"Oh? E, bakit ka narito?" Nawala ang ngisi niya at suminok na naman. Pinagmasdan nito ang buong kabuuan ko at walang emosyong tumingin sa'kin. "Are you going to invite me again to be your pet?" He coldly asked. Hindi ako makasagot... hindi ako makapagsalita. Ibang-iba 'yong Rienn na kaharap ko ngayon. Para akong nananaginip. Gusto kong kurutin ang dalawa kong pisngi pero ayaw gumalaw ng mga kamay ko. Nanatili lang sa kanya ang mga mata ko habang ang tuhod ko ay nanginginig. Wala akong magawa... I was completely useless. "Akala mo makukuha mo lahat ng pera mo?" Walang gana niyang sabi. "Gan'yan ka ba talaga kababa tumingin sa iba porket mayaman ka, ma'am?" Hindi ko 'to gusto... lahat ng nangyayari ngayon, hindi ko gusto. Nasaan 'yong dating Rienn? 'Yong cheerful? Shy type? Pati 'yo

