Nag-deactivate ako sa lahat ng social networking sites na mayroon ako maliban sa email dahil kailangan ko iyon sa trabaho pero maging iyon ay hindi ko muna ino-open. It's been two weeks. Hindi ako umaalis dito sa bahay. Some of my friends here asked me to go clubbing and all pero tumanggi ako. Nakakulong lang ako sa kwarto at lalabas lang kapag kakain. Wala akong balita sa Pilipinas maliban sa tatlong kaibigan ko na katatawag lang kagabi. None of them mentioned anything about Bri. I want to know how he is in the two weeks that I'm gone. Gusto kong malaman kung may progress na ba sa kanila ni Ashley, kung ganoon pa rin ang routine niya sa araw-araw. I badly want to asks my friends about him but then... a part of me does not want to hear anything about him. Paano ako makakalimot kung pala

