"I'll be out this weekend. May bibisitahin kaming site sa Cebu. It's my family's property kaya ako mismo ang umaasikaso nung project na iyon." Ngumiti ako sa kanya. I'm so proud of him. Hindi ko alam kung talagang nakikiayon ang tadhana sa gustong mangyari ng mga magulang ko dahil nasakto pa na pag-alis niya ay pag-alis ko rin. Pero siguro mas maayos na rin. "Bri," I called. "What if this was our last time together?" Kumunot ang noo niya, halatang walang alam sa pag-alis ko. "I don't think so," anito. "Unless tomorrow's the end of the world." Siguro nga. Kasi pag-alis ko, katapusan na ng mundo ko. Pero ikaw, alam kong magiging maayos ang buhay mo. Alam kong magiging masaya ka. Alam kong makakapagpatuloy ka sa buhay at pangarap mo. "What if... what if lang, what if tomorrow we will n

