Nakakapangilabot!Ang-itim na ipo-ipo. Siguro ay mayroon na namang taong nagising ang kapangyarihan at hindi niya ito makontrol. Kampante naman ako dahil siguradong nakaantabay na ang mga mga mandirigma ng Lakbay at Supil.
Subalit nang nang matanaw namin ito ay hindi na kami nagdalawang isip ni Lyra na ihatid sila. Base kasi sa lawak nito ay hindi kakayanin ni Brigitte kung sino man ang may kagagawan nito. Lalo pa’t hindi pa niya lubos na nababawi ang kanyang lakas mula sa engkwentro nila ng Black Wolf.
Habang papalapit kami sa bababaan namin ay nag-iiba ang kaba ko. Hindi ito pagkaraniwang ipo-ipo. May hatid itong kamatayan. Bumaba na kami. Muli akong tumingala. Sigurado na ako! Ganitong-ganito ang pakiramdam ko sa tuwing kampon ng Dark Fire Elements ang makakalaban ko!
“Brigitte. Humanda ka.”
Dahil sa pagpapalabas naming ng aming aura ay nakita nang mas malinaw ni Rich ang ipo-ipo.
“s**t! Brigitte malapit sa bahay namin yun!”
Shit! Of all places?! Did they learn about her?
“Brigitte, Ikaw na bahala kay Rich. Kami na ang bahala sa mga halimaw.” Sabi ko ditto gamit ang mental telepathy. “Mag-iingat ka.”
Lumipad na kami ni Lyra upang sagupain ang mga nakatambang na halimaw. Napansin ko rin ang mga drones ng iba’t-ibang tv networks. Maghahasik na naman ito ng takot sa sangkatauhan. Magiging hati na naman ang mamamayan at ituturing na lahat ng may kapangyarihan ay salot sa lipunan. Nakakinis! Mas nakakatatakot ang mga ordinaryong tao na nagpapalaganap ng maling balita para lang sa ikasisikat nila at para sa pera.
“Ito na ba `yon?” Nag-aalalang tanong ni Lyra. “Hindi ako makapaniwalang nangyayari na naman.”
“Hindi pa. Simula pa lang to Lyra.”
“Ganito rin `yong nangyari sa Europa diba?”
“Oo. Maging sa ibang kontinente ay ganito rin. They had failed at dito na lang sa Asia ang huling option nila. Angtagal natin siyang prinotektahan. We can’t afford to lose now.”
They’re searching for the chosen one and they failed in each continent. Siguro ay nagkaroon sila ng lead na dito sa Pilipinas matatagpuan ang itinakda. Angtagal naming siyang prinotektahan. Hindi pwedeng sa ganitong paraan lang kami matatalo!
Habang sina Brigitte ay mabilis na pinapatakbo ang mga skateboard gamit ang kapangyarihan niya, kami naman ni Lyra ay mabilis na tumatalon sa bahay bubong na madadaanan namin patungo sa bahay nina Rich.
“Ilan sila?” Tanong ni Brigitte sa pamamagitan ng mental telepathy.
Pinakiramdaman namin ang aura na bumabalot sa itim na kapangyarihan umiikot sa tirahan nina Rich.
“Sampu. Dalawa ang kategoryang Uno.”
Hay! Kailangan din namin ng tulong ditto kung sakaling mayroon pa silang mga kasama.
“Nuie, Asan ka? Be here at the East as fast as you can..
“Can’t! In trouble with Lyle at Neon here at North.”
Sabay-sabay na pag-atake?! Anong bang nangyayari? Lumalala na ang panggugulo ng mga kanyang kampon. Kung alam lang sana namin kung sino siya. Mas madadalian kaming magplano. Damn it!
Hindi pa man kami nakakarating sa tahanan nila ay may mga umatake na sa amin. Base sa aura nila ay mga Dos ang kanilang kategorya. Dos, pero itim ang kanilang mga mata at hindi kakikitaan ng awa.
Nagpapanic na ang mga mamamayan sa ibaba. May mga nakikita na rin akong Guardians na galing sa XXU na nagpapalikas sa kanila at ilang nagpalabas ng mga kapangyarihan upang gawing kalasag ng mga tao.
“Mauna ka na!” Sigaw ko kay Lyra.
May abilidad akong pagalawin ang mga bagay-bagay sa paligid ko gamit ang aking isip. Itinapat ko ang akong kamay sa poste. Binigwas ko ito sa tatlong halimaw na aatake sa akin.
Para lang silang mga bowling pins na nagtilapon sa mga kabahayan. Parang hindi lang naman sampu ang halimaw dito. Anglabo naman ni Lyra!
Hindi pa rin sumusuko ang mga `to. Sumusugod na naman sila. Parang hindi man lang napipinsala. May mga espada silang nababalot ng itim na kapangyarihan. Ganitong-ganito rin ang mga nakaengkwentro namin ni Lyra nung minsang nagtungo kami sa Africa. Tumataas ang balahibo ko sa talim ng mga pangil nila. Ibang klaseng paggising ng kapangyarihan ito. Binaboy na rin pati ang kanilang mga itsura.
Bakit ganito ang mga mata nila? Parang mga walang nararamdamang takot o kahit anong ekspresyon. Walanghiya ang gumawa nito. Pati emotion nila ay kanyang tinanggap. Tau-tauhan na laman niya ang mga ito. Mas nakakagalit!
Sa bawat atake nila sa akin at nakakailag ako. Tumatalon ako sa bawat bubong inilalayo ko sila bahay nina Rich.
Napakunot ang noo ko nang may napansin ko ang marka nila sa magkakaibang parte ng katawan. Umatake ulit yung isa. Hinarang ko ito gamit ang kaliwang kamay ko at hinatak siya. Mahigpit ko siyang pinilipit sa braso. Sapat lang para makita ko nang maayos ang marka sa kanyang batok.
Tatlong pahalang na guhit. Dark Fire Element. Siya na naman! Ang aming kalaban na hindi pa namin nakikita ang mukha. Napakawalanghiya!
Naramdaman ko ang panganib sa likuran ko kaya umiwas ako at iniharap tong halimaw kaya siya ang nasaksak ng kasamahan niya.
Badtrip wala na akong pwedeng ihagis sa mga `to. alangan naman hugutin ko ang mga kabahayan dito.
Ngumisi yung natitirang halimaw. Dalawang espada ang gamit niya. “Katapusan mo na…” Pagbabanta niya.
Ilang beses ko na bang narinig yan? At hanggang ngayon ay buhay pa rin ako?
Nasa ibabaw pala kami ng mga bahay. Mga dalawampung dipa ang layo niya sa akin pero amoy na amoy ko ang bago ng hininga niya.
Sa likuran niya ay tanaw kong may sinasagupa na rin si Lyra.
“Tapusin na natin `to.” Kailangan na ako ng girlfriend ko e.
Susugod na siya. Sumugod rin ako at Itinapat sa kanya ang aking kanang kamay.
“Chain Chrome…” Paikot sa kanang braso ko ang kadenang apoy na may patalim sa dulo. Napangisi ako. Sa bilis niya ay hindi na siya makakaiwas sa atake ko.
“Huwag mo akong maliitin.” Naglalaway pa nitong sambit.
Sa isang iglap ay nawala siya. Lumang taktika na `yan! Mahinang nilalang.
“Urrghh…” Tumarak sa kanya ang karugtong ng Chain Chrome na hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ko.
“Hindi kayo dapat nagpapakontrol sa kanya.”yun lang ang huling salita ko at nawalan na siya ng buhay. Maging ang mga kasama niya ay naging mga abo na rin.
Nakatitig lang sa akin ang mga mata niya habang unti-unti siyang nasusunog. Ang kaninang walang emosyong mga ekspresyon ay napalitan ng isang mapayapang mga mata na waring nagpapasalamat at nagtapos na ang kanyang paghihirap.
Gamit ang Chain Chrome ay hinuli ko ang isang halimaw. Itinutok ko ang aking hintuturo sa kanyang noo. Umaasa akong makikita ko ang mukha ng hayop na gumambala sa kanila.
Subalit blangko ang kanyang alaala! Tuluyan ko na siyang sinunog. Magkikita rin tayo, hayop ka!
Napatigil ako sa lakas ng kapangyarihang naramdaman ko. Nagmumula ito sa kinaroroonan nina Lyra.