BRION ADLER'S POV "Uhm, I wanna ride your car. I love Mazda, saan mo iyan nabili?" Tumutok ang mata ko sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa lantaran niyang pagbibigay ng interes sa akin. She's probably drunk though she still looks sane. "Look, Miss. I'm busy so stop wasting my time and get your ass out of here." Sa halip na umalis ay sumandal pa ito sa sasakyan ko. Hindi naman siya mukhang lasing at mas lalong hindi siya mukhang bayarang babae. Umigting ang panga ko sa sariling naisip. "Alis!" She seductively hung her arms around my neck. I tried my best not to stare at her lips. I don't want to take advantage of this woman. Akala ko ay iyon na ang una at huli naming pagkikita pero hindi pala. In front of my house is her house. Alam kong kalilipat niya lang dahil

