Lahat kami nag-aabang sa resulta ng operasyon ni Daddy. Nang lumabas na ang doctor, nagsitayuan agad kami. Lahat kami halatang tensyonado at naghihintay lang sa doctor. “Kayo po ba ang pamilya ni Mr. Dennis Mondecillo?” “Opo.” sagot ni Mommy. “Good news. Successful ang operation.” nakangiting sabi ng Doctor. Napatakip ako sa bibig ko at hindi na maitago ang tuwa. "Thank you!" "He just need to rest. And undergo some test kapag naka-recover na siya." ani ng Doctor. Nakahinga kaming lahat ng maluwag. We uttered our thank you to the doctors. Sinabihan din kami na ililipat sa ibang room ang Daddy ko para makapagpahinga at mabilis siyang makarecover. Buti na lang din daw hindi gaanong malalim ang sugat sa ulo ni Dad. Ayon pa sa doctor, hindi nila aalisin ang posibilidad na maaaring magk

