Nakarating kami sa school ni Leo ng sakto sa oras. Magkahawak kaming tatlo sa pagpunta sa gym. Maingay na din dito dahil sa dami ng tao; bata kasama ang mga magulang nila. Dumagdag pa ang mga tugtog na lalong nagpasigla sa event ngayon. Makukulay din na banderitas ang mga palamuting nakalagay sa buong paligid. “Leo… sino 'yung kasama ng Mama mo? Papa mo ba 'yon?” sabi ng cute na batang babae. The little cute girl with a high ponytail and wearing a red shirt like us. Halos magkasingtangkad lang sila ni Leo. “Oo. Siya ang Papa ko.” proud na sabi ni Leo. “Hello po.” bati ng batang babae. Ngumiti ako. “Hi. Ang cute mo naman.” “Salamat po. Ako po si Ysabelle, Ysa na lang po.” magiliw niyang sabi. “Ako ang Mama ni Leo, Ysa. Tita Ave na lang.” Ang sarap sa pakiramdam na magpapakil

