Kabanata 8- RICH: "Fury Room"

2378 Words
Kailangan kong pumunta sa extra class ko habang nagpapahinga si Brigitte sa clinic. Nagtamo siya ng mga sugat sa braso at may gasgas sa noo. Buhay pa naman ang mga Black Wolf. Nakatanggap ng punishments dahil sila naman ang nag-umpisa ng gulo. Ngayon alam na nila ang tunay na kakayahan ni Brigitte magiging kaklase ko pa kaya siya? Nakakalungkot naman `pag ililipat na siya sa mga special classes na nababagay sa kapangyarihan niya. Hay. Di bale na nga lang. Sigurado namang para sa ikabubuti niya yun e. At least magkakaroon ako ng kaibigan na sobrang lakas. Wala nang aapi sa akin. hahaha. Napatigil ako sa tapat ng isang classroom. Half-open kasi ito at rinig na rinig ako ang pagtugtog ng violin. Angsarap sa pangdinig! Sinilip ko kung sino ang tumutugtog. Halla! Angganda niya! Parang `yong mga artista sa tv! Natulala na lang ako sa may pintuan habang pinapanood siyang tumugtog. Nakapikit siya na parang siya lang ang nag-e-exist sa mundo at parang nagkakaintindihan sila ng violin. Ang mga musikero daw pag nagkakaunawaan sila ng instrument magiging maayos at maganda ang musika. Tatagos ito sa puso ng nakikinig. Kumbaga nagiging isa sila. Nakakainlove ang melody! Sana henyo din ako sa pagtugtog ng musika. May dumating na isang lalaki o wait Babae yata siya. sumandal siya sa gilid ng pinto at pinakinggan rin ang musikang umaaliw-iw sa paligid. “The bow of the violin that is me playing wonderful music for thee..” Poem yata `yong nire-recite niya. Hindi naman ako pamilyar sa mga ganyan e. “Ha?” Bigla-bigla naman kasi siyang sumusulpot ang magre-recite ng tula. Baka assignment nila `yon. Ngumiti ito at pumikit. Isinabay niya sa musika ang pagtula. Spoken poetry? Pero spokening dollars! “They've been best friends for many long years spending precious time together creating memories, enjoying life sharing pain and laughter” Baka nga practicum nila. Baka magpakner sila. Pogi siya ha? Pero, confirmed ko naman na babae siya. Atleast hindi na ako maguguluhan. Nakapanlalaki lang siya na damit. Checkered polo and black pants. Parang si Brigitte lang. Mahilig sa mga damit na panlalaki. “E di ko gets…” Pagtatapat ko. Kahit nagandahan ako sa musika at pagre-recite niya hindi ko pa rin gets e. At least honest ako. Ha ha! Mejo bobonicles ako sa mga poetry-poetry talaga. “Eternal love.” Sambit pa niya. “`Yon ang piyesa na tinutugtog niya.” Ah okei. Pa-suspense pa ng intro e. “Tumutugtog ka rin?” Umiling naman ito. “But I do love to listen to her when she plays the violin. Nakakarelax..” “Nakakakorni rin.” Mahina lang naman ang pagkakasabi ko. Hindi kasi ako music lover. Food lover pwede pa. Hoho. Parang nagugutom tuloy ako agad. Natawa naman siya. Ay narinig niya. Lord! Angdaldal ko kasi. Tsk! “It’s called being romantic…” Nilahad niya ang kanang kamay niya. “By the way, Im Jisho Sii…” Nakipagkamay naman ako `no. Baka sabihin niya masamang tao ako e. “Rich Gozon…” Ngumiti naman siya. “Tara, ipapakilala kita sa kanya…” “May pasok pa ako e. Extra class.” Mapapagalitan na mana ako pag ma-late ako. Baka mabigyan ako ng awar na Best in late. Haha! “Gan`on? Ok lang yan. Minsan ka lang naman mag-i-escape e. Saka hindi naman tayo required na mag-attend ng extra classes. Hindi mo ba alam yun?” Luh? Walang nagsabi sa akin nun ah! Ibig sabihin pwede naman pala akong umuwi nang maaga at magpaikot-ikot na lang sa higaan ko kaysa mag-extra class? Angdaya naman! Na-scam ako doon ah! “So ano? Tara?” Siyempre, mabilis akong nakumbinsi. Ito na lang kaysa extra class. Hihi. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Naupo kami sa bandang likuran habang tuloy-tuloy lang ang kaibigan niya sa pagtugtog. Hindi naman ako tsismosa `no? Pero parang iba kung paano magtuon ng pansin si Jisho sa kanya. A. Bestfriend niya? B. girlfriend niya? C. ah baka nga kasi girlfriend nga niya. Napakamalisyosa ko? Pero pwede ba yun? Pareho silang babae e. hmm. Siguro. Ah ewan bakit ko ba iniisip yun? Hindi ko naman problema `yon `di ba? Itinuon ko na lang ang pansin ko sa ganda ng musikang pinapakinggan namin. Hanggang sa huling nota ay ramdam na ramdam ko ang kanyang sinseridad sa pagtugtog. Nakakakilabot ang galing niya. Pumalakpak si Jisho. Ngumiti `yong babae at lumapit sa amin. Mas maganda pala siya pag malapit. Yumakap siya kay Jisho. “Akala ko hindi ka darating…” Pi-nat naman ni Jisho ang likuran niya. “Did ever let you down?” Ngiti niya. “hmm. Si Rich nga pala…”baling niya sa akin.”Rich, si Lyra Saam, my one and only.” Wait lang. Kilig ako sa ‘my one and only’. Pwede rin palang kiligin kahit parehong babae. Haha! Ampf! Idol ko na sila. “Hello po…” Nakipagkamay rin ako. “Hmm. Fan mo na po ako. Anggaling mo grabe…” “Hi. Nice to meet you finally.” Ang-amo naman ng ngiti niya. Naningkit `yong mga mata niya. “Eh? Finally?” Napakamot sa ulo si Jisho. “Uhm. Ano kasi kaibigan rin namin sina Nuie. Nakwento nila na na may bago daw silang kaibigan. Tapos…” Parang alam ko na ang susunod na sasabihin niya. “Na nakakagawa ako ng pagkain gamit ang kapangyarihan ko?” Tumango ito. “Sampol naman diyan. Tuwang tuwa si Nuie habang nagkukwento e…” Na naman? Para namang very big deal naman ng kapangyarihan ko. Weird ng mga ito. Marami kayang tulad ko ang kapangyarihan dito sa campus. “Don’t mind her. Excited lang talaga siyang makilala ka…”sabad ni Lyra. “Hmm, mahilig ka ba sa musika?” “Konti. Masarap kasing pampatulog ang musika e” “Well, at least na-apreciate mo,” ngiti niya ulit. “May ipapakita ako sa`yo.” Yaya niya. Hinigit niya ako sa kaliwang kamay. Kasunod lang namin si Jisho. Nagtungo kami sa isang training room ng university. “Anong gagawin natin dito?” “Fury Room ang tawag dito.” Paninimula niya. “Dito kami nagsasanay.” May pinindot siya sa dingding. Passcode? Sosyalan naman ang room na `to. Tumutunogtunog pa parang `yong calculator ng mga tindera sa palengke. Pagbukas ng pinto ay mayroon ulit pinto. Ano `to? Unlimited pinto? Anghiwaga naman ng university na `to talaga. Pumasok kami at isang gubat ang bumulaga sa amin. Halla! Grabe! Bakit may ganito ditto?! “Paanong magkakaroon ng gubat sa isang kwarto? Illusyon lang `to `no?” “Totoo yan.” Pangungumbinsi sa akin ni Jisho. “Ilusyon lang `to e. Siguro nandito si Nuie `no? Pinagtitripan na naman ako n`on e.” Pananabla ko sa kanya. “Kung ilusyon lang to, ibig sabihin sa mga isip lang yun. Hindi ka masasaktan.” Sabay suntok ko sa isang puno. “Whoaah! s**t! s**t!” Hinipan-hipan ko ang kamao ko.angsakit kaya! Parang dumaloy mula sa kamao ko ang kuryente hanggang sa pinakadulo ng buhok ko. Pinagtawanan pa niya ako! Angsakit kaya! “Sabi ko na sa`yo diba? Totoong puno yan. This room is created by Incogniro guardians from the four major Elements: fire, air, earth and water. With the aid of the first Light Element here on Earth.” Angdami talagang lihim ng university na to. Tss. Ang alam ko pag Incognito `yong powers mo ay pangmalakasan na sobrang improve pa. Gan`on ang pagpapaliwanag sa amin e. `Yong mga category ng powers. `Yong may Tres, Dos, Uno. Pinakamataas ang uno. Tapos pag nagsanay ka naman pwede mo bang higitan `yon, magiging Incognito ka na. Hanep sa powers! Belong ako sa Tres. `Yong mga isang hibla na lang ordinaryong tao ka na. Ha ha! Nasa laylayan ang kapangyarihan ko. Dapat kanina pa niya to inexplain e! huhu. Namamaga yata ang kamao ko. May mga na-discuss na kaming elements elements na `yan pero dahil naisip kong hindi naman yun related sa abilidad ko hindi ko na gaano binigyan ng pansin. Sasakit lang ulo ko `no! Baka magkaroon pa ako ng internal bleeding. “Secret trainings are done here. Mostly ang gumagamit dito ay mga Uno who are intended to be Guardians…” “Ibig sabihin?” Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Angdaldal mo Jisho.” Saway sa kanya ni Lyra Napalunok ako. Mga Uno ang kasama ko. Teka? Baka tulad din sila ng mga Black Wolf Gang?! Baka gusto din nila ako gawing alipin? s**t naman! Kalma lang Rich. Kunwari hindi ka nangangamba. Curious ka lang kunwari. Tumikhim ako. “Oh? si Lyra ay isang Uno? At future guardian? Luh, ganda naman niyang makikidigma.” “Angdami mong tanong…” Tawa ni Jisho. “Una, hindi siya Uno. Igcognito siya. Pangalawa, oo future guardian siya. At tama ka. Angganda niya talaga.” Incognito na naman?! Pwede bang time out muna sa mga ganitong kategorya ng kapangyarihan? ` Parang anytime kasi may mangyayaring hindi maganda `pag ganitong katergorya ang nakakasama k e. “Umpisahan na natin…” Pagtingin ko kay Lyra ay hindi na siya `yong kaninang kalmado. Lumayo siya sa amin. Nasa gilid lang kami ni Jisho at nababalutan kami ng isang barrier. Nagsimulang naglabasan ang mga halimaw na mabilis umaatake kay Lyra. Ang mga kuko nila ay mahahaba at nanlilisik ang mga mata nila. “Totoo rin ba sila?” Nagpapanic na ako! Baka hindi na ako makalabas ng buhay dito! “Illusions but just like what Nuie does, they can damage half as the real monster can.” Kung half lang? Ibig sabihin ang totoon Lyle ay kayang patagusin ang fireball niya sa anim na puno? Inumpisahang tumugtog ni Lyra. Hinawakan ako sa braso ni Jisho. “Manood kang mabuti.” Ang musikang nanggagaling sa pagtugtog ni Lyra ay parang blade na mabilis na lumilipad sa hangin patungo sa mga halimaw. Anggaling! Naging sandata niya `yong tunog! Parang shurekin na ginagamit ng mga ninja pero mas malaki lang. Ang mga halimaw ay mabilis ring umiiwas. Sinundan ko ang direksyon ng mga blade o shurekin o kung ano mang tawag nila d`on. Tumama ito sa mga puno at ang maliliit na sanga ay nabali nito. Halla! Gan`on katalim? “Musika at paggamit sa hangin ang sandata ni Lyra. Wind blades ang mga malalaki. `Yong mga maliliit naman Breezeblades…” Ok. Loading. Sobrang loading naman ako! So kaya niyang i-manipulate ang hangin gamit ang violin niya? Hello, Rich! Malamang. Angbobo mo na naman e! Biglang nag-iba ang musika ni Lyra. Bumilis ito ang mga halimaw ay sumugod ulit bigla na lang nagpaikot-ikot ang mga ito na parang ipo-ipo hanggang tumilapon sa iba’t-ibang direksyon. Napapasigaw na ako! Nakapahawak ako sa balikat ni Jisho. Paano kasi hindi yung mga halimaw ang nagpa-ikot-ikot sa ipo-ipo! Pati `yong mga puno at malalaking bato! `Yong pinakamalaking tipak ng bato ay tumalapon patungo sa kinatatayuan namin ni Jisho. “Whoaahh!!” Kahit may barrier e baka tumagos pa rin yun. Gusto ko pa pong mabuhay Lord! Itinapat ni Jisho ang kamay niya dito. Pagkumpas niya sa kanan ay sa direksyon na yun tumilapon yung tipak ng bato. Halla? Bakit lahat na lang ng mga puno at papunta sa direksyon namin? Dalawang kamay na ang ginagamit ni Jisho sa pagpapalipad ng mga puno at bato sa magkakaibang direksyon. Nagtago ako sa likuran niya pero nasisilip ko pa rin kung paano siya dumedepensa. Winawaksi lang niya ang bawat bagay na tatama sa amin. Tuloy-tuloy lang si Lyra sa pagtugtog ng maladelubyong piyesa at tuloy-tuloy rin ang mga bagay-bagay sa paglipad at pag-atake sa amin. Isang malaking puno ang mabilis na paparating. Biglang nag-apoy ang mga kamay ni Jisho at itinutok ito sa malaking puno. Wala pa man din siyang ginagawa ay tumigil na ang musika at sa isang iglap lahat ng nagliliparan kanina ay bumagsak lahat sa lupa. “Adik ka ba?!”sigaw ni Jisho. “Pati kami dinadamay mo e!” Tatawa-tawa naman si Lyra na papalapit sa amin. Ngayon ko lang napansin naging kulay pula rin ang mga mata niya. Nagtago lang ako sa likuran ni Jisho. “Don’t worry Rich. We were just playing…” Ngiti ni Lyra. Unti-unting bumalik sa normal ang kulay ng mga mata niya. Maging si Jisho ay nawala na rin ang apoy sa kanyang mga kamay. “Don’t you think it is dangerous for Rich to stay here that long?” Sabi ng isang pamilyar na boses sa may pintuan kung. Atubiling lumapit si Lyra sa amin at yumuko silang dalawa para magbigay galang kay Lee. Gagayahin ko ba sila? Gumaya na rin ako. Nakiki-join lang ako para hindi sabihing bastos ako. Ha ha! Sino ba siya para igalang ng ganito? Lord? Master? Master Lord? s**t! Maalala ko, nakakabasa pala siya ng isip. Umiling-iling ako. Erase erase! “Sorry, Suun. Natuwa lang kaming makilala siya.” Hingi ng tawad ni Jisho. “My fault too.” Sabat ni Lyra. “I wanted to show her my ability…” “Whatever…” Apakasungit naman talaga! “Are you okay?” Nagpalinga-linga ako. Sino `yong nagsalita? Tiningnan ako ni Lee at tinaasan ng kilay. Tsk! Oo nga pala. Mental telepathy! “Oo. Huwag ka nang magalit sa kanila” “Ok.” Napansin ko yung benda niya sa braso at yung band-aid niya sa may noo. “Anong nangyari sa noo at braso mo?” “None of your business. Umuwi ka na. Hinihintay ka na ng kaibigan mo.” Angsungit niya grabe. Nakakaiyak naman pag sinusungitan ako nito. Kahit mental telepathy e punong-puno ng pait sa pananalita. Pinahid ko ang luha ko. Lakas mamahiya e. “Stupid. Don’t cry.” Tsk! Binabasa na naman niya ang isip ko. Wala ba akong privacy? Pangit! Nagbago ang expression ng mukha niya. Lumapit siya sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan ako sa baba. Inilapit niya ang mukha niya. Amoy ko na ang hininga niya. Mint? Strawberry? Bakit ko ba hinuhulaan?! Ngumisi siya. “Sinong pangit?” “Huh? Hmmm…Wala…” Winaksi ko ang kamay niya. “Eh kasi naman! Sabi nang wag basahin ang iniisip ko e!” Pinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ko. Ano ako? Bata?! “I can’t help it. Para ka kasing kuting mainis.” Bumaling siya sa dalawa. “Ihatid niyo sila ni Brigitte sa bahay nila. Siguraduhin niyong ligtas silang makakauwi…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD