Hanggang sa pag-uwi, naging alerto ako sa paligid. Sa tingin ko, mas mabuti munang ako ulit ang sumundo kay Leo hanggang sa mapanatag ako na wala ng threat para sa kaligtasan naming dalawa. Hindi ko kung bakit nagkaganito samantalang maayos naman ang pamumuhay ko dito noon. “Anak, pangako mo sa'kin na hindi ka makikinig sa sasabihin o sasama sa hindi mo kilala.” “Opo, Mama.” mabilis na tugon ni Leo. "Kay Mama ka lang sumama, okay?" paninigurado ko. Tumango siya. "Promise po Mama." Buti na lang din hindi na nang-usisa si Leo dahil mahihirap lang ako ipaliwanag sa kanya. Niyakap ko si Leo, pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Leo. Labas siya at wala siyang alam dito kahit nga ako naguguluhan pero kailangan kong maging mata

