Bodyguard?! Si Samuel! Halos lumuwa ang mata ko sa pandidilat sa kanya. Pero nakatingin lang siya ng seryoso at walang balak na bawiin ang sinabi. Bakit kailangan siya pa kung pwede namang maghire na lang o kaya 'yong isa sa mga tauhan niya! Bakit siya pa?! Ano bang gusto niyang mangyari?! Wala pa nga akong sinasabi kung gusto ko ngang magkaroon ng bodyguard, lalo na hindi magandang ideya na siya ang magiging bodyguard ko. Before I could object, Dad holds me in my hand and squeezed it a bit. “It was a good idea. Ikaw na bahala sa anak ko, ingatan mo siya. May tiwala ako sayo, Samuel." Dad spoke with finality. Napaawang ang labi ko at nagtatalo ang sarili kung kokontrahin ko ba si Dad o hindi. Nagpalipa-lipat ang tingin ko kay Samuel at Daddy at pareho silang seryoso; desedido na sa

