Samuel's POV (Continuation of his point of view) "Stop it. Will you?" inis na sabi ni Tharron. Sinamaan ko siya ng tingin. I sighed. Wala akong mapapala kong magkakaganito ako. "Nakakahilo ka kaya. Kanina ka pa pabalik-balik ng lakad. Ano bang problema mo? Baka makatulong ako." Umayos na lang ako ng upo. Ano kayang ginagawa nun? Bakit hindi siya nagtetext sa'kin? Siguro busy talaga siya at hindi niya ako makapag-reply. Ako: Don't stress yourself too much. Still no reply. But I understand. Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi siya pumunta sa office ko kahapon para magdala ng lunch. "Good evening po. Nandyan ba si Ave?" Hindi ko na talaga matiis. Pumunta ako sa bahay nila. Kausap ko ngayon ang kasamba

