“Sige na, Samuel. I want to see my son.” pagpupumilit ko. Huminga siya ng malalim at tumango. He leaned over to kissed my head. Napapayag kong si Samuel na pumunta kay Leo kahit na pinagpipilitan niya na magpahinga na lang muna ako. Hindi ako makakapagpahinga hangga't hindi ko nalalaman ang kondisyon ng anak ko. Alam kong trauma ang inabot ni Leo dahil sa nangyari kahit nga ako natatakot pa rin. Lumabas si Samuel at pagbalik niya may dala na siyang wheelchair. Ipinulupot niya ang kamay ko sa leeg niya. "Salamat." Natigilan siya at nagulat ako ng biglang walang lakas niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "You scared me. I thought I might lose you again." Nangilid ang luha ko. Gusto ko siyang yakapin pero dahil sa kamay ko hindi ko magawa. Nilipat niya na ako doon sa whee

