Hindi ko na rin alam kung anong oras kami nakauwi ni Nate. Magkagayon man ay kailangan ko pa ring bumangon nang maaga. Walang excuse sa pagsasanay. Nag-stretching ako bago ko binuksan ang bintana. Kayganda ng view ng sikat ng araw. Humuhuni pa nga ang mga ibon. Magandang umaga, Mundong magulo! Sana ay maging maayos na ang lahat. Nakakapanibago ang pakiramdam ko ngayon. Parang mas magaan pa nga kahit marami akong na-drain na kapangyarihan kagabi sa Zone 7. Nasasanay na yata ang katawan ko sa super mega unexplained powers. Chineck ko ang selpon ko. May mga hindi pa ako nababasang messages kahapon. Mas maraming mensahe ang network provider. May mga promo sila ng unlitext at call. Duh! Aanhin ko naman ang mga `yan e kaya kong makipag-usap sa pamamagitan ng mental telepathy! Life hack talaga

