Lauren’s POV “Teka nga Julian, bumitaw ka nga muna! Ang clingy mo ngayon ah!” Napalakas ang boses ko nang sinabi iyon kay bakla sabay tulak sa kanya. Kanina pa kasi yakap ng yakap sa akin e. Nakakainis na. Slight. Kaya lang ay hindi talaga bumitaw ang bakla at sa halip ay ngumisi lamang ito. “Ano ba gags, eh sa masaya lang ako ngayon e.” Sabi niya sabay yakap na naman sa akin. We’re currently eating in the cafeteria. Lunch time kasi at tinamad kaming lumabas ng school para kumain sa favorite food chain namin. We love food chains more than fancy restaurants. That’s why every lunch time, doon kami kumakain. But this time, hindi na muna kami lalabas. Nakakapagod e. “Gags! Nakakaimbyerna ka na! Bakit ba ang clingy mo ngayon?” Inis na saad ko sa kanya. Kanina pa talaga ‘to. Parang siyan

