"Miss Vida, ano order mo?" Clariz, asking my lunch for today. Anong oras na ba? It's already eleven in the morning. Tumayo ako at isinuot ang bag ko. Humarap ako sa kanya at saka sinabing, "Sa labas na ako mag-lu-lunch. Ikaw na muna bahala rito." "Okay, Miss." I drove my car to the nearest restaurant. Gusto ko kasing sabay kami mag-lunch ni Brion. Plano kong bisitahin siya ngayon sa opisina nila. Sana lang hindi siya busy. Hindi ko kasi sinabing dadalaw ako, surprise lang. It's been days since we last talk and ate together. Sobrang busy kasi ng loko. Sabi niya sa text kahapon ay dire-diretso daw yung mga projects tapos may mga papers na pinapagawa yung parents niya sa kanya. Naawa ako sa mokong. Parang gusto kong tulungan siya sa trabaho kahit wala naman akong alam sa ginagawa nila kay

