CHAPTER 2

1183 Words
RYAN P. O.V Tapos na ang oras ng break. oras na para bumalik sa classroom, pero hindi pa din ako gumagalaw sa kinakaipuan ko. Nasa likod ako ng malaking puno ng NARRA na siyang ng sisilbing tambayan namin nila mark at Vince tuwing gusto naming matulog o umiwas sa boring na teachers. Nakaupo ako sa bench na nakapwesto sa lilim ng puno saka ako humiga doon, para tingnan ang langit. Tahimik ang lugar na ito. Ni minsan wala pa akong nakitang studyante na pumunta dito para tumambay, maliban sa kanilang tatlo nila Mark at Vince. Napatitig ako sa papel na hawak ko. Transcript of records ko ang laman ng papel. Na approbahan na kasi ang pitisyon ko sa Canada para makasama sila mama at papa. Inabot din ito ng halos dalawang taon dahil nga hindi naman ganun kadali ang kumuha ng visa para sa kanya, lalo na at malaking pera ang kakailanganin para makapunta siya doon. Tatayo na asana ako para umalis saka naman tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni mark ang nakasulat doon. "Ry, check it!" nakasulat doon kasama nag isang larawan. Picture ito mula sa broadcasting room. isa si mark sa mga representative ng kanilang school. I zoom the screen at nakita ko doon si Cassandra at James ang presidente ng buong school campus. Makikita ang sayang at ngiti ni Cassandra kay James habang nakahawak ang lalaki sa ulo ng dalaga. Napapikit ako habang inaalala ang eksina kanina sa entrance ng school. Matagal na ko crush si Cassandra. Hindi lang ako maka diskarte dito dahil, tuwing lalapitan ko ito, para akong may nakakahawang sakit kung makaiwas ito sakin. Tinitigan ko ulit ang picture, Saka ng reply kay mark. Nag chat ito ulit na kung gusto ko ba daw na pumunta sa broadcasting room dahil andoon pa ang dalaga. Tumayo ako, saka sinukbit ang bag ko para magtungo sa classroom ko. Alam ko naman na klasmate pa din kami ni Cassandra. CLASS A SECTION 1 Naabutan ni Ryan sila Mark at Vince na nag lalaro nag vedio game sa mga cellphone nito. "Takbo! takbo! Vince" malakas na hiyaw ni Mark Kay Vince kahit na magkatabi lang naman ang dalawa. Napahampas naman sa upuan si Vince. "Sabi ko kasi sayo, assist ka." Napakamot ang ulong sabi ni Vince kay Mark. Umupo ako sa bakanting upuan,sa likod ng mga ito. Inihiga ko ang kalahati ng katawan ko paharap ng bintana. Nasa second row kasi ang ubuan ng mga lalaki. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng makita kung nakaupo si Cassandra sa may dulong bahagi ng bintana habang hawak hawak nito ang isang libro. Hilig talaga nito ang magbasa. Madalas na nakikita kung binabasa nito ang mga libro ni JOHN GREEN. Tinitigan ko ang dalaga, habang kunwari ay naka pikit ang mata. "hanggang kailan ko ba ito tatanawin sa malay?" Matagal ko ng gustong komprontahin ito kung bakit parang virus ang tingin nito sakin. Pero sa tuwing tatangkain ko na kausapin ito. Nawawalan ako nag sasabihin dito, kaya siguro sa pag gawa ng mga kontra dito ang ginagawa ko para lang tumagal ang usapan namin. Ilang beses na nga ba silang ng talo sa debate ng class subject. Kapag ito ang nakakasama niya sa group projects ng papalipat ito. Nakaka baba ng self confidence ang ginagawa sa kanya ng dalaga. Habang ang ibang kababaihan ay gusto siyang makasama at maging boyfriend kabaliktaran naman si Cassandra. Siguro hindi ko lang din matanggap sa sarili ko na ang isang RYAN DELA FUENTE ay ma rereject lang nang isang CASSANDRA MAE PEREZ. Kung iisipin hindi naman siya pangit para hindian nito. Kahit kailan wala pa siyang nililigawan sa school, dahil ang mg babae mismo ang kusang lumalapit sakin. Kapag na bigyan niya ng magandang treatment ang isang girl. Assuming na ito na sila na kahit na hindi naman talaga, kaya tuloy ang tingin sa kanya ay "Cool na playboy" tahimik daw kasi siya kung manakit nag babae. Sabi nga nila Mark at Vince, bakit daw kasi Hindi siya magpaliwanag para naman malaman nag mga tao na Hindi talaga siya ang paasa. Pero wala n siyang paki sa sasabihin ng iba dahil alam naman niya sa sarili niya na wala siyang ginagawang mali. "Hoy!! Baka matunaw huh?" Nakatawang sabi ni Vince sakin. Tapas na pala mag laro ang mga kupal. "Talo, nanaman kayo?" naiiling na sabi ko sa kanila. Inayus ko ang desk ko saka lumingon ulit sa kinauupuan ni Cassandra ,Pero wala na ito doon. Hinanap ito ng aking mga mata, I show her in row three at front desk. Napabunyong hininga nalang ako. hanggat maari talaga ay ayaw nitong makita ang pagmumukha ko. First day of school kaya wala pang halos klase sa buong school. Maingay at magulo pa maging ang kanilang section. Halos wala naman kasing ng bago sa mga klasmate niya. Ito at ito pa din ang pag mumukha ng mga klasmate niya noong nakaraang taon. "Ok! Class, write your name in a one forth sheet of paper." Malakas na sibi ng kanilang Class adviser na si miss Tin. "Cassandre, bring it to my office." Saka nito niligpit ang mga gamit at umalis. Tumayo si Cassandra at kinuha isa- isa ang mga papel ng mga klasmate niya. Malapit na siya sa dulo kung saan nakaupo si Ryan. Nilagpasan niya ito dahil mukhang matutulog naman. Nang makuha ang mga papel ni Mark at Vince na nasa unahan ng upuan ni ryan. Nilagpasan niya ito sa pag aakalang tulog talaga ito. Kanina pa nakamansid so Ryan sa kilos at galaw ni Cassandra. Tulad ng kanyang inaasahan ,wala nanaman balak itong kuhain ang papel niya. Nang maramdaman na lalagpasan lang siya nito. Mabilis na hinawakan ang kamay ni Ryan ang kamay ni Cassandra na siya naman ikinagulat ng dalaga. "Aray!" Sigaw ng dalaga. Napatingin tuloy sa kanila ang mga kaklase nila dahil sa pag sigaw nito. Mababakas ang inis sa boses ni Cassandra habang matalim na nakatingin Kay Ryan. "Hindi,mo ba kukunin ang papel ko?"Sabi ko dito habang hawak hawak pa din nag kaliwang kamay nito. Sinalubong niya ang titig ng dalaga. "Bitaw!" Malakas na sabi ni Cassandra, nakatingin na samin ngayon ang mga klasmate namin. Tinapik naman ni Mark ang balikat ko, saka nito kinuha ang papel na nasa desk at binigay kay Cassandra. Nakaalis na ang lahat ng classmates namin nasanay na siguro ang mga ito sa "tom and Jerry na bangayan nila ni Cassandra. Kami nalang nila Mark at Vince at naroroon. Pinag tatawanan ng dalawa ang mala "love quarrel" daw namin ni Cassandra. "Pambihira, ka naman kasi dud." Malakas na pang aasar ni Mark. "kung dumiskarte ka naman kasi, nakakatakot." Natatawang sabi ni Vince na natatawa saka ng apir ang dalawa. "Pwede naman kasi na ligawan muna" sabi ni mark habang nakatawa pa din. " At ang gusto mo pa agad eh!. Holding hands na." dugtong naman ni Vince saka ng tawana ang dalawa. Matalim na tingin ang ginawa ko sa dalawa. tumahik naman ang mga ito pero pinipigilan ang tawa. Tumayo ako at kinuha ang bag saka umalis ng classroom. Tumatawa pa din na nakasunod sa kanya ang dalawang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD