners pero laking gulat ko dahil kinilig pa talaga siya sa kilos ng perverted naive na 'to. Gan'yan ba talaga kalakas ang karisma niya? "Legal na kayo kay tita? No'ng nakaraang kinuwento ko kasi pa

