Prologue

1823 Words
Its already 10 in the evening, so, we decided to go home. Nagpa alam kami sa parents namin na uuuwi na kami. Thankfully, they let us. Lumabas na kami at naglakad sa kung saan naka park ang kotse nya. Nakahawak parin sya sa beywang ko hanggang sa makalapit kami sa kotse nya, pinagbuksan pa nya ako ng pinto. "Thank you" Pero hindi nya ako pinansin, palibhasa ay nakatalikod sya mula sa mga magulang namin kaya ganyan sya. At kung kami lang dalawa ay baka iniwan na nya ako. Buti nalang at kasama namin ang parents namin. As soon as I enter the car, I rested my head on the backrest of the seat and closed my eyes. Ramdam ko ang pagod ko. I heard the opening and closing of the other door, a sign that he entered the car. He started the engine and we drove away. We're in the middle of the road when his phone rang. Akma ko itong titignan nang kinuha nya kaya hindi ko nakita kung sino ang tumawag. "Yes?" Seryosong sambit nya hindi ko marinig ang sinasabi ng kabilang linya. kumunot ang noo nito at itinigil ang sasakyan bago ibinaba ang tawag. "Baba" Malamig na utos nya na ikinakaba ko. "huh?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ako ba ang pinagsabihan nya non? Lumingon sya sa akin. "Get out of the car" He repaeted. I gulped, seryuso ba sya? ibaba ba nya ako dito? Tumingin ako sa labas, puro puno ang nakapaligid at madilim din, mayroon namang mga street lights pero magkakalayo ang mga ito. "D-dito? Are you serious?" Bakas sa boses ko ang kaba at takot. "Do you think I'm joking?" Pabalik na tanong nito imbes na sagutin ako "P-pwede naman ihatid mo muna ako sa bahay bago ka pumunta sa pupuntahan mo" Pangungumbinsi ko pa dahil hindi ko alam kung paano ako uuwi kung sakali. Hindi ko pwedeng tawagan sila mama hindi nila pwedeng malaman ito. Hindi rin pwede sa mga kaibigan ko magagalit sila sa asawa ko. At hindi ko gugustuhin iyon.... "Im in a hurry, now. Get out of the car." Matigas na sabi nya. Hindi ako makapaniwala ng tumingin sa kanya "San ako sasakay? Ihatid mo muna ako sa bahay" Pamimilit ko " Magtaxi ka. Bahala ka I need to go" Gusto talaga nyang umalis at iwan ako dito mag isa? I can't believe him! "But I have trauma in taxi!" Mariin akong pumikit. Nagbabaka sakali na maawa sya sakin at ihatid muna ako sa bahay pero nanlumo ako sa sinagot nya. "Hindi sila pare pareho. Luna." Huminga ako ng malalim bago sumuko, binuksan ko ang pinto at lumabas habang nangingilid ang mga luha. "Stay there and wait for a taxi. Bye" Bago nya pinaharurut ang kotse nya. I feel bad for myself...... Hindi ko lubos maisip na kaya nya akong iwan dito mag isa. Paano kapag napahamak ako dito? Hindi ba nya naisip yon? Nakaramdam ako ng sakit. Sabagay, he doesn't care about me. Nakaramdam ako ng takot. Nagawa ko pang magdasal na may mabuting tao ang makakita saaki dito. Nagpalinga linga ako. Walang kahit na anong sasakyan ang dumadaan. Sinuot ko ang coat ni Zeke at niyakap ang sarili dahil malamig dito buti nalang at kinuha ko ang coat nya dahil kung hindi ay baka maging yelo na ako. Takot na takot ako ngayon. Ang isipin palang na papasok ako sa loob ng taxi ay parang hindi ko kaya. Naglalakad ako kahit hindi ko alam kung saan papunta ang kalsadang sinusundan ko. Halo sampung minuto na akong naglalakad pero walang sasakyan ibig sabihin ay ako lang magisa sa gitna ng daan sa oras na ito. Takot na takot ako. Paano kung may bigla nalang nang hila sa akin? Pano kung may multo? Paano kung lumala ang trauma ko? Hindi ko na napigilan ang luha ko, habang humahakbang ako ay sya ring pag agos ng mga luha ko. Halos hindi ko na makita ang daan dahil malabo ang paningin ko dulot ng mga luha. "Why are so heartless when it comes to me?" Bulong ko habang lumuluha, napa upo ako sa kalsada dahil sa panghihina. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Iniwan nya akong mag isa sa lugar na hindi ko alam. He left me in the middle of the road without thinking of my safety. Wala syang puso........ Gaano ba ka importante ang pupuntahan nyang iyon at kailangang nandoon sya kaagad? Pagkatapos kung umiyak ay inayos ko ang aking mukha. I need to be brave. "I can do this!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Tumayo ako at pinagpagan ang ang suot. Saktong may natanaw akong paparating kaya iwinagayway ko ang kamay ko para iparating na may tao. Huminto ito sa harap ko. It's a taxi! Nakaramdam ako ng matinding kaba. Pumikit ako, I encourage myself through my mind and breath deeply. "San ka miss?" Tanong nito, yumuko ito ng kunti upang nakasilip sa bintana kaya nakita ko ang mukha nito. Nasa mid 40 na. Sinabi ko kung saan ako bababa. "Haven Subdivision po" tumango ito pinapasok nya ako. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang binuksan ang pinto ng taxi. Pag ka upo ko palang ay binuksan ko agad ang cellphone ko at gumamit ako ng map sa phone ko para itrace kung saan kami dumadaan. May takot parin sa dibdib ko. Tama naman ang tinatahak namin, habang nasa byahe ay naka tutuk talaga ako sa phone ko. Isang maling liko lang ng taxi ay tatalon na talaga ako hanggang sa mahuhuli ko itong nakatingin sa akin at hindi ko gusto ang ipinupukol nitong tingin. Ang kabang naramdaman ko kanina ay lalong tumindi. Tumingin ako sa labas ng bintana at pamilyar na sa akin ang lugar malapit na ito sa subdivision. Liliko na sana papunta sa subdivision namin ng inihinto nya ang taxi. Binalot na ako ng takot at napamura ako sa utak ko. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko. I knew this scene.. Gusto ko nang maiyak. Lumingon ang driver na may kakaibang tingin na naging dahilan ng pagka pigil ko ng aking paghinga. "Sandali lang miss ha may kukunin lang ako" Napalunok ako sa takot. Hindi ako sumagot nakatingin lang ako sakanya. Lumabas ito mula sa drivers seat. Pinanood ko ang bawat kilos nya, akma na nyang bubuksan ang kabilang pinto ng backseat ng bigla kung binuksan ang katapat kong pinto saka dali daling lumabas at tumakbo kaya hinabol nya ako. Binalot ako ng matinding takot "Bumalik ka dito!" Sigaw nya Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi ko na sya nilingon pa hanggang sa sumakit ang paa ko, huminto ako, nanginginig man ang mga kamay dahil sa takot ay tinanggal ko ang lock ng sandals ko. Ramdam ko ang malalakas at mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Nang sa wakas ay nagtagumpay akong tanggalin yon. Pero pag angat ko ng katawan ko ay, naramdaman ko ang kamay na mahigpit na humawak sa buhok ko. "Ahhhhhhhhhh" Napasigaw ako sa sakit at takot. No plsss! H-help me. Naabutan nya ako! "Akala mo makakatakas ka" Hinila nya ang buhok ko, humawak ako sa kamay nyang nakahawak sa buhok ko upang makakuha ng supurta dahil parang mahihiwalay na ang buhok ko sa anit ko sa sobrang sakit. "Bitawan mo ako! Tulong!" Sigaw ko habang nag pupumiglas. Ngunit nginisihan nya lang ako. "Titikman muna kita bago ka makauwi" May panunuya sa kanyang boses. Fear is eating me. "Maawa ka sakin pakawalan mo na ako" Naiiyak na pagmamaka awa ko pero hindi ito nakinig, patuloy lang ito sa paglalakad at nagawa nya akong kaladkarin sa madilim na parte ng kalsada. Akmang ihihiga na nya ako pero ginamit ko ang buong lakas ko at ihinampas ko sa kanyang ulo ang heel ng sandal na hawak ko. Matulis itin kaya napasigaw ito sa sakit dahilan upang mabitawan nya ako. "Ahhh! Punyeta kang babae ka!" Sigaw nito. Dahil sa takot ay walang ano ano'y tumakbo ako papasok sa subdivision. Ang gusto ko lang ay makatakas sa lalaking iyon. Tumakbo lang ako hanggang sa marating ko ang main gate. Nakasara na ito kaya wala akong sinayang na oras, kinalampag ko ito, mabuti at pinagbuksan agad ako ng guard. "Ma'am anong nangyari sa yo? Bakit ganyan ang itsura ninyo" Nag aalalang tanong ni kuya Fred, ang guard ng Subdivision. Hindi ko sya sinagot at dali dali akong pumasok at ako na mismo ang nagsarado noon, nanginginig kung Sinarado ang gate. Sapo sapo ang dibdib at habol ko ang hininga nang tuluyang nagsibagsakan ang mga luha pagkapasok ko. Napasandal ako sa pader. "M-m-may g-gus-tong g-gu-maha-hasa sa a-akin" Hirap kong saad dahil napahagulgul ako habang sinasabi ko ang katagang yon, halos hindi na ako makahinga dahil da labis na pag iyak. Kahit nanghihina ay nagawa ko pang itinaas ang kamay at gamit ang hintituro ay itinuro ang labas. Nang maibaba ko na ang kamay ko ay tuluyan na akong nang hina, napaupo na ako at napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking dalawang palad. Iniisip ko, paano kung hindi ako nakatakas sa lalaking yon, baka nagawa na nya ang masamang balak nya sa akin. I feel pity to myself, kung titignan ko ang sarili ko ngayon ay isa akong miserable. Akmang bubuksan ni kuya Fred ang gate upang silipin sana kung may tao pero pinigilan ko dahil sa takot na baka makapasok ang lalaking iyon. Nakatayo lang si kuya Fred sa gilid ko habang humihikbi ako, nahihiya man ako ay wala na akong paki alam kung makita nya ako sa ganitong itsura. Hindi sya nagsalita o nagtanong na pabor naman sa akin. "Ihahatid nalang po kita sa inyo ma'am" Pag pepresenta nya nang mahimasmasan ako pero umiling ako. "Kaya ko na po kuya, dito ka nalang po mag bantay, malapit naman po ang lalakarin ko eh" Dala siguro ito ng pag o over think, na baka makapasok ang lalaking iyon kapag walang nagbantay dito. "O sya sige mag ingat ka ha" Bakas sa boses nya ang awa at pag aalala sa akin. Ngumuti ako at nagpaalam na bago tumalikod nat naglakad patungo sa bahay. Nang makapasok ako sa gate ng bahay namin ay doon ko lang naramdaman ang ginhawa, nakahinga ako ng maluwag. Nakabukas ang mga ilaw, senyales na nandito na sya. Naglakad ako papasok at binuksan ang pinto, pagpasok ko ay nakita ko si Zeke, nakaupo ito sa sofa at nakakunot ang noo itong nakatingin sa akin. "What happened to you?" Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtayo nya. Hindi ko sya sinagot bagkus ay patuloy lang ako sa paglalakad. Nagpapatawa ba sya? Iniwan nya ako sa gitna ng kalsada tapos tatanungin nya kung anong nangyari? Umakto akong parang hindi ko sya nakikita o naririnig. Nilagpasan ko sya, ni hindi ako tumingin sa dereksyon nya habang naglalakad dahil naaalala ko lang ang nangyari sa akin kanina. Bago pa malaglag ang panibagong luha ay tumingala ako upang pigilan ang mga ito at tinahak ang hagdan nang hindi sya nilingon. Nakakapagod pala. Nakakapagod magmahal peri hindi sinusuklian ang pagmamahal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD