"It's fine if you don't..." Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?" Naguguluhan kong tanong. Napansin ko ang paglunok niya bago siya sumagot. "I mean, baka makaabala lang sa'yo, ma'am." Ngumiti ako at kinuha ang kamay niya para hawakan. "Hindi, 'no. Mas okay nga 'yon, 'di ba? Para makilala ka nina mom at dad. At least, legal na tayo. Hindi na natin kailangang magtago..." Pinaglaruan ko ang mga daliri niya at tiningnan siya para sa response niya. Yumuko ito at at hinuli ang kamay ko. Hinigpitan niya ang hawak kasabay nang mahinang pagbuntong-hininga niya. "Y-Yeah, guess so..." Parang pilit ang sagot at nagbago ang mood niya. Ang sigla niya kanina, puro siya ngiti at puno ng energy pero parang nawala 'yon lahat ngayon. "You okay?" Nag-aalala kong tanong. Tumango siya at tipid na ngumiti.

