"Ayy oo nga pala iyan na pala yung reward mo.secretary"
IBINIGAY NG SECRETARY ANG PERA KAY ARD
"so.. pwede kana magpahinga para pag-isipan mo kung paano matatapos ang mission mo"
"Ok po boss"
AT PAGKATAPOS NON AY UMALIS NASI ARD AT NAGTUNGO SA KANILANG BAHAY
HABANG NAGLALAKAD SI ARD MAY NAKASALUBONG SIYA NA BABAE AT LALAKI NA NAG TATALO SA TABI.AT HABANG NAG TATALO SILA NAKITA NI ARD NA PINIPILIT/HINIHIGIT NG LALAKI ANG KAMAY NG BABAE
KAYA DALI DALI NA PINUNTAHAN ITO NI ARD AT SINUNTOK ANG LALAKI AT SINABING
"Anong ginagawa mo sa kanya"
TAPOS BIGLANG PINALO NG BABAE SI ARD
"Arayy bakit mo ako pinalo ikaw na nga itong nililigtas ehh"
"Siraulo Kaba ehh boyfriend ko yan hindi holdaper".Ang sabi Ng babae.
"Ayy sorry po akala ko Kasi holdaper ehh".Ang sabi ni ard habang nahihiya tumingin sa mata ng babae dahil sa pangyayari.
"Huhhhh bakit ba muka ba akong holdaper hah"Ang sabi ng lalaki na sinapak ni ard
"Bakit hindi ba?"
"Anong sabi mo"
TAPOS SUSUNTUKIN NA SANA SI ARD NG LALAKI PERO PINIGILAN ITO NG BABAE AT SINABING
"Hayaan mo na babe.Ganyan talaga kapag mukang kabayo"
"hah mukang kabayo ehh paano naman kayo mukang unggoy na haharutan sa tabi"
"anoo"
"Tama na babe tara na alis na tayo dito"
AT SABAY NA UMALIS ANG BABAE AT ANG LALAKI AT SABI
"Tara pabayaan mo na Yang unggoy na Yan"
"Kayo Ang unggoy".Ang pasigaw na Sabi ni Ard.
SA KAINISAN NI ARD PINAGPATULOY NALANG NI ARD ANG PAGLALAKAD PARA MAKITA NA NIYA ANG KANYANG KAPATID.
BAHAY NI ARD.
"kayleen"
"kuya naandito kana yeeyyy"
TAPOS TUMAKBO SI KAYLEEN KAY ARD TAPOS NIYAKAP ITO
"kuya miss na miss na kita saan ka pumunta?"
"ahh ehh nagtrabaho Ako "
"ahhh okay kuya tara kain na tayo"
"Sige"
TAPOS PUMUNTA NA ANG DALAWA SA HAPAGKAINAN.
.
"Ohh sir ard naandito na po pala kayo".Ang Sabi ni Alice.
"ahh oo salamat pala sa pagbantay sa kapatid ko"
"Hindi ok lang Po Yun"
"mabuti nga yun ehh,para kapag mag asawa na tayo maalam na Ako magbantay ng kapatid mo".Ang sabi ni Alice ng pabulong habang kinikilig.
"hahh anong sabi mo alice"
"Ayy wala po sige po aalis na po ako"
"Kumain ka na ba tara kain munan tayo"
"Ayy hindi na po may pupuntahan pa Po Ako"
"ahh ohh Sige bye"
"Bye"
AT UMALIS NASI ALICE NA MAY NGITI SA SOBRANG KILIG
AT PAGKATAPOS NON SABAY KUMAIN ANG MAGKAPATID
"hmmm ang sarap".Ang sabi ni kayleen
"Hayaan mo luluto ulit ako niyan,uminom ka naba ng gamot?"
"Ayy hindi pa pala.oo nga pala kuya bakit nga Pala kailangan ko uminom ng gamot kuya?"
"Ahhh syempre para maging strong ka at maging matalino katulad ko".
"Aahh ganon po ba "
"MAS OKAY NA YUNG GANITO KAYSA NAMAN NA MALAMAN NIYA ANG TOTOO BAKA KUNG ANO PANG MANGYARI SA KANYA".ang Sabi ni Ard sa kanya isip.
AT PAGKATAPOS NAGTUNGO NA NGA SILA PARA MATULOG
"tara kayleen tulog na tayo"
"sige kuya kuwentuhan mo naman ako ng story para nakatulog ako"
"Sige"
AT DALI DALI NA PUMUNTA SI KAYLEEN SA KATABI NI ARD AT NIYAKAP
"hmm ito Isang araw
AT NAPANSIN NI ARD NA NAKATULOG NA AGAD ANG KAPATID NIYA
"wtf tulog na agad hahahah"
"kuya kapag naging strong Nako poprotektahan kita"Ang Sabi kayleen habang tulog.
AT NAPANGITI NALANG SI ARD SA SINABI NI KAYLEEN
AT PAGKATAPOS NON MAY KUMATOK SA PINTUAN NILA ARD AT AGAD NA BUMABA SI ARD PARA TINGNAN.
AT PAGKABUKAS NI ARD BUMUNGAD SA KANYA ANG ISA SA MGA NAGTATRABAHO SA TRABAHO NIYA AT SINABING
"Sir ard ito na po ang mga papel para makapasok kasa pupuntahan mong mission at naandiyan narin yung address ng mission.Tsaka nga pala simula daw ngayon ang magiging pangalan mo na daw ay ACE"Ang Sabi Ng lalaki.
"Sige thank you"
AT AGAD ITO SINARADO NI ARD AT TININGNAN ANG ADDRESS SA LAKING GULAT NIYA ANG ADDRESS AY ANG
"Wait malapit ito sa tinirahan Namin DATI
ahh"
AT BIGLANG NAKARAMDAM NG SAYA SI ARD AT SINABING
"HAHAHA sawakas makakaganti Nako hah"
KINABUKASAN
"muka atang ito yon ahhh"
NAGULAT SI ARD NG MAKITA NA
"Haaaa ang laki naman ng bahay parang mansion"
"Mansion talaga Yan".Ang Sabi Ng lalaki sa likod
*BIGLANG NAGULAT SI ARD
"mukang magaapply kayo ahh"
"Ahhh opo heheheh"
"Ahh ganon ba sige na pasok na"
AT TAPOS NON PINAPASOK SI ARD SA BAHAY
"dito nalang po kayo umupo.hintayin niyo nalang po si boss"
"Aaahhh sige po"
5 MINUTES LATER
NANLAKI ANG MGA MATA NI ARD NG MAKITA ANG BOSS O ANG MAGIA BOSS AT NAPASABI NG
"ahhh so.. ito pala yung papatayin ko.nakakaawa naman".Ang sabi ni ard sa kanyang isip.
TAPOS BIGLANG NAKARAMDAM SI ARD NG TAKOT AT PAGKA-KABA HABANG PAPALAPIT ANG MAFIA BOSS
"Huhh ano itong nararamdaman ko"
"So...ikaw yung mag aapply"
"yes po sir"
TAPOS NAKITA NI ARD NA PINALILIBUTAN SIYA NG MGA ALAGAD NG MAFIA BOSS
"Ano to bakit nakapalibod sila sa akin?Malaman ba nilang assassin Ako.Kahit magaling akong assassin Hindi ko ito kayang tapusin lahat".Ang Sabi ni ard sa kanyang isip
AT PAGTAPOS UMUPO ANG MAFIA BOSS SA HARAP NI ARD
"Hmmm ito na Po sir Ang resume ko"
AT TININGNAN NA NG MAFIA BOSS ANG RESUME NI ARD NA NAPASABING
"ACE SWITMA"
"yes po iyan ang pangalan ko"
AT BIGLANG NIYAKAP NITO SI ARD
"Thank you hahahah"
"Huhh ano pong ibig niyong sabihin"
"Kasi ikaw lang ang taong hindi natakot samin."
"huh"
"Kasi yung iba hindi ko pa nga nakikita yung resume nila tumatakbo na ehh kaya wala akong ma hire Hahaha dahil ata sa balitang mafia boss sabagay totoo naman"
"ehhh kahit Naman ata sino tatakbo kung makikita mong pinalilibitan Ka Ng mga barumbadong lalaki na para kang papatayin tsaka pati mafia boss Ka ehh"Ang Sabi ni Ard Ng pabulong
"At syempre hindi lang kita tinanggap dahil ganon tinanggap kita dahil galing Ka sa Isang martial arts school at nagtrabaho karin bilang isang bodyguard at sinasabi dito Ikaw Naman daw ay isang naging magaling na bodyguard at ang isa pa ang pogi mo"
"ehh bading ata to ehh"
"huh anong sabi mo"
"ayy wala po "
"ahhh ganoon syempre bago talaga kitang tanggapin kailangan mo munang ipakita Ang skills mo pagdating sa pakikipaglaban.pwede ba?"
"ok po"
"Sige JC at Jr labanan niyo Siya" Doon kayo sa labas
"okay Po sir"
SABAY SABAY SILANG PUMUNTA SA LABAS KASAMA SI ARD
"so..ito lang po bang dalawa"
"Aba Aba naghahanap kapa hah.Sige sisiguraduhin kong simula sa laban na ito gagalangin mo kami"
"Tama na ang pag-uusap.labaaaan na!"
2 MINUTES LATER
MATAPOS ANG DALAWANG MINUTO NAPATUMBA NI ARD ANG DALAWANG LALAKI
"araayyyy"
"win ace"
"wow Ang galing.so.. ACE SWITMA ikaw ay hire na sa pagiging bodyguard ng aking anak"
"thank you po"
SYEMPRE ASSASSIN AKO EHH MAS MALALA PA NGA ANG GINAGAWA KO SIYAN EHH.ANG SABI NI ARD SA KANYANG ISIP
"so.. ace pwede bang may ipagawa ako sayo habang binabantay mo ang anak ko gusto ko sanang hanapin mo Ang kung sino ang gusto magpapatay sa anak ko"
"huh"
"Kasi lately ang daming gustong pumatay sa anak ko kaya gusto ko siyang bigyan ng bodyguard"
"ahhh"
"hayaan mo dadagdagan ko ang sahod mo hehehehe"
"At tsaka nga pala gusto ko Rin sana na turuan mo Ang anak ko Ng wag maarte,maging spoiled,wag laging mainit ulo,maging responsible at mag aral Kasi simula noong nawala kasi yung nanay niya naging ganyan na Siya"
"bakit ano po ba ang nangyari sa nanay Niya"
"Basta siguro sa susunod ko na lang sabihin Sayo"
"okay po"
"so.... tara puntahan na natin Siya para makita mo na Ang babantayan mo
"Sige po"
AT SABAY NILANG PINUNTAHAN ITO SA KANYANG KUWARTO
"Chloe Chloe"
"anoo bakit ba?"
"May ipapa Kilala lang ako sayo lumabas Ka diyan"
AT LUMABAS SI CHLOE,NAGULAT SI ARD NG MAKITA NA NIYA
"Wait ikaw yung unggoy kahapon ahhh"Ang Sabi ni ard.
"wait oo nga Ikaw Yung kahapon".Ang Sabi ni chloe
"oww Kilala niyo na ang isa't isa?saan kayo nagkakilala?"
"papa nagkilala Po kami Ng siraulong Niyan sa
"at sinong siraulo ang sinasabihan mo hah ikaw nga yung siraulo tinulungan ka na nga ikaw pa galit"
"Anong tulong doon satingin mo hah sinipa mo ang boyfriend ko"
"hah may boy friend ka na Chloe?"
AT BIGLANG NAPATAHIMIK SI CHLOE
"Ang Bata mo pa,kaya Ang baba Ng grades mo?Ipakausap mo nga yan sa akin"
"Huh nag aaral pa po yan unggoy Nayan.
Paano ko po yan mababantayan"
"Sinong unggoy ha"
"Ahh oo nga no pero hayaan mo,Ilan taon kana ba?"
"17 po"
"ahh so..pwede ka pa pumasok.Hayaan mo ako na bahala sayo mag enroll sa school nila para mabantayan mo si Chloe"
"Anong babantayan.wag mo sabihin itong balukubak na ito Ang bagong bodyguard ko?"
"Hindi lang bodyguard pati secretary mo"
"anoooo".Ang sabi Ni Chloe at Ard
"Wait lang po.Wala Naman Po ito sa napag usapan ahhh."
"heheheh sorry nakalimutan ko hayaan mo dodoblehin ko na lang sahod mo hehehehe"
"Hindi ako papayag"Ang sabi ni chloe habang galit
PAGKATAPOS NILAPITAN NI ARD SI CHLOE AT BINULUNGAN NG
"Nakita ko kayong nahahalikan Ng boy friend baka gusto mong sabihin ko yon.Ano kaya ang magiging reaksyon Niya?baka mas malala pa ang galit ng papa mo na ngayon lang malaman na boy friend Ka?"
"Ikaw binablockmail mo ba ako"
"Hindi Naman.kung ayaw mo lang pumayag sasabihin ko Yun"
TAPOS NG MARINIG NI CHLOE NAPILITAN SI CHLOE NA PUMAYAG SA MAGING BODYGUARD
"Sige na nga pumapayag na ako"
HAYS SALAMAT PUMAYAG DAHIL KUNG HINDI TAPOS NA AGAD ANG MISSION AT TSAKA WAIT BAKIT KAYA SIYA NA GUILTY DOON SA SINABI,WAG MONG SABIHIN TOTOO YON,HAYS SALAMAT BUTI TUMAMA HULA KO.
"Ohh Sige ace pwede kana mag start bukas ay oo nga pala hindi ko pa pala nasa sabi sayo kung anong pangalan ko ano?so... hello ace ako nga pala si George ".Ang sabi ng ama ni chloe
"Anong bukas ngayon na"
*AT HINDI ITO PINANSIN NI ARD
"Ok po sir.Magkano po ba ang sahod ko?
"Hmmmmmm 150k a month so.. dahil magiging secretary kapa ng anak ko gagawin ko ng 300k"
"wow thank you po sir"
"hoy pansinin nyo ako"
"ahh naandyan Ka pala kala ko Kasi multo yung nagsasalita kanina ehhh"
"Ikaw kanina kapa ehh gusto mo bang mawalan agad ng trabaho hah"
"ahhh wala akong naririnig"
"ahhhhhhhh"
"hahahahah muka atang tama ang pagkuha ko bilang bodyguard ni chloe si ace ah hahaha".Ang Sabi ni jeorge sa kanyang isip habang nakangiti.
"huh bakit ka po nakangiti papa"
"Hindi may iniisip lang ako.Alam niyo bagay kayo?"
"huhh yak".Ang sabi ng dalawa sa isa't isa.
AT IYON ANG SIMULA NA NAGING BODYGUARD/SECRETARY AT AYUN DIN SIMULA NG IIBIG MULI AKO