Chapter Four: #OpenNotes

1237 Words
Lauren’s POV "Good evening, ma'am." Bati sa akin ni Yaya Ferlise nang buksan niya ang aming pinto. "Good evening rin po." Ngumiti ako sa kanya tsaka luminga-linga sa paligid. "Si mommy po?" Tanong ko nang hindi ko siya makita. Though, medyo sanay na akong hindi siya dumarating ng ganito ka aga. It's still 7 o'clock and she usually comes home by 9pm or even up to 11pm. But still, palagi ko pa ring chini-check kung umuwi na ba siya during this time. Well, I kind of... miss her. Ugh. Stop it, Lauren. Marami nang nagbago, please. Grow up. And accept the fact that there are things that you can't change. "Hindi pa po umuuwi ma'am e." As usual. Ano pa nga bang ini-expect ko? Tumango na lamang ako at diretsong umakyat sa aking kwarto. Nag-half bath muna ako tapos ay nagpalit ng aking damit at pagkaraa'y humiga na ako sa aking kama. I am a bit tired of the things I've done today. Napangiti ako sa ginawa ko kay Seth kanina. Sa totoo lang kahit alam kong hindi niya iyon seseryosohin ay may balak pa rin akong ulitin yon kahit suplado siya at hindi siya namamansin sa akin. Choosy pa kasi e. Haha. I stood up once again and went to the drawer to get my iPad. Pagkatapos ay humiga ulit ako sa aking kama. Inayos ko muna ang aking unan at kumuha ng isa pang unan para sandalan ng paa ko. Now, I am comfortable with my position so let the stalking, begin. Inopen ko ang aking f******k at agad nag-type ng pangalan. Shiloh Seth Montreal... Then there were two results found. One is Seth Montreal and the other one is Shiloh Seth. Iyong Shiloh Seth ay mukhang outdated. It's profile picture is a pure black photo. So I guess, ang ginagamit niya ngayon ay iyong Seth Montreal. Ang profile picture nito ay talagang si Seth at mayroong dog siyang hinihimas. So I guess, he loves dogs, huh? I clicked his name and pressed the "Add Friend" button. Wala ng paligoy-ligoy ito, no. Like I said, I'll get Seth. Not now, but maybe later. ? Tiningnan ko ang timeline niya at nakita kong private ito. My ghad. But nakita ko na mayroon siyang more than 30,000 f******k followers. Like what? Ang dami naman ata nun. Nagtaka tuloy ako kung bakit na-Add ko pa siya kahit marami na siyang followers. Ah, it must be fate. Napangisi ako. Yeah, right. But still, his account is private! Halos wala nga akong makita posts. Malamang, wala talaga. Private e. Psh Okay, maghihintay na lang akong i-accept niya ako. God, ni-minsan hindi ko ito nagawa! Never did I wait for something. Usually, boys add me and not the other way around! But to hell with this professor, pinagtyatyagaan kong maghintay na i-accept niya ang aking friend request. Silly. Patuloy lang ako sa pagscroll sa aking news feed hanggang sa makatulog na ako kahihintay. Kinabukasan maaga akong pumunta sa school. Pagdaan ko sa hallway, wala pa masyadong tao at kung mayroon man, di makapaniwala nila akong tinitingnan na para bang mayroon akong milagrong ginawa. What's with Lauren Imperial being this early? TSS. Habang naglalakad ako, nakita ko sa may faculty room si Seth. Parang mayroon siyang kinuha roon at lumabas na siya. Napatingin siya sa gawi ko ng isang beses. Nagkatinginan kami. I smiled widely at him but then he just took a quick glance at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad bitbit ang mga gamit niya, not minding my presence. His face remained still. Grabe ka, Seth! Talagang ipinapahiya mo ako mismo sa sarili ko! I scoffed. Nah, I'll get you anyway. ✴ ✴ ✴ When my 5:00pm class came, nagmadali ako papasok sa room. Argh, never mind that this is the subject I hate the most. "Bagong buhay, ah. Baby girl?" Gray smiled and pulled a chair for me. I rolled my eyes at him. "Nandito na ba si Juliana?" Tanong ko matapos maupo. I made it sure that I reserved a seat for him beside me. Hinalughog ko ang bag ni Gray at hinanap ang notebook niya sa Calculus upang kumopya ng mga na-miss ko. Napailing nalang siya sa ginawa ko. On the second thought, talagang ginagawa ko ito? God. "Sinong Juliana?" He curiously asked. Muntik na akong mapatampal sa aking noo. I forgot. Stupid me. "Oh, I mean si Julian. Si Julian." Baklang 'yon. "Oo, andito na iyon kanina lumabas lang." He said. Napatitig siya sa akin sandali habang ako naman ay inaabala ang sarili sa pagsusulat. "Gumaganda ka, Lauren." Gray said while I busied myself writing these notes. Kahit babaero itong lalaking to, seryoso naman to sa pag-aaral. Napailing na lang ako. "Maliit na bagay." Usal ko. Ang dami naman nitong susulatin ko! Aabsent absent pa kasi e. Tapos ngayon, magrereklamo. Hays. Siguro dadalhin ko na lang ito sa bahay mamaya. "May bago ka?" He asked again, feeling hopeful. I almost laughed with what he said. Kailan nga ba kami naging mag-fling? Last year ata yun. Now, what does he expect? "Wala." Totoo, wala naman akong boyfriend but I have flings. Nothing serious though. Well... "You've got to be kidding me." He unbelievably said and chuckled lowly. Tumawa lamang ako sa kanya and didn't respond to what he said. I want him to think what he wants to think. We were both smiling knowingly at each other nang dumating si Seth. His eyes immediately darted at us. His stare is cold na halos manlamig ako. Nawala ang ngiti sa aking labi. Then his eyes casted to what I am writing. Then to the notebook next to it. "Copying notes, Miss Imperial?" Nakakunot noong sabi niya as if what I am doing is wrong. From what I've known, copying notes is just alright if ever you missed some lessons! Now why does his voice tell me that this is wrong? "Yes, why?" Tanong ko pabalik. Umigting ang bagang niya sa tanong ko. He might think that I don't have the right to ask him this dahil sa absences ko but nah, I have the right. Wala namang mali sa ginagawa ko eh. "Don't you think na inaabala mo si Mr. Fajardo sa ginagawa mo?" Natahimik ang classmates ko at matamang nakinig sa usapan namin. Nagulat ako sa kanyang tanong. God, seriously! Inaabala? Seriously? Napatingin ako kay Gray and asked him to answer it. "Uh, actually it's not much of a burden-" But Seth cut him off. "Enough. Now let's have an open note review quiz." His voice was stern and full of authority na para bang wala nang makapagpapabago sa desisyon niya. What?! Review quiz?! Magkakaroon siya ng quiz tungkol sa mga diniscuss ni Ma'am Therese! Absent ako nun! My classmates groaned but they just accepted it. At least, open notes ito. I sighed. Salamat naman! May awa naman pala itong lalaking ito. Tsaka naman dumating si Juliana, lalaking-lalaki ang tindig niya. Nanlaki agad ang mga mata niya pagkakita sa akin ngunit nang napatingin siya sa seryosong mukha ni Seth ay tahimik siyang naupo sa tabi ko. "Bakla, may review quiz tayo. Pahiram notebook mo." Bulong ko sa kanya. "What? Grabe naman! Quiz agad?" He quickly took his notebook when we heard Seth say something. "By the way, since I allowed you to open your notebooks, sharing of notes is strictly not allowed." Seryosong sabi ni Seth habang nakahalukipkip na nakatingin sa aming lahat. Tapos ay napatingin siya sa gawi ko at umiling. My jaw dropped at what he said. F uck, ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD