Nagising ako na ng sobrang sakit ng ulo ko, hangover siguro dahil sa sobrang kalasingan. Habang sapo ko ang ulo ko iniisip ko kung paano ako nakarating ng kwarto ko. Sino ba naghatid sa'kin? Si Zach? o sila Fern? Bahala na basta ok ako.
"Ahhhh!!!" I groaned.
Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yun kagabi. I bite my lower lips and signed heavily.
"Ave! Ang syongga mo talaga!" nagpagulong-gulong ako sa kama ko.
I calm myself. Breath in. Breath out.
Pumunta akong kusina para uminom ng tubig. Muntikan ko ng maibuga ang tubig sa bibig ko ng bigla may nakita akong repleksyon sa may ref ng tao na nakatayo sa likod ko. Sapo-sapo ko ang dibdib ko at humarap. Si Zach lang pala. Nakahinga ako ng maluwag.
"Ba't ka ba ng gugulat ng ganyan?" naiinis kong tanong.
"Sorry, I didn't mean to scare you." malambing niyang sabi
"What are you doing here?"
Naglakad ako papuntang sala habang si Zach naman nakabuntot sa'kin. My jaw dropped when I see Clea. Agad ko siyang niyakap. Clea hugged me too at hinarap niya ko.
"Are you ok?" pag aalalang tanong ni Clea.
I nodded and smiled.
"Sino pa lang naghatid sa'kin kagabi?"
Clea pointed Zach. I was right. I looked at him and I just smile. I also uttered my thank you, hindi niya talaga ako pinababayaan.
"Nakwento pala sa'kin ni Zach, yung about sa pustahan niyo. Ave, you better don't do that." si Clea
Humarap ako kay Zach at nilakihan ng mata bago bumaling ulit kay Clea.
"Clea, don't worry. Two months lang naman yun tapos pag nagawa ko edi akin na lahat ng pinusta nila at pag natalo ako gagawin ko gusto nila and I'll date Zach... again."
"May nasasaktan kang tao dahil sa gagawin mo." napaka-anghel talaga nitong si Clea
"'Wag kang mag alala hindi siya masasaktan. He's a playboy."
I already started this. Wala na 'tong atrasan.
Nagtiis bagang si Zach. "Pano kung ikaw ang masaktan?"
Umiling ako. "Yun lang ba pinunta niyo dito?" tumingin ako sa kanilang dalawa "'wag kayong mag alala, hindi ako masasaktan at tatapos ko lang 'to then end game na. I already said yes to Fern and Blake." walang emosyon kong sabi.
Tumingin ako kay Clea. "You're my bestfriend so please just support me." Humarap naman ako kay Zach. "I know my limitation and pag alam kong masasaktan o makakasakit ako ng tao, hindi ko na itutuloy."
"Yeah" he almost whispered and walked out.
"Sino ba yung lalaki?" I saw Clea's confusing look. "bakit pa hindi mo na lang palagpasin?"
"Sasabihin ko kung sino. But not now... I just can't." mahinang sabi ko kay Clea.
Hindi ko alam bakit hindi ko masabi kung sino dahil na din siguro sa kilala nila ito at mas aasarin nila ako pag nagkataon. Clea hugged me again and she said she understand at nagpaalam na din siya.
Tulala ako at iniisp kong tama ba nag desisyon ko. I swallowed hard and groaned.
Humiga ako sa sofa at nagpapadyak dahil sa inis na nararamdaman ko. Kailangan kong panindigan 'to at ayusin pero bago yun kailangan ko munang kausapin si Fern about sa dare.
Me:
Fern, punta ka dito sa bahay. Let's talk about the dare.
Nag-reply namam agad si Fern.
Fern:
Ok ;) Hindi makakasama ngayon si Blake because he's busy. Kaya 'wag munang i-text.
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Fern. Honestly, I was about to text Blake kasi kasama siya sa pustahan. I smell something fishy, may hindi sinasabi sa'kin si Fern. Hindi naman sila ganito ka-close ni Blake dati but that's not my business to problem. Kaya pala ganong sila sa isa't isa noong nasa bar pa kami. Gusto ko kay Fern mismo manggaling.
Me:
Okkk. See yah!
Habang naghihintay naligo at nagbihis muna ako at bumaba na para hintayin si Fern. Nang may kumatok na sa pinto. I know its Fern laya agad kong binuksan ang pinto at pinapasok siya. Nandito kami sa sala ngayon.
"What about the dare?" panimula ni Fern.
I crossed my arms in the middle and I sighed.
"If you planning to end it. It's ok, I don't mind but It means you lose" kalmadong sabi sa'kin ni Fern. "You have to pay us." she grins at nilahad ang kamay.
"Of course not, hindi ako papayag no!" umirap ako sa hangin, kailangan ko ng panindigan. "Ayusin natin ang dare."
Fern nodded at me. We plan about dare s***h mission. I don't know but there is something inside me na gusto kung gawin pero ayaw ko din kasi natatakot ako sa kalalabasan. Paano pag ako ang mahulog? Paano kung tama si Zach at Clea?
Sa napag-usapan namin ni Fern, may two months ako para magawa ang plano ang maakit ko si Samuel Mondecillo. Pag nagawa ko na tapos na yung dare pero humingi ako ng kondisyon, ang walang makakaalam na si Samuel ang lalaking iyon except to Blake and Fern. Ayoko man magsinungaling kila Zach at Clea, I have no choice kasi ikokonsensya lang nila ako at baka masira pa ang plano. Napag-usapan din namin na pag nakuha ko si Samuel, makukuha ko ang gusto ko tulad ng pangako nila at pagnatalo naman ako makukuha nila ang gusto nila kahit ano.
Bukas pa mag sisimula ang dare and I need to make a plan. I need Samuel to fall in love with me... I swallowed hard, never ko 'tong naimagine pero dahil sa nangyari kagabi nagkaganito na. Me and Samuel... my goodness. My heart starts beating so fast and loud. Relax heart bukas pa naman eh at kaya mo yan. Ang problema lang eh yung mga babae niya, he's a playboy kaya naiinis ako sa kanya sa bar. Nung nasa States ako nakakabalita ako na iba-ibang babae ang dine-date niya. Bigla ako nakaramdam ng inis.
I've received a text messeage from my Dad. Pumunta daw ako sa office niya dahil manonood daw ako ng meeting nila. Ang family business namin ay ang shipping company, matagal na ang company namin simula pa sa mga lolo ko. Isa ang shipping company namin sa mga sikat na shipping lines sa Pilipinas. Kaya pumunta din ako ng States to learn how to handle business, nag work while studying sa isang sikat na shipping industry sa mundo.
Nag aaral na pa din naman ako habang nag tatrabaho dito sa sarili naming company. My Dad doesn't want me to work while studying because he wants me to finish my degree before work. But I want to work and to have atleast a bit of information about my future work. I want to be responsible and hands on to this.
"Good Morning, Ms. Del Dior." bati ng secretary ni Dad.
I just nodded and smile. I wear my casual attire for this event; black tube top with cream colored coat, highwaisted cream slacks and beige heels. Light make up lang ang suot and red lipstick. Deresto ang pagpasok ko sa loob dahil 'di pa naman daw magsisimula.
Sabi sa'kin ng secretary ni Dad big project daw ang nakasalalay kaya importante ito. Nagsidatingan na ang ilan sa mga kasama sa meetings, even my Dad is already here. Ready to start pero may inaantay pa daw. Umayos ako ng upo ng makita ko kung sinong pumasok.
Nagsimula ding magwala ang puso ko, grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon. He's wearing dark blue coat, white long sleeve sa loob, black slacks at leather shoes. He's greeted and smile to everyone, damn he looks so hot. But the moment his eyes lay on me, nawala ang ngiti niya at napalitan ng iritasyon na may galit. I looked away 'di ko kaya tagalan at gusto kong magpalamon ngayon sa lupa dahil sa kahihiyang ginawa ko doon sa bar.
Nagsimula na ang meeting pero hindi ako makapag-concentrate dahil nararamdaman kong minsan nakatingin siya sa'kin. Nandito ako sa gilid, hindi ako kasama sa mga nasa mahabang table nakaupo pero katapat ko siya. Minsan nag kakasalubong ang mga tingin namin pero ako na ang unang bumabawi at ngayon lang din ako naging conscious sa suot at itsura ko. Ano bang nangyayari? Dapat confident ako at biglang pumasok sa isip ko yung dare, makakausap ko siya mamaya.
Malayan ko na lang na tapos na pala ang meeting para sa big project ni Dad. Nagsialisan na ang iba and I choose to wait for him, I need to talk to him. Paalis na sana siya pero humarang ako sa harapan niya. Napaangat naman siya ng tingin at umayos ako ng tayo.
"Can I talk to you?" nilambingan ko ang boses ko at I smiled.
Tumingin pa siya sa cellphone niya bago tamad na tumingin sa'kin. Naku! Kung 'di ko lang kailangan magpakabait para sa dare eh.
"I'll give you two minutes" sabi niya sa'kin at tumingin siya sa secretary niya "you can go" bumalik ang matalim niyang tingin sa akin. "Go."
"Two minutes?! Ano ma-"
"The time is running." he is annoyed
I signed. "Ok. I'm here to say sorry for what I've said... doon sa bar." mahihiya kong sabi at nakayuko.
He lifted my chin to face him, nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. He smirked at me, napansin niya ang naging reaksyon ko. Agad kong iniwas ang mukha ko sa kamay niya at inirapan siya, mahina siya napatawa. Nang-aasar pa mas lalo lang akong naiirita.
Umayos siya ng tayo. "I thought you're saying sorry? Bakit 'di maipinta yang mukha mo?"
"Hindi. I really mean it. I'm sorry." I fake a smile.
Kumagat ka lang!
Nakakunot noo siya at iritadong nakatingin. "Don't say sorry when you didn't mean it."
Balak niya kong alisan ulit pero agad kong nahawakan yung kamay niya. Bakit ba ang hilig mag walk-out ng lalaking ito!
"Wait lang! Sorry na talaga. Hindi ko sinasadya yung mga tanong ko kasi lasing ako. Kasi kalimitan ng lalaki ganon lang nam-"
"Sorry but you're wrong. 'Wag kang mag-generalized." agad siya tumingin sa kamay kong nakahawak sa kanya.
Agad kong binawi ang kamay ko.
"I'm sorry..." I whispered.
Napahiya na naman ako. Napahiya na naman ako. Para yang sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Naiinis ako sarili ko pero mas nadadagdagan ang inis ko sa kanya parang ang liit ko lang para sa kanya. Not literal!
"Samuel, nandito ka pa pala?"
Napalingon ako sa nagsalita. Nagtatanong ang mukha niya ng binalingan niya ako at si Samuel. She's pretty, tall and sexier than me. I look at her breast at mas malaki yun kaysa sa akin. Bakit ko ba kino-compare yung sarili ko eh mas maganda naman ako. Tsaka mas matanda na siya sa'kin kaya iba na ang hubog ng katawan.
"Paalis na din. May pinag-usapan lang." nag-iba nag expression ng mukha niya ng humarap siya sa babae at umalis.
Umirap ako sa hangin. My thoughts were right. Nagiging balakid ang mga babae niya.
Mas lalo akong nainis. Babawi ako. I do everything to win this game. Mas ginaganahan akong na ipagpatuloy 'to.
Akala ko madali lang, but I thought wrong. This going to be challenging.