Lumapit si Tharron sa'min, medyo nagpanic ako dahil baka sugurin niya si Samuel. Nakayukom ang mga kamay nito ng lumapit sa'min. Nang nakalapit si Tharron, nagtitigan silang dalawa. They exchanged solemn look. Mas matangkad ng kaunti si Tharron kaysa kay Samuel, matangkad silang parehas kaya hindi sapat kahit na iharang ko ang sarili ko. “T-teka…” Sinubukan kong gumalaw para sana harangin sila kaso masyado na silang malapit sa isa't-isa. Nang tumingin si Tharron sa'kin, napayuko na lang ako at mahigpit na humawak sa kamay ni Samuel. Narinig ko ang malakas na buga ng hininga ni Tharron at nakapameywang kaming hinarap. “Alam mo namang…” Mahina at madiin na pagkakasabi ni Tharron, iniiwasan sigurong marinig ko pero narinig ko pa rin. He seriously nod. “I know.” he paused. “Huwag kan

