Shane's P.O.V
Habang naglalakad ako paalis sa canteen dahil sa bwiset na yun, may nabangga akong lalaki, Napahawak ako sa noo ko dahil hanggang balikat niya lang ako,
"Aray" Sabi ko, Nakanguso naman ako, Di'ko talaga napipigilang ngumuso. Nakakainis naman kasi eh.
"Tss. Next time, Tumingin ka sa dinadaanan mo, Crazy---"
"IKAW?!!!" Sigaw ko, Siya yung lalaking bastos(kung di niyo natatandaan, balik kayo sa chapter 4)
"Stop shouting!"Sabi niya, Tss.
Tadhana ba naman oh. Hindi ako humahanap ng gulo pero gulo yung nakahanap sa'kin.
"This is for you moron!" Sabay sipa ko sa kanyang p*********i, basta alam niyo na yun. sabay lakad palayo sa kanya.
"ARGH— YOU'LL GOING TO REGRET THIS!" Sigaw niya habang hawak hawak yung ano niya. Yan ang napapala ng mga bastos, buti nga at di ko pinutol yung ano niya tss. Di pa nagpasalamat.
***
Andito ako sa room, Ang boriingg--Biglang dumating ang prof na parang galing sa takbuhan.
"Okay class, May bago kayong kaklase. Kindly introduce yourself."
"OH MY GOD!"
"SINO KAYA SIYAAA??!!"
"SANA HINDI HAMPAS LUPA!"
kung maka hampas lupa naman to, Kala mo naman ang gaganda, mukha namang tao na inihampas sa lupa, tss.
"You may now enter sir." sabi ni prof. Tss. Dean ba ang lilipat dito para tawagin pa niyang sir—Siya?! Siya yung lalaking sinipa ko sa ano niya.
Hays, gulo na naman.
"You may now sit sir" Magalang na sabi nung prof saka yumuko.
"kyaaaahhh!! si PRINCE Killian!!"
"oh my god! Oh my god!"
"Lumipat siya para sakin!"
Nakakainis, Nag sisigawan naman sila, Sobra pa sila sa taga bundok eh nu? Tss.
tinulak nung leader ng mean girls ang katabi niya sa upuan.
"Prince Killian, Upo ke dete eh hihihi" Pabebe pa ni Rhea, Tss. f**k, nakakatangina yung boses.
Inirapan naman siya nung killian which is si manyak. bakla ata to eh.
Tumingin siya sakin, May dalawang Bakante na upuan sa tabi ko.
Don't tell me—
umupo nga siya sa tabi ko. Lagot. napa face palm nalang ako.
"Be ready for my revenge"bulong niya sakin.
Bumulong naman ako sa kanya.
"I'm always ready" Sabi ko pa, Inirapan niya naman ako.
"Lalaking bakla" Sabi ko, di naman narinig yung last ko na sinabi tss.
Dumating naman si rando at pagpasok niya palang ay nagkasalubong na ang mata namin.
Tinignan niya ako ng masama, Naalala ko naman yung tinapunan ko siya ng iced tea—OOPS!
Napangisi nalang ako sa kanya, Nagsitilian naman ulit ang mga babae "s**t!" rinig ko na sabi ni Killian. siguro rinding rindi rin ito sa mga babaeng nagsisigawan.
Nagulat nalang ako ng may umupo sa right side ko. Dahan dahan kong tinignan at---Aish Nakaka inis naman oh! Napa facepalm nalang ulit ako.
Gulo. Gulo. Gulo.
Layuan mo'ko please.
—
Bwiset na dalawang lalaking to, Which is si Killian at bwiset na rando na to. yeah, Si rando ang lalaking umupo sa right side ko at si killian naman sa left side ko. Ang sasama ng tingin sakin ng mga babae.
"Lagot ka sakin" sabi pa ni Rand.
"You think I'm scared? Tss." Pangungutya ko.
*Riiinnnggg!*
Nag bell na as a sign na lunch break na namin. 'Di ko man lang napansin na time na dahil sa dalawang kupal na to. Aalis na ako nang hinablot ni Killian ang kamay ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"Where do you think you're going?" Sabi pa niya.
"Tss." Sabi ko pa at tatanggalin sana ang kamay niya na nakahawak sakin pero ang lakas niya bruh.
"We're not yet done" Dagdag pa niya. With his cold voice.
"Hey killian! She's mine" Dagdag ni rand, At kailan pa niya ako naging pagmamay ari?
"She's mine!" Sabi pa ni killian. Habang nag-aaway sila ay umalis na lang ako, Di naman nila ako napansin eh. Puro away tss.
Pupunta muna ako sa cr.
***
Habang naglalakad ako patungo sa CR ay biglang humarang si rhea at ang mga alipores niya. Ano naman to?!
"Hey you b***h!" Sabi pa niya at sabay sampal sakin, Aaminin ko, Di naman masakit eh tss.
"Ano na naman ang pinuputok ng budji mo?!" inis na sabi ko. Sino ba di maiinis? bigla ka na lang sampalin.
"ANG LANDI MO KASI!! NILALANDI MO ANG PRINCE NAMIN?!!" sigaw pa niya at sinampal ulit ako, Ayaw kong lumaban, Hindi dahil sa takot ako, Dahil sa tinatamad lang ako at ayokong magkaroon ng records dito. Bait ko kaya---Just kidding. pero wala talaga akong balak na lumaban dahil tinatamad ako.
Killian's P.O.V
Dahil sa pag aaway namin ni Ranz ay di ko namalayan na wala na dito yung babae.
Nakaka inis talaga ang babaeng yun! Kanina pa nakakatakas. Hinanap ko siya, I think hinahanap rin siya ni ranz, Hindi ko alam tong nararamdaman ko pero siya yung babaeng nakilala ko na kakaiba, Kapag nakikita niya ako ay parang wala lang, Pero yung iba nag titilian. Ibang iba siya sa mga nakilala ko, kaya nagkaroon ang ng interest para sa kanya.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong nagkakagulo kaya lumapit ako dito. "s**t!" Sabi ko na dahilan ng pag alis ng mga tao, Dahil takot sila sakin.
Shane's P.O.V
Pag gising ko ay nasilayan ko ang puting kesame, Nasa clinic ako, Hays! Sino naman ang mga walang kwentang taong nagdala sakin dito? tss. Boring lang naman ako kaya nagpabugbog na lang ako kina rhea eh, Oo ganyan ang ugali ko pag na bo-bored, Paminsan lang naman.
Umalis agad ako pero pinigilan ako ng nurse "Miss di ka pa pwedeng luma--"
"Shut up!" Sabi ko at umalis agad.
***
Agad akong umupo sa upuan ko, Buti nalang at wala dito yung mga gunggong. wala rin ang prof dito. Patungo si rhea sa kinauupuan ko at ang sama ng tingin sakin.
"Buhay ka pa palang impaktita ka!" sigaw niya sakin at sinabunutan ako.
"Sana namatay ka na lang! Para wala na akong kaagaw kay prince ko! Sana sinaksak na lang kita ng napuruhan ka sa ginawa namin sayo kanina!!"Inis na sabi pa niya at nilakasan ang pag hablot sa buhok ko. Nagpabugbog na'ko sa kanila kanina, wag nilang uulitin yun dahil doon na sila magkakamali. Tama na ang isa, wag lang maulit.
"Tapos mo na ba sabihin ang mga walang kwentang lumalabas sa mabahong bunganga mo?" sabi ko at ngumisi.
"Abat--" Sasampalin niya sana ako pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya at sinipa siya sa sikmura.
"Yung kanina? Sinayang mo lang ang oras ko dahil sa mga walang kwentang sampal, sabunot na mahihina na ginawa mo!"Sabi ko pa. Hinablot niya ang kutsilyo at mabilis na tinapon sa pwesto ko.
Mabili ko naman yun sinalo, Bata pa ako ay sinasalo ko na ang mga kutsilyo, dahil yun ang turo sakin ni Thun (Yung taong nagturo sakin na lumaban.)
Pero nagagawa ko naman ng mabuti kaya nasasalo ko ng walang dugo na dumadaloy sa kamay ko. Tinapon ko ang kutsilyo pero sinadya kong di siya tamaan, Tinapon ko to banda sa malapit sa leeg niya. Gulat na gulat naman siya, akala niya mamatay na siya.
"Warning pa yan" Cold kong sabi kaya kinilabutan ang lahat ng studyante sa room. Uupo sana ako ng may nagsalita.
"What the hell is happening here?!" Sigaw ni Killian.
Nagdrama naman si rhea, at umiyak iyak siya. "Huhuhuh, Prince killian, Tinapunan niya ako ng kutsilyo at sinipa niya ako sa tiyan. Huhuhuh Prince its hurt." Sabi niya pa, Tss.
"Is it true Ms. Smather?!" Galit na sabi niya. Tinignan ko lang siya atsaka binalik agad ang tingin ko kay rhea.
"Yes." sabi ko at umupo sa upuan ko. Tinatamad akong mag aral.
Biglang dumating si prof at agad agad silang bumalik sa kinauupuan nila.
"Attention class, Hindi ako nandito para mag lesson, Andito ako para ipa alam sainyo na, All of you are not allowed to go outside of school" Sabi pa ni sir, nagtaas naman ako ng kamay at nagtanong. Duh! Curiousity kills the cat.
"Bakit po bawal sir?"tanong ko pa
"Ang mga gangster dito sa academy ay lalabas mamayang 7:00 pm kaya Bawal lumabas kung ayaw niyong mawakasan ang buhay niyo.That's all, You may now go in your respective dormitory, Class dismissed."