CHAPTER 1:SOUL TO SOUL

4295 Words
•••ANDORA•••(03-06-07) It is almost one month of suffering. From typhoons to drought,real quick. Sa dalawampu't taon ko nang nabubuhay sa mundo at sa lugar na ito,ngayon lang ito nangyari. Maraming pamilya ang naapektuhan. Napakalawak ng Andora,kung tutuusin ay para na itong isang maliit na bansa,maraming nasasakupan at taniman. Medyo may kalayuan kami sa sibilisasyon kung ikukumpara sa ibang mga taga Andora. Nakatira kami malapit sa may bukid,ngunit marami naman ang nakatira dito. Tahimik lang at walang gulo,hindi katulad sa bayan na masyadong nakakahilo ang paligid,puro matataas na gusali gayon din ang mga pabrika na mas nagpapalala sa sitwasyon na aming kinakaharap. There were so many people died due to starvation and calamities that keep on hitting our land. There are times, that a strong and dangerous lighting will strike,and the next thing,there was a person being hitted by it. I don't know if it is the wrath of the nature,or just an unsolved phenomena. But most of the people think that it will pass in time,and it just served a lesson for us to be thrifty and be a good steward of nature. "A lunar eclipse will occur tomorrow night." Kahit malayo kami sa bayan,hindi naman kami nahuhuli pagdating sa teknolohiya. Nang mabasa ko ang isang post tungkol sa lunar eclipse na darating ay bigla akong kinabahan. Baka isa na naman itong tanda,na may mangyayaring trahedya na naman sa aming lugar,na ngayon ay tagtuyot ang nananalasa,kaya mahirap magtanim dahil bitak bitak ang mga lupa sa sobrang init. Sa aking pagdaan sa palengke ay bumili nalang ako ng dalawang mansanas,isa para sa akin at para sa aking Lola. "Magkakaroon daw ng eclipse bukas ng gabi,baka ito na ang tanda na malapit na ang katapusan nang ating pagdurusa sa lahat ng mga kamidad na dumarating." Aniya ng isang bumibili sa tindera. "Baka nga,iyon na ang panimula ng panibagong bukas." Inabot ko sa tindera ang aking bayad at umalis na. Kung ganun ay magkaiba kami ng pananaw tungkol sa darating na eclipse. Napansin ko rin na iyon ang usap usapan sa bawat kalye na aking nadadaanan. Sari saring kuro kuro ang aking narinig,at iisang punto lang ang gusto nitong ipahayag. Ang eclipse ang magsisilbing pag-asa nila para sa panibagong bukas,may iilan ring kapareho nang aking pananaw,na baka ang eclipse ay isang tanda ng panibagong pagdurusa. "Saan ka nanggaling Plum?" Nakasalubong ko ang aming kapitbahay kaya tumigil ako sa paglalakad. "Pumunta po ako sa tabing dagat,at napadaan na rin sa palengke kaya bumili ako ng dalawang mansanas." I answered politely. "Nabalitaan mo ba na magkakaroon daw ng eclipse bukas? Baka iyon na ang tanda nang panibagong bukas para sa ating lugar." Kagaya ng karamihan,ganun din ang pananaw ng aming kapitbahay,ngunit wala namang masama roon. Every person has it's own perspective that is needed to be respected at all cost. All have freedom of speech. "Iyon nga po ang usap usapan,sana nga po ay iyon na ang tanda sa panibagong bukas para sa atin. Marami na ang napinsala at nawalan ng buhay,oras na siguro upang matapos na ang lahat nang paghihirap." Sumang ayon sa kanya ang kanilang kapitbahay,itinuro din nito sa kanya na nasa bakuran nila ang kanyang Lola at may binabasa raw itong aklat. Hindi ko kilala ang aking ama o kahit ang aking ina. Namuhay ako na ang kasama lamang ay ang aking Lola. Tumuloy ako sa aming tahanan at dumiretso sa likod ng bahay kung nasaan naroroon ang aking Lola. Natagpuan ko syang nakaupo sa gilid ng puno,at mukhang may binabasang libro. Malapit nang mag takip-silim,kaya panigurado isang kwento na naman ang binabasa ng aking Lola. Nang maramdaman nya ang aking presensya ay matamis itong ngumiti at pinagpagan ang sapin na nasa tabi nya,inaya nya akong umupo. "Apo,halika dito at umupo." Nagmano muna ako sa kanya bago umupo at linahad ang isang mansanas. "Nabili ko ito Lola sa palengke. Anong kwento ang iyong binabasa Lola?" I take one bite on my apple while taking a peek on what my grandmother is reading. Noon pa man ay mahilig na itong magbasa kaya sa loob ng aming bahay ay may libro kahit saang sulok. She also mentioned that from all of the books we have,there is one book that remains special. Hindi ko alam kung anong aklat iyon,basta espesyal daw ito ngunit hindi namin iyon pagmamay-ari. "Ang aklat na ito ay galing pa sa Nicaragua,matagal na itong nailimbag. Patungkol ito sa kwento ng isang alipin na nagkaroon nang malaking kontribusyon sa kanilang lugar." Tiniklop nya ang aklat at hinarap ako,hinawakan nya ang aking dalawang balikat at matamis na nginitian. "Isang eklipse ang mangyayari bukas ng gabi,yan ang sabi sa akin ni Marta,ang anak nang ating kapitbahay." Kung ganun ay alam na rin ni Lola ang tungkol dito. "Iyon nga po ang usap usapan." Malungkot na ngumiti ang aking Lola na ipinagkataka ko. Maybe we are sharing the same thoughts, and we're afraid for it. "Gusto mo bang makarinig ng isang kwento?" Ito ang kauna unahang beses na tinanong nya iyon sa akin,kadalasan ay inaalok nya sa aking basahin ang mga aklat nang sa ganun ay maintindihan ko ito ng maiigi gamit ang sarili kong pang unawa. "Tungkol po ba yan sa alipin na sinasabi nyo?" Napabuntunghininga hininga si Lola,isang tanda nang pag aalinlangan. "Hindi apo. Makinig ka nang maigi sa sasabihin ko." Nagsisimula nang dumilim at nagsisilabasan na ang mga alitaptap na dumadapo sa puno na nasa aming bakuran. Maririnig na rin ang mga ingay na galing sa mga latang pinupokpok ng mga bata sa may kalsada. Kahit ang aming lugar ay nakakaranas nang kalamidad,patuloy pa rin ang pagiging masasaya ng mga tao,palaging may ngiti sa mga labi,ultimo malalampasan din namin ito. "Noon,isang grupo ng mga kabataang nasa edad disi otso ang nagplanong lakbayin ang bundok Calgary." Ang bundok Calgary ay malapit lang sa amin,ngunit may kataasan ito at masyadong matatayog ang mga puno,ang sabi rin ay maraming mga ligaw na hayop ang naninirahan sa bundok na iyon,at walang sinumang nagtangkang bumalik doon nang ang ibang manlalakbay na nagtangkang akyatin ang bundok ay hindi na nakabalik sa aming lugar. "Ano po ang nangyari sa kanila?" Kung totoo ang mga kuro kuro,baka hindi rin nakabalik ang grupong iyon. "Hindi na sila nakabalik. May nakapagsabi na baka kinain ng mga ligaw na hayop dahil may narinig daw na mga sigaw nang gabing iyon na nanggaling mismo sa bundok. May nakapagsabi rin na baka ay naligaw sa gitna nang kagubatan na naging dahilan kaya hindi sila nakabalik. Naging usap usapan ang pagkawala nang apat na kalalakihan,at kahit gusto man silang hanapin,ay hindi magawa sapagkat lahat ay takot na umakyat sa bundok na iyon,at baka matulad sa apat na lalaki." Tinuro ni Lola ang bundok na aming kaharap,kahit medyo may kadiliman na ay kitang kita pa rin ang usok na pumapalibot sa bundok. Ang lahat nang sinasabi ni Lola ay ngayon ko lang narinig,hindi ko man lang alam na may nangyari palang pagkawala ng apat na lalaki noon. "Baka nga ay naligaw o kaya naman ay kinain na ng mga mababangis na hayop roon Lola." pagsang ayon ko sa ibang kuro kuro,matapos ay kumagat sa mansanas. Umiling si Lola Merced at tumingala sa langit. "Iyon ang pinaniwalaan ng karamihan. Nang kalaunan ay kinalimutan na iyon,at hindi na muling inungkat. Marami ang nabuhay sa maling paniniwala. Anim na tao lang ang nakakaalam sa katotohanan." Kung ganun,maling impormasyon ang ipinalaganap noon,at nabuhay ang mga taong iyon na mali ang pinaniniwalaan. Sa anim na taong iyon,ibig sabihin isa si Lola sa mga taong nakakaalam nang totoo? "Isa ka ba sa anim,Lola?" "Matalino ka apo. Isa nga ako sa anim na iyon." Mas lalong namuo ang interes ko sa kanyang kinikwento. May dumapong alitaptap sa aking kamay kaya kinulong ko ito sa aking mga palad. "Nang gabing iyon ay may isang kaganapan,halos lahat ng tao ay nasa labas ng kani kanilang mga bahay,isang masayang gabi para sa karamihan." Pinakawalan ko ang alitaptap at kumagat sa aking mansanas. "May palabas po ba sa plaza? O kaya ay may fiesta?" "Hindi apo. Eklipse. Isang eklipse ang nangyari noon na inabangan nang halos lahat ng tao. Isa sa mga apat na lalaki ay may nakitang lumang aklat sa isang yungib na may kalayuan sa atin. Ito ay patungkol sa bundok Calgary. Ngunit isang kasinungalingan lamang iyon,dahil ang totoo,ninakaw ng lalaking iyon ang aklat sa kanyang ina at sinabi lamang na sa yungib iyon nanggaling." Base sa kwento ni Lola, may pagka matigas ang ulo nang lalaking iyon. "Kung ganun po,anong kaugnayan ng aklat sa nangyari." "Nasusulat sa aklat ang patungkol sa sikreto ng bundok. Ang mansyon Akimira,lumilitaw lamang ito kapag may eklipse. Ito ang daan patungo sa ibang dimensyon. At upang malaman kung totoo nga ang nakasulat,inakyat ng apat ang bundok,dala ang dalawang mahalagang bagay na magtuturo sa kinaroroonan ng mansyon Akimira." Ang sabi ni Lola ay hindi na nakabalik ang apat,kung ganun bakit nya alam ang tungkol sa aklat,ang tungkol sa Akimira kung hindi nya nakausap ang isa sa apat,at sino ang isa pang nakakaalam kung ganun? Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan na alam kung masasagot rin. Umalis sa pagkakaupo si Lola at kinuha ang sapin na kanyang inupuan. Linapag nya sa lupa ang aklat at pinatong ang mansanas. Gamit ang kanyang mga kamay ay marahan nyang hinukay ang gilid ng puno. "Ano ang ginagawa mo Lola,anong meron dyan?" Kunot-noong tanong ko at hinintay ang susunod na gagawin. Gayon na lamang ang gulat ko ng mapansin kung hindi na lupa ang aking nakikita na kanina ay hinuhukay ni Lola Merced. Napalitan ito ng isang telang pula. "Matagal na itong nakalibing dito,at ito na ang tamang oras para itama ang pagkakamaling naganap." Isa pala itong kahon. Binuksan ito ni Lola,ang mga alitaptap ay nagsilapitan at nagsimulang lumipad nang pabilog. It is another unsolved phenomena for me. Seeing firefly flying and forming a circle makes me wonder that these creatures also knew what happened back then, and they were happy that it will soon end. "Ang metronome at ang compass,at ang sagradong aklat,na noon ay sinasabi kong espesyal hanggang ngayon." "Kung ganun ay nakabalik ang apat na lalaki? Paanong napunta yan sayo Lola?" Sa ikalawang pagkakataon ay umiling si Lola. "Matapos ang nangyaring pagkawala,umakyat kami sa bundok para hanapin sila. Hindi namin nahanap ang mansyon, ngunit nakita namin ang tatlong bagay na ito sa daan." "Sino ang kasama mo Lola?" Ngumiti lang ito at hindi ako sinagot, sa halip ay linahad nya sa akin ang metronome at ang compass. Bakit nya ibinibigay sa akin ito. "Paano kayo nakabalik? At ano ang nangyari sa apat?" "Nakapasok sila sa mansyon at nakabalik sa mundo natin,dala ang tatlong bagay na ito na naiwan,sapagkat nakagawa sila ng kasalanan. Ninakaw nila ang isa sa mga sagradong aklat ng mundong kanilang pinasukan. Ang mga sigaw na narinig ng ibang tao ay nanggaling nga sa kanila,sapagkat sila ay hinila pabalik sa mundong iyon." "Paano nyo nalaman ang lahat ng iyon Lola? Wala namang CCTV doon para irewind ang nangyari?" Naguguluhan pa rin ako. Papaano at bakit? "Nakabalik kami gamit ang compass at metronome,ito ang nagturo sa amin ng daan pabalik. Samantala, ang sagradong aklat ay maibabalik lamang nang isang taong may koneksyon sa nagnakaw nito. Nang mga panahong iyon,nagdadalang tao pala ang aking kasama, at ang ama ng bata ay ang nagnakaw ng libro." Parang nakasulat na ang nangyari sa kanila. Nakaplano ang bawat pangyayari,at kahit anong iwas,ay mangyayari pa rin ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may ibang mundo,na may mansyon sa bundok Calgary. Na may nangyaring misteryoso noon. Ang sabi ni Lola,ninakaw ng lalaki ang aklat patungkol sa bundok Calgary sa kanyang ina,kung ganun may alam rin ang ina nito sa bundok Calgary at si Lola,alam nya ang sekretong iyon,isa rin sya sa anim na nakakaalam,isa rin sya sa umakyat sa bundok kasama ng kasintahan ng lalaki. Kung ganun.. Baka tama nga ang hinala ko. "Nanahimik kami at kinalimutan nalang ang nangyari. Nanganak si Ferry,ang kasintahan ng lalaki, at dahil mahilig sa nakakaakit na bulaklak ang ama ng bata,ang pinangalan sa kanya ay-" "Plum. Tama po ba ako? Si Ferry ang siyang ina ko at ang nagnakaw ng aklat ay sya namang ama ko na anak nyo. Tama po ba ang hinala ko,Lola?" "Matalino ka. Tama ang lahat ng iyong sinabi. Ang iyong ina ay namatay noong panahong nabuhay ka rin sa mundong ito. At ang iyong ama,ang aking anak,wala nang balita sa kanila. " "Dahil sa ginawa ng iyong ama,ay nangyayari ito sa atin ngayon. Kailangang maibalik ang aklat na ito ,apo ko." I'm in between of being shock and surprise, but it shares the same meaning. Linahad ni Lola Merced sa akin ang aklat,sa nanginginig na kamay ay tinanggap ko ito. Hindi ko alam na may ganuon pala ang nangyari sa aking ama,ngunit kahit may nagawa syang kasalanan, hindi ko magawang magalit sa kanya. Dahil alam kong may dahilan kung bakit nangyari iyon. "Ikaw ang may malakas na koneksyon sa iyong ama,ang dugo nya at ang dugo mo ay iisa. Marami nang dugo ang dumaloy sa kalupaan,at isang buwan na itong nangyayari,tanda na kailangan nang maibalik ang aklat sa lugar kung saan ito nararapat." Nabuhay akong ang sa isip lang ay magkaroon ng magandang buhay,matupad ang aking mga pangarap at makatulong sa aking kapwa. Ngunit hindi ko inakala na may mas mabigat na responsiblidad ang nakaatang sa aking mga balikat. "Ano po ang kailangan kong gagawin?" "Alam kong may butihin kang puso Plum. Lumakbay ka ngayong gabi,kailangan mong mahanap ang mansyon bukas ng gabi bago maglaho ang eklipse. Kailangan mong maibalik ito hanggat hindi nawawala ang eklipse sa ating mundo,sapagkat kapag hindi mo ito naibalik sa kaukulang oras,maghihintay ka nang panibagong eklipse,ngunit mahirap nang matukoy iyon,sapagkat ibang mundo na ang iyong tinatapakan." Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring tumango. "Huwag mong hayaan na ang tadhana ang kumontrol sa iyo,dahil ikaw mismo, ikaw mismo ang guguhit ng iyong sariling tadhana. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik apo." Napahawak ako nang mahigpit sa aklat matapos ay yinakap si Lola. Hindi ko alam kung anong klaseng mundo ba ang papasukan ko,ang tanging alam ko lang ay maibalik ang aklat sa kinalalagyan nito. Masyadong mabilis man ang pangyayari,ngunit handa akong harapin ang lahat,maiayos lang ang sitwasyon. "Alam kong marami kang katanungan sa iyong isip,hayaan mo at sasabihin ko iyon sa iyo kapag nakabalik ka na. Hindi ka maaaring lumampas sa oras." It was so fast,yet I decided quickly. All was settled from the very beginning, and here I am being ready to take another opportunity. Lola Merced,knew all about it from the very start,I was born to make things right. She packed everything that is needed for me to survived in the battle that I don't have a clue if I will win or lost,all I can think is to came back,because someone is waiting for me. Pagkain,tubig,flashlight at iba pa. Yun ang laman ng aking backpack. Malapit lang ang paanan ng bundok Calgary. Ang sagradong aklat ay nakabalot sa pulang tela at nakasabit banda sa aking dibdib. Sa kanang kamay ay hawak ko ang metronome at ang compass,sa kabila naman ay hawak ko ang flashlight na magsisilbing ilaw sa aking daraanan. Inaamin kong matatakutin akong tao,gusto kong may kasama palagi kapag naglalakad kung gabi. Sweats are already forming on my forehead, my knees are trembling because of fear. Lately I was too brave to do my mission without thinking that I will face my greatest fear. I hate to be alone in times like this. "Kaya mo yan apo. Para sa ikabubuti nang lahat. Mahal kita,hihintayin ko ang iyong pagbabalik." What my grandmother said flashback in my mind. I got teary eyed with the thought I'll be going somewhere far away without her. She's the only family I have,so I must succeed. "Plum,you're brave right? You can do it! Trust yourself." I cheer up myself and let the metronome start ticking, and I find it kinda creepy,plus the glommy sorrounding and the sound of different creatures inside the mountain. I guess,I will be a dead meat before I can reach the mansion Akimira. My grandmother said that with the help of those two things, I can find where the Mansion is located,if I lost one,then it will be a hell for me. I will be forever lost. Sa nanginginig na mga paa ay nagawa kong humakbang. Siguro isa sa gusto nitong iparating sa akin ay ang maging matapang. Kailangan kong harapin ang anumang takot na namumuo sa aking dibdib. Kailangang mawaksi ko iyon. Panay ang lingon ko at tingin sa paligid dahil sa mga kaluskos na aking naririnig, may mga huning kakaiba at dumagdag pa ang tunog ng metronome. Nakakakilabot. Inilawan ko ang compass at nakita kong nag iba ito nang direksyon,kung kanina ay patungong silangan, kanluran naman ngayon kaya wala akong nagawa kundi ay sumunod. Sumiksik ako sa mga naglalakihang mga puno at mas lalong bumibilis ang t***k ng aking puso sanhi nang pagkatakot. "I can do this. You can do this Plum." I whisper to myself . Kinalma ko ang aking sarili bago pinakasya ang sarili sa dalawang sanga na nakaharang sa aking daraanan. "Jusko po." Mas lalo akong natakot ng may marinig na kakaibang tunog,malapit lang iyon sa akin. I stop from walking. Pinakiramdaman ko ang paligid,ngunit nawala na ang tunog. Tama ba talaga ang desisyon ko na pumunta na mag isa dito? Or is it okay if I will continue tomorrow morning. I can't bear with this. Maliliit na hakbang ang aking ginawa at sinusundan pa rin ang itinuturo ng kumpas,napatingin ako sa aking kanan,nang may lumagaslas sa kakahuyan. Mas lalong binilisan ko ang aking paglakad na gumagawa nang tunog dahil mga tuyong dahon ang aking natatapakan,mabuti na lang at medyo patag ang aking tinatapakan,at baka kanina pa ako nahulog pababa dahil sa takot. I don't know if it was really meant to tease me like this. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad nang biglang may lumambitin sa sangang aking daraanan. "Aahhhhh!" Napasigaw ako at nabitawan ko ang aking flashlight. Isang gorilla ang aking nakita,nakakatakot ang mukha nito. Sa takot ay napatakbo ako pabalik kahit walang flashlight na dala,naramdaman ko rin ang pagsunod nito sa akin,ilang beses na rin akong natama sa mga sanga at puno,ngunit mahigpit pa rin ang aking hawak sa metronome at compass na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisira kahit mabangga ako sa kung ano man. "Lord help me." Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako,mas lumalapit ang tunog at mas dumadami ito. Kahit saan ay may naririnig ako,at hindi ko na alam. I don't know where am I,all I can think right now is to run. "Hihintayin kita apo ko." Bigla kong narinig muli ang sinabi ni Lola. Mas lalong tumulo ang aking mga luha. I don't know if I can be able to come back,with my state right now. I can't see in the dark, I was hopeless. Nasapo ko ang aking noo nang tumama ito sa maliit na sanga,malapit na malapit na ang tunog nang mga naaapakang tuyong dahon,may naririnig rin akong humahalakhak sa aking tenga. Sa sobrang takot ay nagkamali ako ng hakbang at ang tanging alam ko lang sa mga sandaling iyon ay ako'y nahuhulog matapos ay tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay. Nagising ako na masakit ang katawan lalong lalo na ang aking ulo. The sun rays hit my face and there,I found myself lying on the wild grass with my bag on my side. Thankfully, the book is still tied on me at nasa tabi ko rin ang metronome at compass,hindi pa rin ito sira. My head has been hitted on the stone,making me lose my consciousness. And I don't know where I am. Binuksan ko ang aking bag para uminom ng tubig,at kumain ng biskwit. I was in the middle of eating when I remember the reason why I'm here. Namutawi ang kaba sa aking mga dibdib. Hinanap ko ang aking cellphone para alamin ang oras. "s**t!" It was already 4:00 in the afternoon, and still I didn't find the mansion. I hurriedly pack up my things again at pick up the metronome and compass. Hahakbang na sana ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hinabol ako ng isang gorilla,ang mga tawang narinig ko. Bigla akong kinilabutan at natakot. "May sinag pa ng araw. Kaya mo yan." The metronome started ticking and the compass started to tell me the direction. So that's how it goes. If there's no metronome, the compass will not also run. They are in pair,so if I lost one,it will be useless. Nagulat ako ng biglang may tumama sa aking likuran. I gulp before turning my back to see what it is,and I found a shining big deer, and it's dearly looking at me,it was its horn that puke me in my back. I used to be afraid,but this one is an exception. But I have no time for that. I should keep going. Tumalikod ito sa akin at biglang umupo at bahagyang lumingon at tumango. "Sasakay ako?" Then it nod like it understand me. Gusto kong mahanap nang maaga ang kinaroroonan ng mansyon,kaya kailangan ko itong gawin. Sumakay nga ako sa likod nito,dala ang aking mga gamit. Nagulat ako na alam nya ang daan na tinutukoy ng compass. Sa daan ay may nakita akong kwago na panay tago sa puno,marami rin ang mga ibon. Ibang iba sa gabi na halos puro mababangis na hayop ang nasa paligid. May nakita rin akong lumalambitin na monkey at napayuko ako nang dumaan ito banda sa aking ulo,natawa ako ng binigyan ako nito ng saging. Tinanggap ko naman at kinain. Bahagyang lumingon sa akin ang usa,para bang masaya ito sa kanyang ginagawa. "Thank you." I mouthed. I don't know when will I reach where the mansion is now who is the deer that is helping me. All I want right now is to finish everything before it turns out into nothing. One thing that I've learned in my journey is to be brave enough to overcome my fear and it was like,I'm near to that conclusion. We've cross in a tiny-like brook. And I didn't expect that. Tumigil ang usa nang makatawid na kami. Bumaba ako para maghilamos at lagyan ng tubig ang aking lalagyan. May narinig akong parang ungol ng isang hayop kaya dali dali akong sumakay muli sa likod ng usa. Kagaya pa rin ng una,alam nito kung saan kami patungo. At nagpapasalamat ako dahil tinutulungan nya ako. Napapikit ako nang biglang umungol ulit ang naturang hayop,at mukhang doon kami patungo. Malapit nang gumabi,malapit nang maganap ang eklipse. Malapit na. Nagsiliparan ang mga ibon na aming nadadaanan. "Oh Lord, help me with this one." I whisper when we reach where the howling sound came from. It was a giant- I don't know what it is. Basta malaki at nakaharang ito sa daan. "Please don't hurt us." Sigaw ko kahit alam kong hindi naman ako nito maiintindihan. Umungol ito ulit,dahilan nang pagliparan ng mga tuyong dahon sa aking mukha,napalunok ako nang makita ang matutulis nitong ngipin. Ang mga kumukinang na lumilipad sa paligid ng usa ay biglang kumumpol sa isang tabi at parang may binubuong mensahe, duon din nakatuon ang atensyon ng higanteng whatsoever. Nang matapos ay tumalikod ito sa amin at nagsimulang maglakad na gumagawa ng kunting paggalaw sa lupa dahil sa mga yapak nito at napansin kong sinusundan namin sya. "Mamamatay na ba ako?" May pumatong sa aking balikat na isang ibon. "Wag ka dito,mamamatay ka." Parang tanga na ako. Bunga siguro ng sobrang takot at kabang aking nararamdaman. Then..suddenly the metronome stop ticking that makes my heart thumps. Lola Merced said there's only one way to find out if I already reach the location of the mansion Akimira,it's if the metronome stop ticking,and it already happened now. To my surprise, the giant whatsoever stop likewise the deer. The bird flew away,and I can hear the sounds of waters. The wind felt so cold when it touches my skin. Hindi ko makita ang aking nasa harapan sapagkat natatabunan ito ng magagabong na dahon. "Salamat. Salamat." Bumaba ako at nagpasalamat sa usa, napalingon sa akin ang higante. Nahihiya akong ngumite. Never judge a book by it's cover. At first I thought it will going to hurt me,but I was wrong. I judge him by its look. A coin has two sides likewise the personality of a person. Someone may appear superior than us,but trust me,not all are bad. Just like the giant whatsoever infront of me. "Thank you." I mouthed and I step forward to clear the view. Rinig na rinig ko ang rumaragasang tubig. "Woahhh!" Muntikan na akong mahulog. There's a waterfall. And I'm standing just so near with the edge of the mountain. "Tama ba talaga ang napuntahan ko o may sira lang ang metronome at compass?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD